Shalmaneser I
Shalmaneser I | |
---|---|
| |
Paghahari | c. 1273–1244 BCE[1] |
Sinundan | Adad-nirari I |
Kahalili | Tukulti-Ninurta I |
Supling | Tukulti-Ninurta I |
Ama | Adad-nirari I |
Si Shalmaneser I (𒁹𒀭𒁲𒈠𒉡𒊕 mdsál-ma-nu-SAG Salmanu-ašared;[2][3] 1273–1244 BCE o 1265–1235 BCE) ay hari ng Gitnang Imperyong Asirya at anak niAdad-nirari I na kanyang hinalinhan bilang hari[4] noong 1265 BE.
Ayon sa kanyang mga annal na nataguan sa Assur, sa kanyang unang taon, sinakop niya ang walong bansa sa hilagang kanluran at winasak ang muog ni Arinnu na ang alikabok ay dinala niya sa Assur. Sa kanyang ikalawang taon, tinalo niya si Shattuara na hari ng Hanilgalbat (Mitanni), at mga kaalyado nitong mga Hiteo at Ahlamu.[4] Isinama niya ang mga labi ng kaharian ng Mittanni bilang isa sa mga probinsiya ng Asirya. Inangkin rin ni Shalmaneser I na binulag niya ang 14,000 kaaway na bilanggo sa isang mata. Siya ang isa sa mga haring Asiryo na kilala sa pagpapatapon ng kanyang mga nasakop na kaaway sa iba't ibang lupain sa halip na pagpatay sa kanilang lahat. Sinakop niya ang buong bansa mula saTaidu hanggang Irridu, mula Bundok Kashiar hanggang Eluhat, at mula sa muog ng Sudu at Harranu hanggang sa Carchemish sa Eufrates. Itinatag niya ang mga palasyo sa Assur at Nineveh at muling itinayo ang "pandaigdigang templo" sa Assur (Ehursagkurkurra) at itinatag ang lungsod ng Kalhu (ayon sa Bibliya ang Calah/Nimrud).[4] Siya ay hinalinhan ng kanyang anak na si Tukulti-Ninurta I.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chen, Fei (2020). "Appendix I: A List of Assyrian Kings". Study on the Synchronistic King List from Ashur. Leiden: BRILL. ISBN 978-9004430914.
- ↑ ORACC Middle Assyrian Laws - Shalmaneser I
- ↑ The name means: "[the god] Salmanu is preeminent"; Georges Roux, Ancient Iraq (Penguin, 3rd ed., 1992), p. 295.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 dominyong publiko na ngayon: Sayce, Archibald Henry (1911). "Shalmaneser". Sa Chisholm, Hugh (pat.). Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 24 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 798. Isa o mahigit pa sa nauunang mga pangungusap ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa