Moroporo
Mga koordinado: 03h 47m 24s, +24° 07′ 00″
Ang Moroporo, na kilala rin sa wikang Ingles bilang Pleiades,[1] ay isang asterismo sa hilagang-silangan ng talampad na Taurus at isang bukas na klaster ng mga bituin na nagtataglay ng mga maiinit na bughaw na bituing nabuo lang sa nakalipas na 100 milyong taon.[2][3] Sa layong 439 sinag-taon,[4] ito ay isa sa mga pinakamalapit na klaster ng mga bituin sa sistemang solar. Ito rin ang pinakamalapit na bagay na Messier sa daigdig at pinakamatingkad na klaster ng bituin sa kalangitan ng gabi na maaaring makita nang walang largabista o teleskopyo.
Ayon sa mga simulasyon gamit ng kompyuter, maaaring nagmula ang Moroporo sa parehong kumpigurasyon na hawig sa nebula ni Orion.[5] Sa tantya ng mga astronomo, magtatagal pa ng 250 milyong taon ang klaster bago maghiwa-hiwalay ang mga bituin nito bunga ng interaksyon ng mga ito sa mga kalapit na mga bagay sa galaksiya.[6] Kasama ang isa pang bukas na klaster, ang Basung (Hyades sa Ingles), binubuo ng Moroporo ang tinatawag na "ginintuang tarangkahan ng ekliptiko."
Mga katawagan at mitolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kahit noong sinaunang mga panahon, napakadaling matanaw ng Moroporo sa kalangitan nang walang teleskopyo. Sa kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino, tinatawag itong 'Moroporo,'[7] na nagsilbing pananda sa pagsisimula ng panahon ng tagtanim.[1][8] Bukod sa Moroporo, napakaraming ibang tawag dito ng iba pang pangkat-etnikong Pilipino tulad ng Ulalen para sa mga taga-Panay, Kufu-kufu sa mga Teduray, at Salibubu sa mga Kankanaey.[9]
Ang Moroporo sa iba pang mga kabihasnan sa daigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matagal nang batid ng iba't ibang kultura't kabihasnan sa daigdig ang Moroporo.[10][11] Ang pinakaunang paglalarawan nito ay mula sa isang mala-platong tansong antigo mula sa Hilagang Alemanya na may edad na 1,600 BCE.[12] Nasa katalogo rin ito ng mga bituin ng mga sinaunang taga-Babilonya, habang nabanggit naman ito ng mga sinaunang Ehipto sa kanilang kalendaryo ng mga masuwerte at malas na araw.[13] Itinuring naman ng ilang mga sinaunang Griyego na hiwalay na talampad ang Moroporo, at nabanggit din sa iba't iba nilang mga akda tulad ng Iliad at Odyssey ni Homer.[14] Tatlong beses ding nabanggit ang Moroporo sa Bibliya,[15] habang tinatawag naman ito na Kṛttikā sa Hinduismo at nauugnay sa mga magkakapatid na nag-alaga sa diyos ng digmaan na si Kartikeya.[16] Para naman sa mga Arabo bago lumaganap ang Islam, tinawag nila itong al Najm.[17]
Ang iba pang mga katawagan sa Moroporo sa iba't ibang panig ng daigdig ay:
- Tŵr Tewdws (Mga sinaunang Selta)
- Makaliʻi (Mga sinaunang taga-Hawaii)[18]
- Matariki (Mga mamamayang Maori)[19]
- Parvīn o پروی Parvī (Mga taga-imperyong Akemenida)[20]
- Mǎo (Mga sinaunang Intsik)
- Qullqa (Mga mamayang Quechua)
- Subaru (Mga sinaunang Hapones)[21]
Kasaysayan ng pagmamasid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Galileo Galilei ang pinakaunang astronomo na nagmasid sa Moroporo gamit ng isang teleskopyo. Sa pamamagitan nito, nakatuklas siya ng maraming bituin sa loob ng klaster na hindi madaling makita nang walang teleskopyo. Inilathala niya ang kanyang mga obserbasyon, kasama na ang krokis niya ng Pleiades na nagtataglay ng 36 bituin, sa kanyang lathalaing Sidereus Nuncius noong Marso 1610.
