EsP 9 LAS Q4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 55

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan

MGA GAWAING PAGKATUTO

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Edukasyon sa Pagpapakatao
Learning Activity Sheets
(Grade 9)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.
Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS PhD, CESOV, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN EdD, CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : FLORDELIZA C. GECOBE PhD, CESO V, SDO Quirino
Asst. Schools Division Superintendent : CHERYL R. RAMIRO PhD, SDO Quirino
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG PhD, DepEd R02
Chief Education Supervisor, CID : JORGE G. SADDUL, SR.
Development Team
Writer: MARICON M. SEVILLA,Teacher III, Maddela Comprehensive high School

Content Editors: NANCY AGDUYENG, Master Teacher I, San Bernabe Elementary school
HELEN GRACE J. TABOR, RLRQAT, SDO Nueva Vizcaya
Language Editor: FE G. BUCCAHAN PhD, Education Program Supervisor -Filipino, SDO Quirino
Illustrator: ANNIE MALANO, Teacher III, Giayan Integrated School
Layout Artist: MARICON M. SEVILLA, Teacher III, Maddela Comprehensive High School
Focal Persons: RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02
RICHARD O. PONHAGBAN, Education Program Supervisor-EsP
JULIUS AARON M. RUEDA, Education Program Supervisor–EsP, SDO Quirino
FELIMENDO M. FELIPE, SEPS-HRD, OIC LR Supervisor, SDO Quirino
RONALD T. BERGADO, Project Development Officer II, SDO Quirino

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

ii

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Talaan ng Nilalaman

Kasanayan(Competency)
Pahina
at Koda

Nakikilala ang mga pagbabago sa


kanyang talento, kakayahan at hilig
(mula Baitang 7)at naiuugnay ang
mga ito sa pipiliing kursong

akademiko, teknikal-bokasyonal,
sining at palakasan o negosyo

EsP9PK-IVa-13.1
Napagninilayan ang mga
mahahalaganghakbang na ginawa
upang mapaunlad ang kanyang
talento at kakayahan ayon sa
kanyang hilig, mithiin, lokal at global
nademand
EsP9PK-IVa-13.2 1-15

Napatutunayan na ang pagiging


tugma ng mga personal na salik sa
mgapangangailangan
(requirements) sa napiling kursong
akademiko, teknikal-
bokasyonal,sining at isports o
negosyo ay daan upang
magkaroon ng makabuluhang
hanapbuhay o negosyo at matiyak
ang pagiging produktibo
at pakikibahagi sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng bansa
EsP9PK-IVb-13.3

Natutukoy ang kanyang mga


paghahandang
gagawin upang makamit ang
16-29
piniling kursong akademiko, teknikal-
iii

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


bokasyonal, sining at palakasan o
negosyo (hal., pagkuha ng

impormasyon at pag-unawa sa
mga tracks sa Senior High School)

EsP9PK-IVb-13.4

Nakapagpapaliwanag ng
kahalagahan ng

Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay
EsP9PK-IVc-14.1

Natutukoy ang mga hakbang sa


pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
EsP9PK-IVc-14.2 30-37

Nahihinuha na ang kanyang


Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay ay dapat na nagsasalamin
ng kanyang pagiging natatanging
nilalang na nagpapasya at
kumikilos nang mapanagutan tungo
sa kabutihang panlahat
EsP9PK-IVd-14.3
Nakapagbubuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay
EsP9PK-IVc-14.1 38-55

iv

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikaapat Markahan – MELC 1-2
Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula
Baitang7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o negosyo.EsP9PK-IVa-13.1

Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad


ang kanyang talento at kakayahan ayon sakanyang hilig, mithiin, lokal at global na
Demand.EsP9PK-IVa-13.2

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o


Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Panimula (Susing Konsepto)


“Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya.”
Narinig mo na ba ito sa iyong nanay o tatay, maging sa iyong lolo o lola? May ideya ka ba
kung bakit nila ito sinasabi sa iyo? Bunga ng kanilang mga karanasan sa sarili at kanilang
kapuwa kaya nila na ibinabahagi ang ganitong payo sayo. Matapos mong tuparin ang kanilang
payo, may kung ano ang mabuti para sa lahat (what is just for all). Nakita mo na, napakahalaga
ng iyong bahagi sa iyong sarili, kapwa at sa lipunan. Ikaw ang bumubuo sa pangkalahatan.

Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti man ito o masama.
Kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito
upang ikaw ay magkamali sa pasya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa
buhay upang maging batayan sa maayos na tatahaking karera. Ang isang kabataang nais ng
kalayaan at nais na maging malaya ay kailangang maikintal sa isip ang kanyang kapangyarihan
na gamitin sa tama at mabuti ang kanyang pagdedesisyon sa napiling gagawin.

Mahalagang malaman at maunawaan ang iyong panloob na salik sa pagpili ng track o


kurso ngunit hindi lamang ang mga ito ang dapat na iyong batayan pati na rin ang panlabas na
salik.
Tunay na hindi ganoon kadali ang pumili at tumukoy ng mga pagbabagong naranasan
noong ikaw ay nasa Baitang 7 na may kaugnayan sa talento, hilig, kasanayan, pagpapahalaga
at mithiin. Ngunit dahil sa angking kalayaan sa pagpapasya ay magagawa mo nang walang
alinlangan ang mahalagang bagay na ito sa buhay mo.

Ang pagpili ng kurso sa Senior High School ay isang malaking desisyong


nangangailangan ng matinding pagmumuni-muni dahil makaaapekto ito sa hinaharap. Ang
anim na pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ay gabay tungo sa maayos na pagpili para
sa maunlad na hanapbuhay na naghihintay sa iyo pagkatapos mo sa Senior High School.

Ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-


bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ay ang talento, kasanayan (skills), pagpapahalaga, hilig at
mithiin.

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Kinakailangang maging tugma ang mga pansariling salik sa mga
pangangailangan(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal bokasyonal, sining at
isports onegosyo. Ito ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyoat
matiyakang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


• Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang
7)at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,
sining at palakasan o negosyo.EsP9PK-IVa-13.1

• Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang
talento at kakayahan ayon sakanyang hilig, mithiin, lokal at global na
Demand.EsP9PK-IVa-13.2

Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat ihinandang gawain.

Gawain 1: Balik Tanaw


A. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Naaalala mo pa ba ang mga natukoy mong track o kurso noong nasa Baitang 7 ka? Ano-
Ano ang mga ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Mula sa iyong pagbabalik-tanaw, dalawang taon mula ngayon, may pagbabago kaya
sa iyong talento, hilig, kasanayan(skills), pagpapahalaga at mithiin? Gayundin, sa nais
mong kuning kurso pagtuntong sa Senior High School?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2:Paunang Pagtataya


Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya
at malayang pagsasakilos ng kanyang piniling pasya at pananagutan?
a. kagalingang mangatuwiran at matalas na kaisipan
b. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


2. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha?
a. makiangkop
b. makialam
c. makipagkasundo
d. makisimpatya

3. Alin sa mga pansariling salik ang dapat pagbatayan tungkol sa pagpili ng kursong
may kinalaman sa iyong kahusayan tulad ng pakikiharap sa mga taong
nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang
paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
a. hilig
b. kasanayan (skills)
c. pagpapahalaga
d. talent

4.) Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao
ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang
9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong
ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong
mo sa Senior High School?
a. pahalagahan at paunlarin.
b. pagtuunan ng pansin at palaguin.
c. paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.

5. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga


pagpipiliang kurso para sa nalalapit na pagpasok sa Senior High School?
a. makinig sa gusto ng mga kaibigan
b. huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. magbasa at maglaan ng panahong makapag-isip at magplano
d. humingi ng tulong sa Guidance Counselor sa inyong paaaralan at pag-aralan ang
desisyon

6. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan
ng kanyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya
ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay
nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala daan upang maging gabay
niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita?
a. katayuang pinansyal
b. mithiin
c. hilig
d. pagpapahalaga

7. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kanyang mga
magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan.
4

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang
saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kanyang mga magulang. Sa kanyang
propesyon ngayon, dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa
probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging
gabay niAlfred sa pagpili ng kurso?
a. hilig
b. pagpapahalaga
c. katayuang pinansyal
d. kasanayan
8. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga educational book,
kasabay rin ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya
ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpili
ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kanyang
propesyon, ang maging journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang
naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kanyang piniling hanapbuhay?
a. kasanayan
b. hilig
c. mithiin
d. pagpapahalaga

9. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kanyang mga magulang sa gusto niyang
kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman,
ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat ng mga potensyal na mag-aaral na
magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-
month training at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kanyang
pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kanyang magandang pangarap para
sa kanyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging desidido sa kanyang desisyon na piliin
ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kanyang naging desisyong
maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?

a. katayuang pinansyal
b. mithiin
c. pagpapahalaga
d. kasanayan

10. Alam ni Diane ang kanyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya
sa pagkalkula ay namana niya sa kanyang ama. At ang kanyang determinasyon at pagtitiyaga
ay nakuha sa kanyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High
(Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung
ano ang kanyang pipiliing kurso. Suportado rin siya ng kanyang mga magulang lalo’t siya
naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-
hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa kanyang sarili. Anong
pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?

a. mithiin
b. kasanayan
c. pagpapahalaga
d. hilig

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 3: Pagsusuri ng mga Larawan
Suriin ang sumusunod na larawan at tukuyin kung ano ang nais ipakita nito.

