Estilong Baroko
Ang baroko ay madaling nahihinuha bilang isang estilong gumamit ng masidhing galaw, malinaw at madaling mainterpreta na detalye sa drama, tensiyon, kasaganaan, at kadakilaan sa larangan ng paglililok, pagpipinta, arkitektura, literatura, pagsayaw, teatro at musika. Nagsimula ito sa Roma, Italya noong 1600 at naging laganap sa halos kabuuan ng Europa. Mula sa Roma, lumaganap ito sa Pransiya, hilagang Italya, Espanya at Portugal, hanggang sa Austria at timog Alemanya. Sinundan nito ang estilong Renasimyento at sinundan ng estilong Neoklasiko. Pagdating ng mga 1730, lumago ito sa lalong mabulaklak na uri, na tinatawag na rocaille o Rococo, na lumitaw sa Pransiya at gitnang Europa hanggang sa ika-18 siglo.
Ang kasikatan at tagumpay ng istilong Baroko ay ipinagtibay ng Simbahang Katoliko na pinasyahan sa ilalim ng pamamalakad ng Konseho ng Trento bilang tugon sa Repormang Protestante, bagaman sumibol din ang baroko na sining Luterano. Sinabi nitong ang sining ay dapat magpahayag ng relihiyosong mga tema sa tuwid at emosyonal na pakikisama. Ang aristokrasya ay naging saksi rin sa dramatikong istilo ng arkitektura at sining ng Baroko sa pag-akit ng panauhin at paghayag ng tagumpay, kapangyarihan at pamumuno. Ang mga palasyo nito ay itinayo sa paligid ng mga patyo, malalaki at engrandeng hagdanan at mga tanggapan na sunud-sunod ayon sa yaman. Gayunpaman, ang baroque ay tumaginting at nagamit nang higit pa sa simpleng pagbabawas sa anumang panahon o istilo.
Ang salitang Pranses na baroque ay hango sa salitang Portuges na barroco o sa Espanyol naman ay barrueco na tumutukoy sa isang "magaspang o hindi perpektong perlas." Kung ito ay pumasok sa wika sa pamamagitan ng Latin, Arabe, o sa ibang wika, ang pinagmulan nito ay hindi tukoy. Ito rin ang nagbigay-daan sa barroco ng Italya, barock ng Alemanya, barok ng Olanda, at ilan pa. Ang ika-11 edisyon Encyclopædia Britannica ng 1911 ay nagsasabing ang terminolohiyang ito ay nahango sa barrueco ng Espanya, isang malaki at iregular na hugis ng perlas, na itinago sa kasanayan ng mga mag-aalahas. Ayon naman sa iba, hinango ito sa terminong mnemonic na baroco, marahil sa anyo ng silogismo sa scholastica. Ang salitang-ugat ng Latin nito sa makikita sa bis-roca.