Matagal nang may hinuha na may pisikal na kaugnayan sa isa't isa ang mga bituin ng Moroporo imbes na nagkataon lang na may ganoon silang kaayusan. Sa kalkulasyon ng Britong astronomo na si John Michell noong 1767, ang tsansang ang ganito karaming bituin ay magkaroon ng gayong hanay ay 1 sa 500,000, samakatuwid, ay kanyang naisip na maaaring may kaugnayan ang mga bituin sa klaster na ito sa isa't isa.[22] Nang isinagawa ang unang mga pag-aaral hinggil sa wastong pagkilos (proper motion) ng mga bituing ito, natuklasang kumikilos ang lahat ng mga bituing ito sa parehong direksyon sa langit sa parehong bilis, na lalong nagpatibay sa hinuha ng kanilang pagkakaugnay-ugnay.
Noong 1771, inilathala ni Charles Messier ang posisyon ng klaster at itinalagang "M45" sa kanyang katalogo ng mga mala-buntalang bagay.[23]
Layo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napakakontrobersyal ng mga isinagawang pagsukat sa layo ng Moroporo. Bago ang paglulunsad ng buntabay na Hipparcos noong dekada 1990, ang kinikilalang layo ng Moroporo ay 135 parsec mula sa Daigdig.[24] Subalit, batay sa datos ng Hipparcos na sinukat ang parallax ng mga bituin sa klaster, mayroon lamang itong layo na 118 parsec. Ang pagsukat sa parallax ang dapat magbigay ng pinakadirekta at wastong resulta. Gayunman, kinastigo ng mga ibang mananaliksik ang sukat bilang mali.[25][26][27][28][29] Sa partikular, ang saklaw na mga layo na nakuha sa pamamagitan ng mga obserbasyon ng teleskopyong Hubble at sa paggamit ng kaparaanang tinatawag na color-magnitude diagram fitting, ay pumapabor sa resultang 135 hanggang 140 parsec.[30][31] Ang nga obserbasyon ng grupong Pleiad double Atlas, na gumamit ng optical interferometry, ay nagbunga naman ng resultang 133 hanggang 137 parsec.[32] Sa kabila nito, iginiit ng may-akda ng katalogo ng Hipparcos mula 2007-2009 na ang mga katunggaling ebidensya ang mismong may problema.[33] Iminungkahi ng isang pares ng mananaliksik noong 2012 na systematic error sa pagsukat ng parallax ang pinagmulan ng pagkakamali ng grupo sa likod ng Hipparcos; anila ang dapat na layo ay nasa pagitan ng 126-132 parsec.[34] Batay naman sa kalkulasyon gamit ng kaparaanang Very-Long Baseline Inteferometry at sa datos ng buntabay na Gaia na inilunsad ng European Space Agency noong 2013, ang layo ng Moroporo ay mula 134± 6 pc hanggang 136.2 ± 5.0 pc.[35][36][37] Muli ring giniit ng grupo ng mga mananaliksik na gumamit sa datos ng Gaia na mali ang sukat ng Hipparcos.
Komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtataglay ang kumpol ng bituin ng 1,000 bituing kumpirmado ng estadistika, bagaman hindi kasama sa bilang na ito ang mga bituing maaaring binary star system o pares ng halos magkalapit na mga bituin, na maaaring 57% ng kabuuang bituin nito.[38][39] Ang liwanag nito'y pangunahing bunga ng mga bata at mainit na mga bughaw na bituin; maaaring hanggang 14 sa mga ito ang makita nang walang teleskopyo o largabista depende sa lokal na kalagayan sa kalangitan ng magmamasid o sa talas ng kanyang paningin. Ang kabuuang masa ng klaster ay tinatayang aabot sa 800 beses sa masa ng Araw, at mayorya rito'y mga malimlim at mapula-pulang mga bituin.[40]
Nagtataglay rin ng maraming kayumangging unano (brown dwarf), o mga bagay na ~8% lang ng masa ng Araw (na kulang upang magkaroon ng nuclear fusion upang maging bituin), ang Moroporo. Maaaring umabot sa 25% ng kabuuang populasyon ng klaster bagaman 2% lang ang mga ito sa kabuuang masa ng klaster.[41]
Mga pinakamaliliwanag na mga bituin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pito sa siyam na pinakamaliwanag na bituin ng Moroporo ay ipinangalan sa magkakapatid na babae sa mitolohiyang Griyego: sina Sterope, Merope, Electra, Maia, Taygeta, Celaeno, at Alcyone habang ang natitirang dalawa ay ipinangalan sa kanilang mga magulang na sina Atlas at Pleione. Nakalista sa talahanayan sa ibaba ang detalye hinggil sa mga pinakamaliwanag na bituin sa Moroporo:
Pangalan | Pagbigkas (IPA) | Nakatalagang pandaigdigang pangalan | Maliwanag na kalakhan | Uri ng bituin | Layo (sinag-taon)[42] |
---|---|---|---|---|---|
Alcyone | /ælˈsaɪ.əniː/ | Eta (25) Tauri | 2.86 | B7IIIe | 409± 50 |
Atlas | /ˈætləs/ | 27 Tauri | 3.62 | B8III | 387± 26 |
Electra | /əˈlɛktrə/ | 17 Tauri | 3.70 | B6IIIe | 375± 23 |
Maia | /ˈmeɪ.ə/ | 20 Tauri | 3.86 | B7III | 344± 25 |
Merope | /ˈmɛrəpiː/ | 23 Tauri | 4.17 | B6IVev | 344± 16 |
Taygeta | /teɪˈɪdʒətə/ | 19 Tauri | 4.29 | B6IV | 364± 16 |
Pleione | /ˈpliːəniː,_ˈplaɪʔ/ | 28 (BU) Tauri | 5.09 (var. ) | B8IVpe | 422± 11 |
Celaeno | /səˈliːnoʊ/ | 16 Tauri | 5.44 | B7IV | 434± 10 |
Asterope o Sterope I | /əˈstɛrəpiː/ | 21 Tauri | 5.64 | B8Ve | 431.1± 7.5 |
— | — | 18 Tauri | 5.66 | B8V | 444± 7 |
Sterope II | /ˈstɛrəpiː/ | 22 Tauri | 6.41 | B9V | 431.1± 7.5 |
— | — | HD 23753 | 5.44 | B9Vn | 420± 10 |
— | — | HD 23923 | 6.16 | B8V | 374.04 |
— | — | HD 23853 | 6.59 | B9.5V | 398.73 |
— | — | HD 23410 | 6.88 | A0V | 395.82 |
Edad at ebolusyon sa hinaharap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang edad ng mga kumpol ng bituin tulad ng Moroporo ay maaaring matantya sa pamamagitan ng paghahambing ng Hertzsprung-Russell diagram ng klaster sa mga teoretikal na modelo ng ebolusyon ng mga bituin. Sa pamamagitan nito, lumalabas sa mga pagtantya na ang Moroporo ay may edad na 75 hanggang 150 milyong taon. Ang pagkakaroon ng malawak na saklaw sa mga tantya ay bunga ng mga estadistikal na kawalan ng katiyakan (statistical uncertainty) sa mga modelo saka ng iba pang mga salik na maaaring magpatanda sa edad ng klaster kaysa sa aktwal na edad nito.[43][44]
Isa pang paraan upang tantyahin ang edad ng klaster ay ang pagtukoy sa mga selestyal na bagay nito na may pinakamabababang masa (sa ibang salita, ang mga kayumangging unano o brown dwarf nito). Kayang mapanatili ng mga kayumangging unano ang kanilang lityo, na mas kumakaunti habang lumilipas ang panahon, kung kaya, sa pamamagitan ng pagsukat sa pinakamabigat na kayumangging unano, maaaring mahinuha ang kabuuang edad ng kumpol. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito, lumalabas na may edad na 115 milyong taon ang Moroporo.[43][44]
