Si Hedjkheperre Setepenre Takelot I ang anak nina Osorkon I at Reyna Tashedkhons na namuno sa Ehipto sa loob ng 13 taon ayon kay Manetho. Pinakasalan ni Takelot si Reyna Kapes na nanganak kay Osorkon II. Sa simula, si Takelot ay pinaniwalaang ang epemeral na paraon ng Ikadalawampu't dalawang Dinasitya ng Ehipto dahil walang mga monumento sa Tanis o Mababang Ehipto na konklusibong nauugnay sa kanyang paghahari o nagbanggit ng kanyang pag-iral maliban sa sikat na stelang Pasenhor Serapeum stela na may petsa sa taong 37 ni Shoshenq V. Gayunpaman, mula mga huli nang 1990, ang mga Ehiptologo ay nagtakda ng ilang mga dokumento ng nagbabanggit ng isang haring Takelot sa Mababang Ehipto sa kanya sa halip sa halip na kay Takelot II. Ang paghahari ni Takelot I ay relatibong maikli kung ihahambing sa mga paghaharing tumagal ng 3 dekada ng kanyang amang si Osorkon I at anak na si Osorkon II. Si Takelot I, sa halip na si Takelot II ang haring Hedjkheperre Setepenre Takelot na pinatunayan ng isang Taong 9 na stela mula sa Bubastis gayundin bilang may ari ng isang parsiyal na ninakawang libingang maharlika sa Tanis na nabibilang sa pinunong ito gaya ng inulat ng Ehiptologong si Karl Jansen-Winkeln sa isang 1987 papel na Varia Aegyptiaca 3 (1987), pp. 253-258.[1] Ebidente na ang parehong mga haring Takelot ay gumamit ng parehong prenomen o pangalang maharlika na Hedjkheperre Setepenre. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan nina Takelot I at Takelot II ay hindi kailanman ginamit ni Takelot I ang may inspirasyong Theban na epithet na 'Si-Ese' (Anak ni Isis) sa kanyang titularyo hindi tulad ni Takelot II.[2]
↑K.A. Kitchen, in the introduction to his third 1996 edition of "The Third Intermediate Period in Egypt (c.1100-650 BC)," Aris & Phillips Ltd. pp.xxiii