Pumunta sa nilalaman

Artaxerxes I ng Persia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Artaxerxes I of Persia)
Artaxerxes I
Hari ng mga Hari ng Persia
Artaxerxes I, from his Tomb at Naqsh-e Rustam.
Paghahari465 hanggang 424 BCE
Kapanganakan??
Kamatayan424 BCE
PinaglibinganNaqsh-e Rustam, Persia
SinundanXerxes I
KahaliliXerxes II
KonsorteQueen Damaspia
Alogyne ng Babilonya
Cosmartidene ng Babilonya
Andia ng Babilonya
Bahay MaharlikaAkemenida
AmaXerxes I
InaAmestris
Prospektibong libingan ni Artaxerxes I ng Persia sa Naqsh-e Rostam

Si Artaxerxes I (Persa: اردشیر یکم‎, Old Persian: 𐎠𐎼𐎫𐎧𐏁𐏂𐎠 Artaxšaça,[1] "whose rule (xšaça < *xšaϑram) is through arta (truth)";[2])[3] ang ikalimang Hari ng mga Hari ng Persia mula 465 BCE hanggang 424 BCE. Siya ang anak ni Xerxes I ng Persia at Amestris na anak na babae ni Otanes. Siya ay maaaring ang "Artasyrus" binanggit ni Herodotus bilang isang Satrap ng maharalikang satrapiya ng Bactria. Sa mga sangguniang Griyego, siya ay inapelyiduhan ring μακρόχειρ Macrocheir (Latin: 'Longimanus') na sinasabing dahil ang kanyang kanang kamay ay mas mahaba sa kanyang kaliwang kamay. Pagkatapos na matalo ang Persia sa Eurymedon, ang isang aksiyong military sa pagitan ng Gresya at Pesia ay tuigil. Nang umakyat sa kapangyarihan si Artaxerxes I, kanyang ipinakilala ang isang bagong statehiyang Persa (Persian) ng pagpapahina ng mga Ateniano sa pamamagitan ng pagpopondo ng kanilang mga kaaway sa Gresya. Ito ay hindi direktang nagtulak sa mga Ateniano na ilipat ang tesorerya ng Ligang Deliano mula sa kapuluan ng Delos tungo sa acropolis na Ateniano. Ang kasanayang pagpopondong ay hindi naiwasang nag-udyok ng isang panibagong labanan noong 450 BCE kung saan ang mga Griyego ay nilusob sa Labanan ng Cyprus. Pagkatapos ng kabiguan ni Cimon na magkamitng labis sa ekspedisyong ito, ang Kapayapaan ni Callias ay napagkasunduan sa pagitan ng Atenas, Argos at Persia noong 449 BCE. Si Artaxerxes I ay nag-alok ng asylum kay Themistocles na nagwagi sa Labanan ng Salamis pagkatapos na patalsikin mula sa Atenas. Ibinigay sa kanya ni Artaxerxes I ang Magnesia, Myus at Lampsacus upang panatilihin ang tinapay, karne at alak at si Palaescepsis ay magbibigay ng damit sa kanya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ghias Abadi, R. M. (2004). Achaemenid Inscriptions (کتیبه‌های هخامنشی)‎ (sa wikang Persyano) (ika-2nd edition (na) edisyon). Tehran: Shiraz Navid Publications. p. 129. ISBN 964-358-015-6. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. R. Schmitt. of Iran "ARTAXERXES". Encyclopædia Iranica. 15 Disyembre 1986. Retrieved 12 Marso 2012.
  3. The Greek form of the name is influenced by Xerxes (Encyclopedia Iranica).
Artaxerxes I ng Persia
Kapanganakan:  ?? Kamatayan: 424 BCE
Sinundan:
Xerxes I
Hari ng mga Hari ng Persia
465 BCE – 424 BCE
Susunod:
Xerxes II
Paraon ng Ehipto
465 BCE – 424 BCE