Sobekhotep IV
Itsura
Sobekhotep IV | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Pharaoh | |||||||
Paghahari | About 10 years (13th Dynasty) | ||||||
Hinalinhan | Neferhotep I | ||||||
Kahalili | Sobekhotep V | ||||||
| |||||||
Konsorte | Tjan | ||||||
Ama | Haankhef | ||||||
Ina | Kemi |
Si Khaneferre Sobekhotep IV ang isa sa pinakamapangyarihang mga paraon ng Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto. Siya ang anak ng 'ama ng Diyos' na si Haankhef at ng inang si Kemi. Ang kanyang kapatid na si paraon Neferhotep I ang kanyang predesesor sa trono. Kanyang isinaad sa isang stela sa templo ni Amun sa Karnak na siya ay ipinanganak sa Thebes, Ehipto. Ang ilang mga sanggunian ay nagpapakita na sa ilalim ng kanyang paghahari, ang isang kampanyang militar laban sa Nubia ay nangyari. Siya ay pinaniniwalaang naghari sa loob ng 10 taon. Siya ay alam sa isang relatibong mataas na bilang ng mga monumento kabilang ang mga stela, estatwa, mga selyo at iba pang mga maliliit na bagay.