Dahan-dahang kumikilos ang kumpol tungo sa direksyon ng "paa" ng kasalukuyang talampad na Orion. Tulad ng iba pang mga bukas na klaster, hindi habambuhay na mapag-uugnay ng kani-kanilang grabidad ang mga bituin ng Moroporo. Batay sa mga kalkulasyon, magkakawatak-watak sa loob ng 250 milyong taon ang mga bituin ng Moroporo, na maaaring mapabilis ng interaksyon ng mga ito sa grabidad ng mga ulap ng brasong bumubuo sa ating galaksiyang Ariwanas.[45]
Mga posibleng planeta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Batay sa pagsusuri sa mga imaheng deep-infrared na kinuha ng mga teleskopyong Spitzer at Gemini North, natuklasan ng mga astronomo na ang HD 23514, na isa sa mga bituin na kabilang sa kumpol at may mataas-taas na masa at bigat kumpara sa Araw, ay napalilibutan ng mas mataas sa normal na bilang ng maiinit na butil ng gaas. Isa itong maaaring ebidensya na may namumuong planeta sa palibot ng HD 23514. [46]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "BALATIK: Katutubong Bituin ng mga Pilipino | Philippine Social Sciences Review" (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong) - ↑ admin (2015-05-27). "Messier 45: Pleiades". Messier Objects (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mann, Adam; updated, Rebecca Sohn last (2019-10-08). "The Pleiades: Facts about the "Seven Sisters" star cluster". Space.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How Far are the Pleiades, Really? | Center for Astrophysics". www.cfa.harvard.edu. Nakuha noong 2023-08-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kroupa, Pavel; Aarseth, Sverre; Hurley, Jarrod (2001). "The formation of a bound star cluster: From the Orion nebula cluster to the Pleiades". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 321 (4): 699–712. arXiv:astro-ph/0009470. Bibcode:2001MNRAS.321..699K. doi:10.1046/j.1365-8711.2001.04050.x. S2CID 11660522.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gendler, Robert (2006). A Year in the Life of the Universe: A Seasonal Guide to Viewing the Cosmos. Voyageur Press. p. 54. ISBN 978-1610603409.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacKinlay, William Egbert Wheeler (1905). A Handbook and Grammar of the Tagalog Language. U.S. Government Printing Office. p. 46
- ↑ http://intersections.anu.edu.au/monograph1/mintz_stars.html[patay na link]
- ↑ "BALATIK: Katutubong Bituin ng mga Pilipino | Philippine Social Sciences Review" (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong) - ↑ https://halshs.archives-ouvertes.fr/halshs-01673386/document
- ↑ Andrews, Munya (2004). The Seven Sisters of the Pleiades: Stories from Around the World. Spinifex Press. pp. 149–152. ISBN 978-1876756451.
- ↑ "BBC - Science & Nature - Horizon - Secrets of the Star Disc". www.bbc.co.uk. Nakuha noong 2023-08-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jetsu, Lauri; Porceddu, Sebastian (Dis 17, 2015). "Shifting Milestones of Natural Sciences: The Ancient Egyptian Discovery of Algol's Period Confirmed". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 10 (12): e0144140. doi:10.1371/journal.pone.0144140. ISSN 1932-6203. PMC 4683080. PMID 26679699.
