Pumunta sa nilalaman

Kabisayaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Visayas
Kabisay-an
Kabisayaan
Palayaw: Gitnang Pilipinas
Heograpiya
LokasyonTimog Silangang Asya
ArkipelagoPilipinas
Sukat61,077 km2 (23,582 mi kuw)
Pamamahala
Pilipinas
Demograpiya
Populasyon11,203,760
Densidad ng pop.294.28 /km2 (762.18 /mi kuw)

Ang Visayas o Kabisayaan (sa Bisaya: Kabisay-an), tinagurian ding Gitnang Pilipinas, ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.[2]

Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar.[5] Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga Bisaya.

Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila. Maraming mga alamat at mga salaysay tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon kung may katotohanan ang mga ito. Ang mga sinaunang tao sa rehiyon ay mga Austronesyo at Negrito na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga unang nanirahan ay maituturing na animista. Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng Srivijaya, Majapahit at Brunei, na pinamunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo, ay naglakbay at nanirahan sa pulo ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito.[6] Noong ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal na Arabe at ang kanilang mga tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya, at hinikayat ang mga tribong pangkat sa Islam.

Mga Rehiyon at Lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pinamalaking lungsod sa Bisayas ang Lungsod ng Cebu

Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang nahahati sa 17 mga probinsiya.

Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon lV)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kanlurang Kabisayaan

Ang Kanlurang Kabisayaan ay binubuo ng isla ng Panay at Guimaras. Ang mga lalawigan nito ay:

Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VI)

Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gitnang Kabisayaan

Kabilang sa Gitnang Kabisayaan ang mga pulo ng Cebu,Siquijor,Bohol,Negros Occidental at Negros Oriental. Ang mga lalawigan nito ay:

Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VII)

Silangang Kabisayaan (Rehiyon VIII)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Silanang Kabisayaan

Ang Silangang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo ng Leyte, Biliran, at Samar. Ang mga lalawigan nito ay:

Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VIII)

Kalakhan sa Kabisayaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kalakhan sa Bisayas o Metro sa Visayas ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Bisayas ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan at pababa sa lunsod.

Kalakhang Bisayas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kalakhan (Metro) Sentrong kalakhan Dibisyon
Kalakhang Cebu Cebu Gitnang Kabisayaan
Kalakhang Iloilo-Guimaras Iloilo Kanlurang Kabisayaan

Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang Filipino, ang pambansang wika na ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga pampublikong palatandaan at kalakalan.

May mga alamat na nakapaloob sa librong Maragtas, tungkol sa sampung hepe (datu) na tumakas mula sa paniniin ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang mga datu at ang kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga Bisaya. Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama't ito ay isang alamat, base pa rin ito sa mga totohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa isang aklat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong 1907.

 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate
Ranggo Rehiyon Pop. Ranggo Rehiyon Pop.
Cebu City
Cebu City
Bacolod
Bacolod
1 Cebu City Central Visayas 922,611 11 Calbayog Eastern Visayas 183,851 Iloilo City
Iloilo City
Lapu-Lapu City
Lapu-Lapu City
2 Bacolod Western Visayas 600,783 12 Roxas Western Visayas 179,292
3 Iloilo City Western Visayas 457,626 13 Toledo Central Visayas 170,335
4 Lapu-Lapu City Central Visayas 408,112 14 Cadiz Western Visayas 158,544
5 Mandaue Central Visayas 362,654 15 Danao Central Visayas 136,471
6 Tacloban Eastern Visayas 242,089 16 San Carlos Western Visayas 132,650
7 Talisay Central Visayas 227,645 17 Dumaguete Central Visayas 131,377
8 Ormoc Eastern Visayas 215,031 18 Silay Western Visayas 130,478
9 Kabankalan Western Visayas 200,198 19 Carcar Central Visayas 119,664
10 Bago Western Visayas 191,210 20 Bayawan Central Visayas 117,900

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). National Statistics Office of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-12-26. Nakuha noong 11 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. C.Michael Hogan. 2011. Sulu Sea. Encyclopedia of Earth. Eds. P.Saundry & C.J.Cleveland. Washington DC
  3. "Executive Order No. 429". President of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-07. Nakuha noong 2009-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Administrative Order No. 129". President of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-13. Nakuha noong 2009-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. On 23 Mayo 2005, Palawan and Puerto Princesa City were moved to Western Visayas by Executive Order No. 429.[3] However, on 19 Agosto 2005, President Arroyo issued Administrative Order No. 129 to hold the earlier EO 429 in abeyance pending a review.[4] Magmula noong 2010, Ang Palawan at ang mataas na urbanisadong lungsod ng Puerto Princesa ay nanatiling bahagi ng rehiyon ng MIMAROPA.
  6. Jovito S. Abellana, "Bisaya Patronymesis Sri Visjaya" (Ms., Cebuano Studies Center, ca. 1960)