________________________________ __________________________________
_______________________________ __________________________________

________________________________ __________________________________
________________________________ __________________________________

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 4: Self Assessment
Sagutin ang una hanggang ikalimang bahagi ng Survey Form para sa pagsusuring pansarili
(self-assessment).

Multiple Intlligences(MI) Survey


Gamit ang Multiple Intelligences (MI) Survey Form (McKenzie, 1999), tutuklasin mo
ang iyong mga talento at kakayahan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.
Maging tapat sa iyong sagot sa bawat bilang. Huwag kang mahihiya kung Hindi (0) o Bihira
(1) ang sagot mo sa ilang bilang.
Legend:
4 - Palagi
3 - Madalas
2 - Paminsan-minsan
1 - Bihira
0 – Hindi
Mga Tanong ng Survey:
1. Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga kamay.
6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang moral.
8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang pagkakatulad.
9. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipaliliwanag.
10. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang
mahahalagang bagay.
11. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
12. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
13. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang oras.
14. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
15. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura.
16. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
17. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
18. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat, e-mail,
texting(cellphone), telepono at mga social network sites.
19. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
20. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw.
21. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
22. Higit na marami akong natututuhan sa pangkatang pag-aaral.
23. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
24. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang maunawaan ko ang mga bagong
datos.
25. Madali akong mainis sa mga taong burara.
26. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
27. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media”.
28. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
29. Hilig ko ang pagsasayaw.
7

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


30. Mas natututo ako kung may kahalagahan sa akin ang isang asignatura.
31. Madalas akong maging pinuno ng pangkat sa aming mga magkakaibigan o magkakaklase.
32. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
33. Madali sa akin ng paglutas ng mga suliranin.
34. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan ang itinuturo ng
guro.
35. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang maunawaan
at maipaliwanag ang mga datos.
36. Nasisiyahan ako sa mga tula.
37. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa sa pagpapaliwanag
lamang.
38. Mahalaga sa akin ang pagiging parehas.
39. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-uganayan kaysa sa pag-iisip.
40. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga parke at pambansang pasyalan.
41. Masaya ang lumutas ng mga “logic puzzles”.
42. Hindi ako nagpapabaya sa pakikipag-uganayan sa aking mga kaibigan sa sulat, e-mail, o
text.
43. Ang music video ay mas nakapagpapaigting ng aking interes sa isang kanta.
44. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
45. Ang paggawa ng mga bagay na likhang sining ay nakalilibang at nakapagpapalipas ng oras.
46. Nakasisiya ang mga talk show sa radyo at telebisyon.
47. Ang paggawa nang nag-iisa ay produktibo rin na tulad ng pangkatang gawain.
48. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
49. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang-aralin hangga’t hindi nasasagot ang
aking mga tanong.
50. Nasisiyahan akong gumawa ng liham.
51. Nagdudulot sa akin nang labis na kasiyahan ang mga three dimensional puzzle.
52. Mahirap mag-isip habang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng radyo.
53. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa publiko.
54. Ako ay team player.
55. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay bago
ko ito gawin.
56. May pamaraan ng pagreresiklo sa aming bahay.
57. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang gawain.
58. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng puns, anagrams at spoonerisms.
59. Ang mga music video ay gumigising ng kaisipan.
60. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
61. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
62. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
63. Kapag naniniwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang buong- buo ang aking isip atlakas.
64. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany at Zoology.
65. Kasiya-siya para sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
66. Interesado akong matutuhan ang mga hiram na salita.
67. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan ko ito sa aking isip.
68. Ang mga musical ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.
69. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.
70. Masaya ang paglahok sa mga gawiang extra-curricular.
71. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
72. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
8

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


73. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o gawain upang magkaroon ako ng kasiyahan
dito.
74. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.
75. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
76. Madali para sa akin na makaalaala ng letra o liriko ng awitin.
77. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
78. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
79. Handa akong magreklamo o lumagda ng petisyon upang iwasto ang isang kamalian.
80. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
81. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng isang bagay.
82. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa buhay.
83. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
84. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang-sining.
85. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
86. Nais ko ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ng inspirasyon.
87. Nasisiyahan akong magbasa ng isinulat ng mga kilalang pilosopo.
88. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung paano ito inilalapat sa buhay.
89. Nakamamanghang isipin na sa daigdig ay may iba pang nilikhang may angking talino.
90. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao, ideya at mga paniniwala

