Tiglath-Pileser I
Tiglath-Pileser I | |
---|---|
| |
Batong relief ni Tiglath-Pileser I | |
Panahon | 1114–1076 BCE |
Sinundan | Ashur-resh-ishi I |
Sumunod | Asharid-apal-Ekur |
Anak | Asharid-apal-Ekur, Ashur-bel-kala, Shamshi-Adad IV |
Kamatayan | 1076 BCE |
Pananampalataya | Sinaunang relihiyong Mesopotamiyo |
Si Tiglath-Pileser I (sa Wkang Akkadiyo Acadio: 𒆪𒋾𒀀𒂍𒈗𒊏, romanisado: Tukultī-apil-Ešarra, "aking tiwala ay kay Ashur") ay hari ng Asirya ng Gitnang Imperyong Asirya mula 1114 hanggang 1076 BCE). Ayon sa Asiryologong si Georges Roux, si Tiglath-Pileser I ang isa isa dalawa o tatlong dakilang mga hari ng Asirya mula kay Shamshi-Adad I".[1] Siya ay tanyag sa malawakang pangangampanyang militar, kasigasigan sa pagtatayo ng mga gusali at interest sa pagtitipon ng mga tabletang kuneiporma.[2] Sa ilalim ng kanyang paghahari, ang Asirya ay naging dominanteng kapangyarihan sa Sinaunang Malapit na Silangan sa loob ng 500 taon. Pinalawak niya ang kontrol ng Asirya sa Anatolia at Syria, at sa mga baybayin ng Dagat Mediterraneo.[3] Siya ay kilala rin sa paglalagay ng takot sa kanyang mga nasasakupan at mga kaaway.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Tiglath-Pileser I ay anak ni Ashur-resh-ishi I at umakyat sa trono noong 1115 BCE na naging isa sa pinakadakilang mananakop.[4] Tinawag ni Tiglath-Pileser I ang kanyang sarili na "walang katapat na hari ng uniberso, hari ng apat na sulok hari ng lahat ng mga prinspe, panginoon ng mga panginoon..na ang mga sandata ay pinatalas ng Diyos na si Ashur at ang pangalan ay binigkas ni Ashur magpakailanman para kontrolin ang apat na sulok..ang kahanga-hangang apoy na tumatakip sa kaaway tulad ng ulan ng bagyo". [5] Siya ay isa ring brutal na mananakop ng mga lupain na gumamit ng batang hostage bilang instrumento laban sa kanyang mga sinakop na tao. Ang kanyang unang kampanyang militar ay laban sa Mushku noong 1112 BCE na sumakop sa mga ilang distritong Asiryo sa Itaas na Eufrates, at sinakop ang Commagene at silangang Cappadocia, at pinalayas ang mga Hiteo mula sa probinsiyang Asiryo ng Subartu, hilagang silangan ng Malatia.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Roux, Georges. Ancient Iraq. Third edition. Penguin Books, 1992 (paperback, ISBN 0-14-012523-X).
- ↑ Leick 2010, p. 171.
- ↑ 'The Collins Encyclopedia of Military History', Dupuy & Dupuy, 1993, p. 9
- ↑ 4.0 4.1 Chisholm 1911, p. 968.
- ↑ Frahm, Eckart (2017). A Companion to Assyria. John Wiley & Sons, Incorporated. p. 3. ISBN 9781444335934.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)