Pumunta sa nilalaman

Ptolomeo X Alejandro I

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Ptolomeo X Alejandro I(Griyego: Πτολεμαῖος Ἀλέξανδρος, Ptolemaĩos Aléxandros) ang paraon ng Kahariang Ptolemaiko mula 107 BCE hanggang sa kanyang kamatayan noong 88 BCE. Siya ay naghari kasama ni Cleopatra III ng Ehipto bilang Ptolomeo Philometor Soter hanggang 101 BCE at nagharing kasama ni Berenice III ng Ehipto bilang Ptolomeo Philadelphus. Siya ay anak nina Ptolomeo VIII Physcon at Cleopatra III at nakababatang kapatid ni Ptolomeo IX. Nang mamatay si Ptolomeo VIII noong 116 BCE, si Ptolomeo IX ay naging hari kasama ni Cleopatra III at si Ptolomeo X ay ipinadala sa Cyprus upang magsilbing gobernador. Gayunpaman, noong 114-113 BCE, idineklara nito ang sarili na hari. Nakipag-alitan si Cleopatra III kay Ptolomeo IX at ipinabalik sa Ptolomeo X sa Ehipto noong 107 BCE at pinalitan ang kanyang kapatid bilang kapwa pinuno. Ang dalawa ay nakipagdigmaan laban kay Ptolomeo IX sa Kahariang Hasmonean noong 103 hanggang 102 BCE kung saan matagumpay na napigilan ni Ptolomeo X ang kanyang kapatid na sakupin ang Ehipto. Noong 101 BCE, ipinapatay ni Ptolomeo X ang kanyang ina at hinirang na kapwa pinuno ang kanyang pamangkin at asawa na si Berenice III. Ang isang paghihimagsik ng mga Ehipsiyo noong 91 BCE ay nagdulot sa kanyang mawala ng kontrol sa katimugan ng bansa. Noong 88 BCE, si Ptolomeo X ay pinatalsik ng mga Alehandriyano at iniluklok si Ptolomeo IX sa trono. Si Ptolomeo X ay humirang ng mga hukbo sa tulong ng mga Romano at sinakop ang Cyprus ngunit siya ay napatay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bennett, Chris. "Ptolemy X". Egyptian Royal Genealogy. Nakuha noong 13 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)