Pangalan ______________________________ Kasarian _______________ Edad ______

Bilang Palagi(4) Madalas(3) Paminsan- Bihira(1) Hindi(0)


minsan(2)
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
9

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35

Bilang Palagi(4) Madalas(3) Paminsan- Bihira(1) Hindi(0)


minsan(2)
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64

10

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


65
66
67
68
69
70

Bilang Palagi(4) Madalas(3) Paminsan- Bihira(1) Hindi(0)


minsan(2)
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90

Ikalawang Bahagi. Ngayon, ilipat mo ang iyong sagot sa angkop na kahon sa ibaba

Logical/
1 9 17 25 33 40 49 57 65 73

Mathematical

Linguistic 2 10 18 26 34 41 50 58 66 74

11

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Spatial 3 11 19 27 35 42 51 59 67 75

Musical 4 12 20 28 36 43 52 60 68 76

Bodily- 5 13 21 29 36 44 53 61 69 77

kinesthetic

Intrapersonal 6 14 22 30 37 45 54 62 70 78

Interpersonal 7 15 23 31 38 46 55 63 71 79

Naturalist 8 16 24 32 39 47 56 64 72 80

Existentialist 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90

Pagkatapos nito ay kunin ang kabuuang bilang ng iyong sagot sa bawat hanay at isulat sa
espasyo sa dulo.

Halimbawa:

Logical Mathematical: 2+3+2+3+3+2+3+2+4+2=2

12

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 5:Pag-unawa
Ang Multiple Intelligence Survey na ito ni McKenzie ay nakabatay sa teorya ni Howard
Gardner. Upang lubos mong maunawaan ang kahulugan ng iyong mga naging marka, dapat
mong malaman ang kahulugan ng bawat kategorya, talino o talento na sinusukat nito.
Naunawaan mo kung ano ang implikasyon ng pagkuha mo ng mataas at mababang marka
mula sa Gawain.

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Ano-anong pagbabago sa talento, hilig, kasanayan, pagpapahalaga at mithiin noong nasa
Baitang 7 ka?

2. Nagbago ba o hindi ang track o kursong kukunin ko noong nasa Baitang 7 ako?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Sa pagbabago ng mga ito, ano ang track o kursong plano kong kunin sa Senior High School?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

13

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Pagbubulay (Repleksiyon):
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa mga napag-aralan sa araling ito at mga gawain
inihanda at natapos mong sagutan
Sa araling ito natutuhan ko na _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________.
Bilang isang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong


5 points – Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi . Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points – Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points – May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points – Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point – Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot.

Mga Sanggunian:
MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 105-113
De Torre J.M. (1987). Social Morals, Greenhills.Southeast Asian Science Foundation, Inc.
De Torre J.M. ( 1980) Christian Philosophy, Manila.Sinag-Tala Publishers.
Institute for Development Education, Center for Research and Communication, ( 1991).
Work:The Channel of Values Education.Manila.Sinag-Tala Publishers,Inc.
Pontificial Council for justice and Peace (2004) Compendium of the Social Doctrine of the
Churh, Vatican.Libreria Editrice Vaticana

14

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Susi ng Pagwawasto
Gawain 1
Gamitin ang rubrik para sa pagbibigay ng Marka sa mga Tanong

Gawain 2
1.d 6.a
2.c 7.b
3.b 8.b
4.c 9.a
5.d 10.b

Gawain 3
Ga4mitin ang rubrik para sa pagbibigay ng Marka sa mga Tanong

Gawain 4
Gamitin ang Rubrik para sa pagbibigay ng marka sa mga tanong

Gawain 5
Gamitin ang rubrik para sa pagbibigay ng marka sa mga tanong

Inihanda ni:
MARICON M. SEVILLA
May-akda

15

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – MELC 3-4
Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,sining at isports o
negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o
negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.EsP9PK-IVb-13.3

Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal.,
pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa(Senior High School)
EsP9PK-IVb-13.4

