Pumunta sa nilalaman

Heteo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hiteo)

Ang mga Heteo o Hitito (tinatawag ding Hetita, Hetito, Hetita, o Hittites,Hittites) ay isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na nagsasalita ng mga Wikang Hitita. Nagtayo sila ng kahariang tinawag na Kahariang Hitita. Tinawag din silang Imperyong Hitita noong ika-14 na siglo BCE, nang masakop nila ang buong Anatolia, hilagang-kanluran ng Siria hanggang sa Ilog Litani at sa Hilaga ng Mesopotamya. Isa itong imperyong nasa kinalalagyan ng pangkasalukuyang gitnang Turkiya, at nagtagal ng may 700 mga taon, mula mga 1900 BK magpahanggang 1200 BK.[1] Sa kasalukuyan nasa Museo ng mga Kabihasnan sa Anatolia na matatagpuan sa Ankara, Turkiya ang mga artipakto ng mga Hitita at Anatoliano.

May kaugnayan sa mga tao ng Europa at hilagang Indya ang mga Hitita. Tumawid sila sa bulubundukin ng Caucasus mula silangang-gitnang Europa upang masakop ang Anatolia (*ang makabagong Turkiya). Naging kabisera nila ang lungsod ng Hattusas na malapit sa modernong Ankara. Nang maging makapangyarihan sila noong mga 1500 BK, lumaganap sila sa silangan sa kahabaan ng baybayin ng Mediteraneo.[1]

Naglingkod din bilang mga pari ang mga naging hari ng mga Hitita. Mayroon silang isang sistemang legal.[1]

Nahati ang imperyo noong 1180 BC bilang maliliit na lungsod-estado, yung iba ay umabot pa nang ika-8 siglo BC. Nilupig din sila ng mga hukbong galing sa Dagat Aegeano.[2]

Nagsulat sila sa mga tablang yari sa putik na gumagamit ng hiroglipiko (gumagamit ng mga larawan sa pagsulat) at sa paraang kuneiporma. Ang mga Hitita ang unang mga taong malawakang gumamit ng bakal o yero.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who were the Hittites?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10.
  2. Mercado, Michael (2007). Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. Araling Panlipunan Serye Aklat II. St. Bernadette Publishing Corporation. ISBN 978-971-621-448-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)