Si Seqenenre Tao, (o Seqenera Djehuty-aa o Sekenenra Taa) at tinawag ring "Ang Matapang" ay namuno sa huling mga lokal na kaharian ng rehiyong Theban ng Ehipto ng Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto. Siya ay malamang ang anak at kahalili sa trono ni Senakhtenre Ahmose. Ang petsa ng kanyang paghahari ay hindi matiyak ngunit maaaring umakyat siya kapangyarihan sa dekadang nagtapos noong 1560 BCE o 1558 BCE(batay sa malamang na pag-akyat sa trono ni Ahmose I na unang pinuno ng Ikalabingwalong Dinastiya ng Ehipto). Siya ang ama ng dalawang mga paraon na si Kamose na huling paraon ng ika-17 dinastiya at si Ahmose I na kasunod ng paghahari ng kanyang ina ay ang unang paraon ng ika-18 dinastiya. Siya ay may kredito sa pagsisimula ng pagbubukas na pagkilos sa digmaan ng kalayaan laban sa Hyksos na winakasan ng kanyang anak na si Ahmose. Ang kalaunang tradisyong literaryo ng Bagong Kaharian ng Ehipto ay nagsasaad na si Seqenenre Tao ay nakipag-ugnayan sa kanyang kontemporaryong Hyksos sa hilagang si Apepi o Apophis. Si Seqenenre Tao ay lumahok sa isang aktibong diplomatikong pagpopostura na binubuo ng higit sa simpleng pagpapalitan ng mga insulto sa pinunong Asyatiko sa Hilaga. Tila siya ay nanguna sa isang maliit na labanan laban sa Hykris at maaaring namatay sa isa sa mga ito batay sa malalang sugat sa ulo ng kanyang mummy. Ang kanyang anak na si Wadj-kheper-re Kamose na huling pinuno ng ika-17 dinastiya ay may kredito sa paglulunsad ng matagumpay na kampanya sa digmaang Theban ng kalayaan laban sa Hyksos bagaman pinaniniwalaang siya ay namatay sa kampanyang ito. Ang kanyang inang si Ahhotep I ang pinaniniwalaang namuno bilang hari pagkatapos ng kamatayan ni Kamose at nagpatuloy ng pakikipagdigmaan laban sa Hyksos hanggang si Ahmose I na ikalawang anak ni Seqenenre Tao at Ahhotep I ay sapat na matanda upang umakyat sa trono at kumpletuhin ang pagpapatalsik sa Hyksos at pag-iisa ng Ehipto.