16

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagpapasya ay maituturing bilang isang prosesong mental (prosesong kognitibo)
na nagreresulta sa pagpili ng isang kurso ng kilos mula sa ilang mga kapalit o alternatibong
mga eksena. Bawat proseso ng paggawa ng desisyon ay nakagagawa ng isang pinal o hindi na
mababago pang pagpili. Ang kinalabasan ay maaaring isang galaw o aksyon o kaya ay isang
napiling opinyon.
Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon, mainam na matutuhan mo na ang buhay ay
binubuo ng maraming pagpipilian. Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti.
Kahit ang taong ayaw pumili o magpasya o makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumipili
pa rin sa isang aksyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay malaya
at may kakayahang pumili, siya ay inaasahang maging mapanagutan sa piniling pasya at
maging masaya para rito.
Pagtuunan mo naman nang malaking pansin ang mga pansariling salik sa pagpili ng
tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa iyong:
1. Talento 4. Pagpapahalaga
2. Kasanayan (skills) 5. Mithiin
3. Hilig
1. Talento. Paglipas ng dalawang taon, pagkatapos mong masuri at malaman ang mga
resultang lumabas sa iyong Multiple Intelligences Survey Form noong ikaw ay nasa
Baitang 7, lumabas ba at napalago mo ba ito nang buong husay o mas lalo itong
nadagdagan dahil naging malaya ka sa pagpapahayag ng iyong sarili sa kursong nais
mong kunin? Naibahagi mo rin ba ito sa iba tulad ng iyong mga kamag-aaral, kaibigan at
kapatid? Tandaan mo na ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang
kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong
akademiko o teknikal- bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High
School (Baitang10). Sa iyong pagsusuri mula sa mga talentong napaunlad mo na, alin pa sa
mga ito ang natuklasan mo at ngayon ay napagtutuunan mo ng pansin at pagpapahalaga?
Maaari bangisa-isahin mo ito upang maging konsiderasyon mo sa pag-iisip ng angkop na kurso
para sa iyo?
Balikan natin ang mga talino o talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard
Gardner (1983):
17

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


1. Visual Spatial 5. Musical/Rhythmic
2. Verbal/Linguistic 6. Intrapersonal
3. Mathematical/Logical 7. Interpersonal
4. Bodily/Kinesthetic 8. Existential
2. Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang
salik sa paghahanda sa iyong pipiliing kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang
mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang
abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency). Upang makilala at matukoy
mo ang iyong mga kasanayan sa isang bagay, kailangang ikaw ay may hilig o interes, mga
tiyak na potensiyal at malawak na kaalaman. Sa iyong pagsusuring pansarili, may mga tiyak
ka bang kasanayan o skills na siyang magagamit mo sa pagtukoy ng iyong pipiliing kurso?
Kung hindi mo pa tukoy ang mga ito, makabubuting tingnan at bigyan ng oras ang mga
kategoryang nakalista sa ibaba (Career Planning Workbook, 2006):
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills)-nakikipagtulungan at nakikisama sa
iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa ibang kumilos, mag-isip para sa iba.
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)-humahawak ng mga dokumento, datos, bilang,
naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol
sa mga trabahong inatang sa kanya.
c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)-nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubu
kemikal at biyolohikang na mga functions.
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)-lumulutas ng mga mahihirap at teknikal
na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
Mainam na ngayon pa lamang ay matiyak mo nang maaga ang iyong mga kasanayan
o skills, nang sa gayon ay makatulong ito nang malaki sa iyong pagpili ng kursong nais
kuhain.
3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at
buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod
o pagkabagot. Salungat dito ang mga gawain o bagay na ayaw mong gawin.
Nakararamdam ka ng kawalan ng sigla at mabagal na pagkilos kung kaya maikling oras
lamang ang iyong ginugugol sa mga ito. Kumpara sa mga bagay na kinahihiligan mong
gawin, hindi mo pansin ang humahabang oras sa pagsasagawa ng mga ito dahil
nasisiyahan kang gawin kahit ito ay mahirap sa paningin ng iba. Kung magagawa sa
ngayon ang ituon ang pansin sa mga tiyak mong mga hilig, umasa kang mas magiging
madali ang pagpili ng iyong nais na kuning kurso sa iyong nalalapit na Senior High. Hamon
itong dapat mong paghandaan upang maging makabuluhan ang iyong pipiliing hanapbuhay
o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ating
ekonomiya.
18

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work
environment, ito ay ang mga sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social,
Enterprising at Conventional. Hindi lamang nasa iisang kategorya ang hilig o interes ng
isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon. Halimbawa, maaaring tatlo
ang kombinasyon ng kanyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social at Artistic) o di
kaya naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o anumang dalawa o tatlo sa iba’t
ibang kombinasyon. Kung ang linya ng ating interes ay ESA (Enterprising, Social at Artistic),
ikaw ay malalagay sa linya na ang mga trabaho ay may kaugnayan din sa ESA.
Tingnan muli ang mga letrang nakalista sa itaas na may anim na grupo at ang mgao
ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal,
paglalarawan nito sa ibaba. Isipin mo kung paano mo magugustuhan o hindi ang
mga gawain/trabaho sa bawat sitwasyong tinalakay at paano ang mga ito ay nagkaroon ng
kaugnayan sa iyong personalidad, katangian at interes.
Mga Interes
Realistic-ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit
ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao
at makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay matapang at praktikal at mahilig sa
mga gawaing outdoor.
Halimbawa ng mga Trabaho
forester, industrial arts teacher, radio operator, auto engineer, mechanical engineer, mining
engineer, vocational agriculture teacher, civil engineer, industrial engineering technician,
aircraft mechanic, mechanical engineer technician, fish and game warden, surveyor, dental
technician, architectural draftsman, electrician, jeweler, powerhouse repairman, tool and die
maker, machinist, mechanic, stone cutter, locksmith, nuclear reactor technician, tree surgeon,
piano tuner, typesetter, air conditioning engineer, ship pilot, instrument mechanic, motion
picture projectionist, carpenter, tailor, machine repairer.

