Pumunta sa nilalaman

Amyrtaeus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Amyrtaeus o Amenirdisu ng Sais ang tanging hari ng Ikadalawampu't walong dinastiya ng Ehipto. Siya ay pinaniniwalaang nauugnay sa pamilyang maharlika ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto. Kanyang winakasan ang unang pananakop na Persa (Persian). Siya ay namuno mula 404 BCE hanggang 399 BCE. Si Amyrtaeous ay malamang na apo ng Amyrataeus ng Sais na alam na nagsagawa ng isang pag-aalsa noong 465–463 BCE kasama ng hepeng Libyano na si Inarus(na apo ni Psamtik III) laban sa Satrap ni Artaxerxes I. Siya ay alam mula sa mga sangguniang Aramaiko at Griyego at binanggit sa Kronikang Demotiko. Hindi siya nag-iwan ng anumang mga monumento at ang kanyang pangalan ay muling binuo lamang mula sa mga abiso. Bago lumuklok sa trono ng Ehipto, si Amyrataeus ay nag-alsa laban kay Dario II noong 411 BCE at namuno sa isang aksiyong gerilya sa kanluraning Deltang Nilo sa kanyang tahanang lungsod ng Sais. Kasunod ng kamatayan ni Darius II, idineklara ni Amyrtaeus ang kanyang sarili na hari noong 404 BCE.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • A. Lemaire, 'La fin de la première période perse in Égypte et la chronologie judéene vers 400 av. J.-C., Transeuphratène 9 (1995), 51-61.
  • O. Perdu, 'Saites and Persians (664-332),' in A.B. Lloyd (ed.), A Companion to Ancient Egypt (Chichester, 2010), 140-58 (at 153-7).
  • J.D. Ray, 'Egypt: Dependence and Independence (425-343 B.C.), in Achaemenid History 1 (Leiden, 1987), 79-95.
Sinundan:
Darius II
Paraon ng Ehipto Susunod:
Nepherites I