Pumunta sa nilalaman

Userkare

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Userkare ("Ang Kaluluwa ni Ra ay Malakas") ang ikalawang paraon ng Ikaanim na Dinastiya ng Ehipto. Siya ay pangkalahatang nakikita na isa sa mga pinuno na sumalungat sa kanyang predesesor na linyang maharlika ni Teti at pinakamalamang na mang-aagaw sa trono.[1] Si Userkare ay maaaring mang-aagaw sa trono mula sa Ikalimang Dinastiya ng Ehipto ngunit tiyak na katunggali ni Teti sa trono. Dahil inangkin in Manetho na si Teti ay pinatay ng kanyang mga bantay, ang mga teoriya ng konspirasiya ay iminungkahi na si Userkare ang pinuno ng konspirasiyang ito na sumunggab sa trono. Ang kamakailang natuklasag dokumentong Katimugang Batong Saqqare mula sa paghahari ni Pepi II ay nagpapatunay sa kanyang pag-iral at nagbibigay ng paghahari sa pagitan ng 2 hanggang 4 na taon. Kalaunang nagawa ng anak ni Teti na si Pepi I na patalsikin si Userkare at humalili sa kanyang pinatay na ama. Sa Kanon na Turin, may lacuna sa pagitan nina Teti at Pepi I Meryre na sapat na malaki upang magkasya ang isang entrada para kay Userkare. Si Userkare ay maliwanag na binabanggit sa ilang mga talaan ng hari. Siya ay nagsimulang gumawa sa ilang mga mas malalaking proyektong gusali gaya ng ipinapakita ng inkripsiyon na nagbabanggit ng kanyang manggagawa. Gayunpaman, walang kompleks na pyramid ang natukoy sa kanya na ipinagpapalagay ay dahil sa kaiklian ng kanyang paghahari.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Nicolas Grimal, A History of Ancient Egypt, (Blackwell Books; 1992), p.81