Investigative-ang mga trabahong may mataas na impluwensiya rito ay nakatuon sa mga


gawaing pang-agham. Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong magtrabaho nang
mag-isa kaysa gumawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga
kakayahang pang-agham, isa na rito ang mga pananaliksik. Mapanuri, malalim, matatalino at
task-oriented ang mga katangian nila.
Halimbawa ng mga Trabaho
Economist, internist, physician,anthropologist, astronomer, pathologist, physicist, chemist,
production planner, medical lab assistant, tv repairer, biologist, osteopath, chiropractor, math
teacher, natural science teacher, optometrist, psychiatrist, psychologist, medical technologist,
bacteriologist, physiologist, research analyst, computer analyst, programmer, pharmacist,
actuary, quality control technician, computer operator, geologist, mathematician/statistician,
surgeon, meteorologist, agronomist, animal scientist, botanist, zoologist, horticulturist, natural
scientist, oceanographer, biochemist, veterinarian, geographer, x-ray technician, administrator,
dentist, tool designer, chemical lab technician, engineers such as aircraft, chemical, electrical,
metallurgical, radio/tv technician, engineering aide, weather observer.
19

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Artistic - ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at
malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nasisiyahan ang mga nasa
ganitong interes sa mga sitwasyonkung saan nakararamdam sila ng kalayaan na maging totoo,
nangwalang anumang estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming
mga panuntunan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-
arte, pagsulat at iba pa.

Halimbawa ng mga Trabaho


Drama coach, language teacher, journalist, reporter, drama-teacher, dancing –teacher,
foreign language interpreter, philosopher, art teacher, literature teacher, music teacher,
musician, orchestra conductor, advertising manager, entertainer, public relations person,
fashion model, writer, editor, radio program writer, dramatist, actor/actress, designer,
interior decorator, critic, fashion illustrator, furniture designer, jewelry designer, furrier,
garment designer, decorator, architect, artist, photographer, photograph retoucher,
photolithographer (printer), music arranger, composer.

Social-ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular at


responsable. Gusto nila ang interaksyon at pinaliligiran ng mga tao. Madalas na mas interesado
sila sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain, kung
saan mabibigyan sila ng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong at mag-
asikaso

Halimbawa ng mga Trabaho


- education, teaching, social welfare, human development, counseling, health professions
(medicine, nursing, etc.), social service, compensation advising etc., dorm director,
interviewer, employment representative, funeral director, chamber of commerce executive,
employee benefits approver, food service manager,claim adjuster, production expediter, health
and welfare coordinator, educational administrator, training director, historian, environmental
health engineer, home service rep., community recreation administrator, business agent,
extension agent, physical education teacher, building superintendent, therapist, political
scientist, sociologist, social and group worker, personnel director, food and drug inspector,
teacher, minister, librarian, foreign service officer, history teacher.

Enterprising-likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay
mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals. Ang mga taong may mataas
na interes dito ay madalas na masigla, nangunguna at may pagkusa at kung minsan ay madaling
mawalan ng pagtitimpi at pasensya.

Halimbawa ng mga Trabaho


- sales and marketing field, banker, insurance underwriter, real state appraiser, florist, industrial
engineer, contractor, warehouse manager, salesperson-technical products, lawyer, judge,
attorney, tv/radio announcer, branch manager, director industrial relations, government
official, insurance manager, managers such as restaurant/office/ traffic/human
resource/production, etc., salary and wage administrator, labor arbitrator, systems analyst,
director of compensation and benefits, securities salesperson

20

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Conventional-ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes dito ay
naghahanap ng mga panuntunan at direksyon; kumikilos sila nang ayon sa tiyak na inaasahan
sa kanila. Sila ay maaaring mailarawan bilang matiyaga, mapanagutan at mahinahon. Masaya
sila sa mga gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organisado ang
record.

