Iuput II
Si Iuput II (na binabaybay ring Yuput II) ang pinuno ng Leontopolis sa Ehipsiyong rehiyong Delta ng Ibabang Ehipto na umiral noong Ikatlong Pagitang Panahon ng Ehipto. Siya ay kaalyado ni Tefnakht ng Sais na sumalungat sa pananakop ng Ibabang Ehipto ng hari ng Kush na si Piye.[1] Si Iuput II ay namuno sa magulong panahon ng Huling Pagitang Panahon nang ang mga ilang mga hari ay kumontrol sa Ibabang Ehipto kabilang sina Osorkon IV sa Bubastis at prinsipe Tefnakht sa Sais. Ang taong 21 ni Iuput II ay pinatutunayan sa isang stela mula sa Mendes.[2] Pagkatapos talunin ni Piye ang koalisyon ni Tefnakht at sinakop ang Ibabang Ehipto noong mga taong 20 ng kanyang paghahari, pinayagan ni Piye si Iuput II na manatili sa kapangyarihan bilang isang lokal na gobernador ng Leontopolis ayon sa kanyang Stela ng Pagwawagi mula sa Gebel Barkal.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nicholas Grimal, A History of Ancient Egypt, Blackwell Books, 1992. p.331
- ↑ Jürgen von Beckerath, Chronologie des Pharaonischen Ägypten, Mainz, (1997), p.96
- ↑ Grimal, p.339