{{cite journal}}
: CS1 maint: PMC format (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ASTRONOMY AND CONSTELLATIONS IN THE ILIAD AND ODYSSEY". Journal of Astronomical History and Heritage (sa wikang Ingles): 22–30. doi:10.3724/SP.J.1440-2807.2011.01.02. ISSN 1440-2807.[patay na link]
- ↑ https://books.google.com/books?id=fxZVAAAAYAAJ&pg=PA492
- ↑ "Murugan - New World Encyclopedia". www.newworldencyclopedia.org. Nakuha noong 2023-08-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adams, Danielle K. (2018). "Rain Stars Set, Lunar Stations Rise: Multivalent Textures of Pre-Islamic Arabian Astronomy and the Hegemonic Discourse of Order" (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://archive.hokulea.com/pdfs/Hawaiian_astronomy_I.pdf
- ↑ https://teara.govt.nz/en/matariki-maori-new-year
- ↑ https://archive.org/details/starnamestheirlo00alle
- ↑ Miller, Roy Andrew (1988). "Pleiades Perceived: MUL.MUL to Subaru". Journal of the American Oriental Society. 108 (1): 1–25. doi:10.2307/603243. ISSN 0003-0279.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michell J. (1767). "An Inquiry into the probable Parallax, and Magnitude, of the Fixed Stars, from the Quantity of Light which they afford us, and the particular Circumstances of their Situation". Philosophical Transactions. 57: 234–264. Bibcode:1767RSPT...57..234M. doi:10.1098/rstl.1767.0028.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frommert, Hartmut (1998). "Messier Questions & Answers". Nakuha noong 2005-03-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turner, D. G. (1979). "A reddening-free main sequence for the Pleiades cluster". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 91: 642–647. Bibcode:1979PASP...91..642T. doi:10.1086/130556.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Majaess, Daniel J.; Turner, David G.; Lane, David J.; Krajci, Tom (2011). "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars". Journal of the American Association of Variable Star Observers (Jaavso). 39 (2): 219. arXiv:1102.1705. Bibcode:2011JAVSO..39..219M.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Majaess, Daniel J.; Turner, David G.; Lane, David J.; Krajci, Tom (2011). "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars". Journal of the American Association of Variable Star Observers (Jaavso). 39 (2): 219. arXiv:1102.1705. Bibcode:2011JAVSO..39..219M.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zwahlen, N.; North, P.; Debernardi, Y.; Eyer, L.; atbp. (2004). "A purely geometric distance to the binary star Atlas, a member of the Pleiades". Astronomy and Astrophysics Letters. 425 (3): L45. arXiv:astro-ph/0408430. Bibcode:2004A&A...425L..45Z. doi:10.1051/0004-6361:200400062. S2CID 37047575.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soderblom D. R.; Nelan E.; Benedict G. F.; McArthur B.; atbp. (2005). "Confirmation of Errors in Hipparcos Parallaxes from Hubble Space Telescope Fine Guidance Sensor Astrometry of the Pleiades". Astronomical Journal. 129 (3): 1616–1624. arXiv:astro-ph/0412093. Bibcode:2005AJ....129.1616S. doi:10.1086/427860. S2CID 15354711.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pan, X. (2004). "A distance of 133-137 parsecs to the Pleiades star cluster". Nature. 427 (6972): 326–328. Bibcode:2004Natur.427..326P. doi:10.1038/nature02296. PMID 14737161. S2CID 4383850.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Majaess, Daniel J.; Turner, David G.; Lane, David J.; Krajci, Tom (2011). "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars". Journal of the American Association of Variable Star Observers (Jaavso). 39 (2): 219. arXiv:1102.1705. Bibcode:2011JAVSO..39..219M.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soderblom D. R.; Nelan E.; Benedict G. F.; McArthur B.; atbp. (2005). "Confirmation of Errors in Hipparcos Parallaxes from Hubble Space Telescope Fine Guidance Sensor Astrometry of the Pleiades". Astronomical Journal. 129 (3): 1616–1624. arXiv:astro-ph/0412093. Bibcode:2005AJ....129.1616S. doi:10.1086/427860. S2CID 15354711.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pan, X. (2004). "A distance of 133-137 parsecs to the Pleiades star cluster". Nature. 