Kim Jong-un
Respetadong Kasama Mariskal ng Republika Kim Jong-un | |
---|---|
김정은 | |
Ika-3 Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 10 Enero 2021 | |
Nakaraang sinundan | Kim Jong-il |
Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 29 Hunyo 2016 | |
Unang Pangalawang Pangulo | Choe Ryong-hae |
Pangalawang Pangulo | Hwang Pyong-so Pak Pong-ju Choe Ryong-hae Kim Tok-hun |
Premiyer | Pak Pong-ju Kim Jae-ryong Kim Tok-hun |
Unang Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa | |
Nasa puwesto 13 Abril 2012 – 29 Hunyo 2016 | |
Pangalawang Tagapangulo | Kim Yong-chun Ri Yong-mu Jang Song-taek O Kuk-ryol Choe Ryong-hae Hwang Pyong-so |
Premiyer | Choe Yong-rim Pak Pong-ju |
Nakaraang sinundan | Kim Jong-il (bilang Tagapangulo) |
Personal na detalye | |
Isinilang | Pyongyang, Hilagang Korea | 8 Enero 1984
Partidong pampolitika | Partido Manggagawa ng Korea |
Asawa | Ri Sol-ju |
Anak | Kim Ju-ae |
Magulang | Kim Jong-il (ama) Ko Yong-hee (ina) |
Alma mater | Pamantasang Kim Il-sung |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Hilagang Korea |
Sangay/Serbisyo | Hukbong Bayan ng Korea |
Taon sa lingkod | 2010-kasalukuyan |
Ranggo | Mariskal |
Atasan | Kataas-taasang Komandante |
Ika-3 Kataas-taasang Pinuno ng Hilagang Korea |
Si Kim Jong-un (ipinanganak Enero 8, 1984) ay Koreanong politiko na siyang ikatlo at kasalukuyang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea. Nagsimula ang kanyang pamamahala mula sa pagkamatay ng kanyang amang si Kim Jong-il noong 2011. Naglilingkod siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea at Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan.
Isinalang sa Pyongyang sa unang bahagi ng dekada 1980, nag-aral at lumaki si Kim sa Berna, Suwisa. Matapos ma-istrok ang kanyang ama, bumalik siya sa bansa at nakatanggap ng titulo mula sa Pamantasang Kim Il-sung. Mula sa huling bahagi ng 2010, tinanaw si Kim ay bilang inaasahang eredero sa pamunuan ng bansa, at iniangat sa ranggo ng apat-na-talang heneral sa parehong taon. Nang nasawi ng kanyang ama, inanunsyo ng pampamahalaang telebisyon si Kim bilang "Dakilang Kahalili". Kasunod nito ay iniutos niya ang pagpurga ng iilang matataas na opisyal tulad ng kanyang sariling titong si Jang Song-thaek noong 2013. Pinaniniwalaan din na siya ang nagpapatay sa kanyang kalahating-kapatid na si Kim Jong-nam sa Malaysia noong 2017. Pinangunahan niya ang pagpapalawak ng ekonomiyang mamimili, mga proyektong konstruksyon, at atraksyong panturista sa Hilagang Korea.
Pinalawak ni Kim ang programa ng mga sandatang nukleyar ng bansa, na humantong sa tumaas na tensyon sa Estados Unidos, Timog Korea, at Tsina. Noong 2018 at 2019, nakibahagi si Kim sa mga sumite kasama ang noo'y Timog Koreanong pangulo na si Moon Jae-in at Amerikanong pangulong Donald Trump, na humantong sa maikling pagtunaw sa pagitan ng Hilagang Korea at ng dalawang bansa, ngunit nabigo ang mga negosasyon sa huli nang walang pag-unlad sa reunipikasyon ng Korea o pagdisarmang nukleyar. Inangkin niya ang tagumpay sa paglaban sa pandemyang COVID-19 sa bansa dahil wala itong naiulat ng anumang kumpirmadong kaso hanggang Mayo 2022, bagama't maraming dayuhang tagamasid na dinududahan ang pahayag na ito.
Tulad ng kanyang lolo at ama, itinuturing si Kim na totalitaryong diktador. Iniulat ng Konseho ng Karapatang Pantao ng mga Nagkakaisang Bansa na maaari siyang litisin para sa mga krimen laban sa sangkatauhan.
Biyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang tiyak na konsenso sa taon ng kapanganakan ni Kim. Ipinahayag ng midyang estatal ng Hilagang Korea na ipinanganak siya noong 1982. Iniisip na itinalaga ito bilang opisyal na taon ng kapanganakan ni Kim dahil sa mga simbolikong kadahilanan; minarkahan nito ang ikapitumpung kaarawan ng kanyang lolong si Kim Il Sung, at ikaapatnapung kaarawan ng kanyang ama. Naniniwala ang mga intelihenteng opisyal ng Timog Korea na ang aktwal na petsa ay noong 1983, habang nililista ito ng US ang kanyang taon ng kapanganakan bilang 1984, batay sa pasaporte na ginamit niya habang nag-aaral sa Suwisa. Kinumpirma rin ni Ko Yong Suk, ang tiyahin ni Kim na tumalikod sa Estados Unidos noong 1997, ang petsa ng kapanganakan noong 1984, na sinasabing si Kim ay kasing edad ng kanyang sariling anak na kalaro mula sa murang edad..[1]
Pamumuno sa Hilagang Korea
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pumanaw si Kim Jong-il noong 17 Disyembre 2011. Sa kabila ng mga plano ng nakatatandang Kim, hindi agad malinaw pagkatapos ng kanyang kamatayan kung si Jong-un sa katunayan ay kukuha ng buong kapangyarihan, at kung ano ang eksaktong papel niya sa isang bagong pamahalaan. Hinulaan ng ilang analista na kapag namatay si Jong-il, gaganap si Jang Song Thaek ay gaganap bilang rehente sapagkat wala pa masyadong karanasan si Kim Jong-un na mamuno.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Kim Jong Un's long-lost US-based aunt". Deutsche Welle (sa wikang Ingles). 28 Mayo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wallace, Rick; Sainsbury, Michael (29 Setyembre 2010). "Kim Jong‑il's heir Kim Jong‑un made general". The Australian. ISSN 1038-8761. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)