Halimbawa ng mga Trabaho


- clerical, administrative, time study analyst, business (commercial) teacher, finance expert,
accountant, credit manager, timekeeper, auto writing machine operator, bookkeeping machine
operator, estimator, foreign trade clerk, office worker, payroll clerk, accounting machine
operator, personnel clerk, sales correspondent, reservations agent, bookkeeper, cashier,
secretary, medical secretary, library assistant, data processing worker, mail clerk, personnel
secretary, proofreader at iba pa.

4. Pagpapahalaga. May kilala ka bang taong nakamit ang kanyang pangarap sa buhay nang
dahil sa kanyang mga natatanging pagpapahalaga? Sa iyong palagay, ano kaya ang
nagpaunlad sa mga taong ito? Ang kanilang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin ang
mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Sa isang gurong nagbibigay ng mga aralin,
takda at grado at humihikayat sa kanyang mga mag-aaral na matuto at magsikap sa pag-
aaral, ang mga pagpapahalaga ay may kalakip na kaalaman at pagsasanay. Personal na
alam ng guro ang halaga at bunga ng kaalaman mula sa pormal na pag-aaral tungo sa
magandang hinaharap ng kanyang mga mag-aaral. At siya, sa kanyang sinumpaang
tungkulin ay determinadong ganapin ito nang buong tapang para sa kapakanan at
kabutihan ng kanyang mga mahal na mag-aaral. Gayunpaman, sa tindi at bigat ng kanilang
responsibilidad, gusto niya ang kanyang ginagawa at masaya siya dahil dito niya nakikita
ang kaganapan ng kanyang mga pinili at pinahalagahang katangian.

5. Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na


personal na pahayag ng misyon sa buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring
magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin
ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat. Kung ngayon pa lamang sa mura mong
edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong
makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap.
Sa huling pansariling salik na ito sa pagpili ng tamang kursong kukunin ay
masasabing may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa buhay. Dito na
hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap ang iyong mithiin sa
buhay. Sigurado akong may ginamit kang pamantayan sa pagtakda at pagkamit ng iyong
mga itinakdang mithiin.
Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal
ay ilan lamang sa gabay tungo sa iyong maayos na pagpili patungo sa maunlad na
hanapbuhay na naghihintay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High. Kaya, ngayon pa
lamang mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob (freewill) ay
gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasya.
Kung magagawa mo ngayong pumili ng tamang kurso para sa Baitang 11, makakamit mo ang
tunay na layunin nito:
Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong na
maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong kalakip nito kundi ang
halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at pagpapahalaga sa
21

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan dahil ang talento, kasanayan
at interes ang iyong puhunan.
Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang
produktibong manggagawa ay masasabing isang asset ng kanyang kompanya o institusyong
kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng kanyang
pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa.

Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng
tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa takdang-
araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon maayos na pakikitungo sa iba
at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin. Kung ang isang mag-aaral na katulad mo ay may
paghahanda sa hinaharap, hindi malayong taglayin mo ang mga kahanga-hangang gawing ito
at maging bahagi ka ng lumalaking bilang ng mga magagaling na manggagawa ng ating bansa.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
• Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,sining at isports o negosyo
ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o
negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.EsP9PK-IVb-13.3

• Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha
ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa(Senior High School)
EsP9PK-IVb-13.4

Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat ihinandang gawain.

22

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 1: Pagpapasya
Ano-ano ang pakahulugan ninyo sa salitang PAGPAPASYA? Isulat ang inyong kasagutan sa
graphic organizer sa ibaba.

PAGPAPASYA

Gawain 2: Tsart ng Pagpapasaya


Sagutan ang tsart sa ibaba
Paraan sa Pag-iibayo ng mga Napiling Hadlang Sa Pagharap Dito
Pasya para Sa Track o Kursong Kukunin

23

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 3: Heksagon ng mga Hilig
Pag-aralan ang heksagon na nagpapakita ng anim na pangunahing interes at katangian ng mga
tao o grupo. Gumawa ng sariling heksagon na nakalarawan sa ibaba. Kulayan ang mga bahagi
ng heksagon ayon sa tindi ng iyong interes, pumili lamang ng tatlo. Tingnan ang larawan sa
ibaba bilang gabay.