427 (6972): 326–328. Bibcode:2004Natur.427..326P. doi:10.1038/nature02296. PMID 14737161. S2CID 4383850.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Van Leeuwen, F. (2009). "Parallaxes and proper motions for 20 open clusters as based on the new Hipparcos catalogue". Astronomy and Astrophysics. 497 (1): 209–242. arXiv:0902.1039. Bibcode:2009A&A...497..209V. doi:10.1051/0004-6361/200811382. S2CID 16420237.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Francis C.; Anderson E. (2012). "XHIP II: clusters and associations". Astronomy Letters. 1203 (11): 4945. arXiv:1203.4945. Bibcode:2012AstL...38..681F. doi:10.1134/S1063773712110023. S2CID 119285733.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Melis, Carl; Reid, Mark J.; Mioduszewski, Amy J.; Stauffer, John R.; atbp. (29 Agosto 2014). "A VLBI resolution of the Pleiades distance controversy". Science. 345 (6200): 1029–1032. arXiv:1408.6544. Bibcode:2014Sci...345.1029M. doi:10.1126/science.1256101. PMID 25170147. S2CID 34750246.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anthony G. A. Brown; GAIA Collaboration (2016), "Gaia Data Release 1. Summary of the astrometric, photometric, and survey properties" (PDF), Astronomy and Astrophysics (forthcoming article), 595: A2, arXiv:1609.04172, Bibcode:2016A&A...595A...2G, doi:10.1051/0004-6361/201629512, S2CID 1828208, nakuha noong 14 Setyembre 2016
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abramson, Guillermo (20 Agosto 2018). "The Distance to the Pleiades According to Gaia DR2". Research Notes of the AAS. 2 (3): 150. Bibcode:2018RNAAS...2..150A. doi:10.3847/2515-5172/aada8b.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adams, Joseph D.; Stauffer, John R.; Monet, David G.; Skrutskie, Michael F.; atbp. (2001). "The Mass and Structure of the Pleiades Star Cluster from 2MASS". Astronomical Journal. 121 (4): 2053–2064. arXiv:astro-ph/0101139. Bibcode:2001AJ....121.2053A. doi:10.1086/319965. S2CID 17994583.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Torres, Guillermo; Latham, David W.; Quinn, Samuel N. (2021). "Long-term Spectroscopic Survey of the Pleiades Cluster: The Binary Population". The Astrophysical Journal. 921 (2): 117. arXiv:2107.10259. Bibcode:2021ApJ...921..117T. doi:10.3847/1538-4357/ac1585. S2CID 236171384.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adams, Joseph D.; Stauffer, John R.; Monet, David G.; Skrutskie, Michael F.; atbp. (2001). "The Mass and Structure of the Pleiades Star Cluster from 2MASS". Astronomical Journal. 121 (4): 2053–2064. arXiv:astro-ph/0101139. Bibcode:2001AJ....121.2053A. doi:10.1086/319965. S2CID 17994583.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moraux, E.; Bouvier, J.; Stauffer, J. R.; Cuillandre, J.-C. (2003). "Brown in the Pleiades cluster: Clues to the substellar mass function". Astronomy and Astrophysics. 400 (3): 891–902. arXiv:astro-ph/0212571. Bibcode:2003A&A...400..891M. doi:10.1051/0004-6361:20021903. S2CID 17613925.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Cite DR2
- ↑ 43.0 43.1 Basri, Gibor; Marcy, Geoffrey W.; Graham, James R. (1996). "Lithium in Brown Dwarf Candidates: The Mass and Age of the Faintest Pleiades Stars". The Astrophysical Journal. 458: 600–609. Bibcode:1996ApJ...458..600B. doi:10.1086/176842.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 44.0 44.1 Ushomirsky, G.; Matzner, C.; Brown, E.; Bildsten, L.; atbp. (1998). "Light-Element Depletion in Contracting Brown Dwarfs and Pre-Main-Sequence Stars". Astrophysical Journal. 497 (1): 253–266. arXiv:astro-ph/9711099. Bibcode:1998ApJ...497..253U. doi:10.1086/305457. S2CID 14674869.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Converse, Joseph M. & Stahler, Steven W. (2010). "The dynamical evolution of the Pleiades". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 405 (1): 666–680. arXiv:1002.2229. Bibcode:2010MNRAS.405..666C. doi:10.1111/j.1365-2966.2010.16505.x. S2CID 54611261.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ScienceDaily (2007). "Planets Forming In Pleiades Star Cluster, Astronomers Report". Nakuha noong 2012-11-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)