Meriamun Padibastet mry-Jmn p3-dj-Bstt Beloved of Amun, the gift of Bastet
Si Pedubastis I o Pedubast I ay isang paraon ng Itaas na Ehipto noong ika-9 na siglo BCE. Batay sa mga petsang lunar na alam na kabilang sa paghahari ng kanyang katunggali sa Itaas na Ehiptong si Takelot II at sa katotohanang si Pedubast I ay unang lumitaw bilang isang lokal na hari ng Thebes noong mga Taong 11 ng paghahari ni Takelot II, si Pedubast I ay pinaniniwalaan ngayon na may petsa ng pag-akyat sa trono noong 835 BCE o 824 BCE.[1] Ang lokal na paraon na ito ay itinala na may lahing Libyan at namuno sa Ehipto sa loob ng 25 taon ayon sa redaksiyon ni Manetho na ginawa ni Eusebius. Siya ay unang naging hari sa Thebes sa Taong 8 ni Shoshenq III at ang kanyang pinakamataas na pinetsahang taon ang kanyang ika-23 taon ayon sa tekstong lebel ng Nilo bilang 29. Ang taong ito ay katumbas ng taong 31 ni Shoshenq III ng nakabase sa Tanis na Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto. Gayunpaman, dahil si Shoshenq II ay tanging kumontrol sa Mababang Ehipto sa Memphis at rehiyong Delta, at sina Pedubast at Shoshenq III ay mga hindi magkatunggali sa politika at maaaring nagtatag ng isang relasyon. Ang katunayan, anak na lalake ni Shoshenq III na heneral at pinuno ng hukbong si Pashedbast B ay nagtayo ng isang pintong bestibulo kay Pylon X sa Karnak at sa isa at parehong pag-alang teksto dito ay pinangalan ang kanyang ama bilang haring Sheshonq III ngunit pinetsahan ang kanyang mga aksiyon kay Pedubast I.[2] Ito ay maaaring nagpapaktia ng isang pinahiwatig na suporta para sa paksiyong Pedubast ng nakabase sa Tanis na ika-22 dinastiyang haring Shoshenq III.[3] Si Pedubast I ang pangunahing kalaban ni Takelot II at kalaunan ni Osorkon B ng ika-23 dinastiyang mga haring Libyan ng Itaas na Ehipto sa Thebes. Ang kanyang pag-akyat sa trono ay naghagis sa Thebes sa isang digmaan sibil na tumagal na halos tatlong dekada sa pagitan ng mga magkakatunggaling paksiyon. Ang bawat paksiyon ay may isang katunggaling linya ng mga Dakilang Saserdorte ni Amun na kay Pedubast ay si Harsiese B na pinatunayang nasa opisina sa taong 6 ni Shoshenq III at pagkatapos ay si Takelot E na lumitaw sa opisina mula taong 23 ni Pedubast I. Si Osorkon B ay si Pedubast I at pangunahing katunggali ni Harsiese. Ang kamakailang mga paghuhukay ng Unibersidad ng Columbia noong 2005 ay naghahayag na ang autoridad ni Pedubast I ay kinilala sa parehong Thebes at mga kanlurning disyertong oasis ng Ehipto sa Dakilang Templo ng Dakhla kung saan ang kanyang kartusyo ay natuklasan.
↑David Aston, Takeloth II, A King of the Herakleopolitan Theban Twenty-Third Dynasty Revisited: The Chronology of Dynasties 22 and 23 in 'The Libyan Period in Egypt: Historical and Cultural Studies into the 21st-24th Dynasties: Proceedings of a Conference at Leiden University 25–27 October 2007,' G. Broekman, RJ Demaree & O.E. Kaper (eds), Peeters Leuven 2009, pp.25-26
↑Kennneth Kitchen, The Third Intermediate Period in Egypt (1100-650 BC), Aris & Phillips, 1996. (3rd ed.) p.339
↑ David Aston, Takeloth II-A King of the "Theban Twenty-Third Dynasty?", Journal of Egyptian Archaeology 75 (1989), p.150