Pumunta sa nilalaman

Teleskopyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang teleskopyo (mula sa kastila telescopio) ay isang mahalagang kasangkapan sa larangan ng astronomiya na nagtitipon at nagtutuon ng liwanag. Ang mga teleskopyo (daksipat) ay tila nakapagpapalaki at nakapagpapalapit ng mga bagay na nasa malayo. Si Galileo ang naging unang tao na gumamit ng teleskopyo (daksipat) para sa astronomiya, subalit hindi siya ang umimbento nito. Ang unang teleskopyo (daksipat) ay naimbento sa Nederlandiya noong 1608. Ang ilan sa mga teleskopyo (daksipat) ay hindi ginagamit para sa astronomiya, katulad na ng mga binokular, mga lente ng kamera, o mga salaming pang-espiya.

Isang teleskopyo sa isang obserbatoryo

Ang salitang "teleskopyo" ay karaniwang ginagamit para sa liwanag na nakikita ng mata, subalit mayroong mga teleskopyong para sa mga liwanag na "hindi nakikita". Ang mga teleskopyong imprared ay kahawig ng mga teleskopyong pangkaraniwan o normal, ngunit kailangang panatilihing malamig ang mga ito dahil sa ang imprared ay uri ng init. Ang mga teleskopyong radyo ay katulad ng mga antena ng radyo, na karaniwang may hugis na katulad ng mga malalaking plato. Ang mga teleskopyong x-ray at sinag Gamma ay mayroong suliranin dahil ang mga sinag nito ay lumalagos sa halos lahat ng mga metal at mga salamin. Upang masugpo ang problemang ito, hinugisan ang mga teleskopyong ito na parang isang bungkos ng mga singsing na nasa loob ng bawat isa.

Isang ika-17 siglong teleskopyo

Ang kauna-unahang teleskopyong naimbento ay ang refracting telescope, kung saan ito ay ginagamitan ng mga lense at eyepiece. Ito ay aksidenteng naimbento ni Hans Lippershey noong 1608 noong siya'y tumitingin sa isang malayong simbahan gamit ang mga converging lense. Tinawag niya itong "salaming pampaningin" o "look glass" pero tinanggihan siya ng patent sapagkat sinabi ng mga opisyal na ang kanyang imbensyon ay napaka-simple.[1]

Gamit ang mga converging lens, gumawa rin si Galileo Galilei ng kanyang sariling teleskopyo. Ginamit niya ang converging lens para sa kanyang eyepiece. Dahil dito, pinaniniwalaan na si Galileo ang kauna-unahang nakakita at nakaobserba ng mga buwan ng planetang Hupiter.[1]

Ang refracting telescope ay gumagana tulad ng isang compound microscope. Karaniwan ang nakikitang imahe mula sa teleskopyo ay malayo o maliit mula sa patingin na parang tumitingin lang sa magnifying glass. Para magkaroon ng magaling na pagtanaw sa malayo, kailangan ang teleskopyo ay mayroong malayong pokus na mga lense at ang eyepiece ay kailangang may maikling habang pagtanaw. Upang mapagaling ang tulong ng teleskopyo, inimbento ni Sir Isaac Newton ang reflecting telescope. Kaysa gumamit ng mga converging lense, gumamit si Newton ng mga concave lense bilang obhetibo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Ferriols-Pavico, Josefina, Morales-Ramos, Anna Cherylle, Bayquen, Artista, Silverio, Angelina, Ramos, John Donnie, Exploring Life Through Science Series 10, Phoenix Publishing House, Inc., 2019 ISBN 978-971-06-4947-1


AstronomiyaTeknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.