Pumunta sa nilalaman

Dario II

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Darius II of Persia)

Si Dario II o Darius II (Persa: داريوش دوم‎) (Dārayavahuš) ang hari ng Imperyong Pesiano mula 423 BCE hanggang 405 BCE.[1]

Si Artaxerxes I na namatay noong Disyembre 25, 424 BCE ay sinundan ng kanyang anak na si Xerxes II. Pagkatapos ng isang buwan at kalahati, si Xerxes II ay pinaslang ng kanyang kapatid na lalakeng si Secydianus o Sogdianus (hindi matiyak ang anyo ng pangalan). Ang kanyang hindi lehitimong kapatid na lalakeng si Ochus na satrap ng Hyrcania ay nag-alsa laban kay Sogdianus. Pagkatapos ng isang sandaling labanan ay pinaslangs siya at sinupil sa pamamagitan ng pagtatraydor ang isang pagtatangka ng kanyang sariling kapatid na lalakeng si Arsites na tularan ang kanyang halimbawa. Kinuha ni Ochus ang pangalang Darius(ang mga sangguniang Griyego ay kadalasan siyang tinawag na Darius Nothos, "Bastardo"). Ang mga pangalang Xerxes II o Sogdianus ay hindi umiiral sa mga petsa ng maraming mga tabletang Babilonyano mula sa Nippur. Dito, ang paghahari ni Darius ay agad na sumunod sa paghahari ni Artaxerxes I. Napakakunti ang nalalaman ng mga historyan tungkol sa paghahari ni Darius II. Ang isang paghihimagsik ng Medes noong 409 BCE ay binanggit Xenophon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brill's New Pauly, "Darius".
Dario II
Kapanganakan:  ?? Kamatayan: 404 BCE
Sinundan:
Sogdianus
Ang Dakilang Hari ng Persia
423 BCE – 404 BCE
Susunod:
Artaxerxes II
Paraon ng Ehipto
423–404
Susunod:
Amyrtaeus

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.