KABUUAN NG KUWARTO AT MGA GRUPO

REALISTIC
Grupo ng mga
INVESTIGATIVE
taong talentong Grupo ng mga
pangmekaniko, taong nais
magmasid,
nais ng mga
matuto, magimbestiga,
bagay, makina, magsuri at
tools, halaman o lumutas ng mga
problema
mga hayop o mga
gawaing outdoor

CONVENTIONAL ARTISTIC
Grupo ng mga taong
mahilig sa mga Grupo ng mga taong
masining, makabago
datos, may abilidad
o may likas na
sa mga numero, nais
galing sa mga
ay mga bagay na
gawaing ginagamit
detalyado at
ang imahinasyon o
nakalatag ang mga
pagkamalikhain
direksiyon

ENTERPRISING SOCIAL
Grupo ng mga taong Grupo ng mga taong
nais gumawa nais gumawa
kasama ang iba 􀂱 kasama ang iba
magpaliwanag, mang-impluwensiya,
magbigay-alam, manghikayat,
tumulong, makialam, manguna o maging
gumamot o anumang lider ng isang
kasanayan gamit ang organisasyon na
salita may iisang tunguhin

Hango mula sa The Quick Job-Hunting Map: The Party ni Richard N. Bolles

24

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Paggawa ng Aking Heksagon ng mga Hilig

Gawain 4: Buong Pahayag


Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipang ipinahahayag sa bawat aytem.
1. Gusto kong maging_________________na tao upang ako ay ______________.
2. Gusto kong matuto kung paano____________upang makapag_____________.
3. Gusto kong makapagtapos ng ____________upang ako ay________________.

Gawain 5: Realisasyon
Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba.
“Every decision you make, makes you. Never let other people choose who you’re going to
be.”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
25

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong
5 points – Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi . Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points – Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points – May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points – Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point – Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot.

Pagbubulay (Repleksiyon):
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa mga napag-aralan sa araling ito at mga gawain
inihanda at natapos mong sagutan
Sa araling ito natutuhan ko na _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________.

Bilang isang mag-aaral,


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Sanggunian:

MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 105-113
Covey, Sean. The 7 Habits of Highly Effective Teens. NY.Fireside. (1998)
Dy, Manuel B., Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha Publishing Co., Inc.,
2013 Dy, Manuel B., Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral.
Santamaria, Josefina (2006), Career Planning Workbook (4th ed.), Makati City: Career
Systems, Inc. Career: A Dream, A Mission, A Vocation

WEBSITE
http://www.labanmovie.com/thefilm2.html
http://www.labanmovie.com/bios1.html
http://objectivistanswers.com/questions/3950/what-is-productive-work
http://en.wikipedia.org/wiki/Productivity
26

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


http://siteresources.worldbank.org/INTDEBTDEPT/Resources/468980-
1316457581843/IGC2011_Ronnas.pdf
http://www.fundingcentral.org.uk/Page.aspx?SP=6296
http://en.wikipedia.org/wiki/Collaborative_working_environment
http://en.wikipedia.org/wiki/Force-field_analysis
https://www.google.com.ph/search?q=force+field+analysis&rlz=1C1CHJX_enPH419PH419
&es_sm=93&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa=X&ei=6RWEUsHsI6WXiAfS6YGoBA&v
ed=0CD0QsAQ&biw=1365&bih=665#facrc=_&imgdii=_&imgrc=rdWfRs77EgXvbM%3A
%3BN2hslI4suapteM%3Bhttp%253A%252F%252F
www.mindtools.com%252Fmedia%252FDiagrams%252FForce-Field-Analysis-
ExampleLARGE1.jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fjobspapa.com%252Fkurt-lewin-
forcefield-analysis-book-kootation.html%3B1208%3B889

Susi ng Pagwawasto
Gawain 1: Pagpapasya
Ano-ano ang pakahulugan ninyo sa salitang PAGPAPASYA? Isulat ang inyong kasagutan sa
graphic organizer sa ibaba.

PAGPAPASYA

27

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gamitin ang rubrik para sa pagbibigay ng marka sa mga tanong
Gawain 2: Tsart ng Pagpapasaya
Sagutan ang tsart sa ibaba
Paraan sa Pag-Iibayo ng mga Napiling Hadlang Sa Pagharap Dito
Pasya para Sa Track o Kursong Kukunin

Mag-aral ng mabuti panahon


Subukin ang sarili kung saan nag hangganan Lakas ng loob
ng kakayahan

Gawain 3:Heksagon ng mga Hilig


Gumawa ng sariling heksagon na nakalarawan sa ibaba.Kulayan ang mga bahagi ng
heksagon ayon sa tindi ng iyong interes, pumili lamangng tatlo.Tingnan ang larawan sa ibaba
bilang gabay.
KABUUAN NG KUWARTO AT MGA GRUPO

REALISTIC
Grupo ng mga
INVESTIGATIVE
taong talentong Grupo ng mga
pangmekaniko, taong nais
magmasid,
nais ng mga
matuto, magimbestiga,
bagay, makina, magsuri at
tools, halaman o lumutas ng mga
problema
mga hayop o mga
gawaing outdoor

CONVENTIONAL ARTISTIC
Grupo ng mga taong
Grupo ng mga taong
mahilig sa mga
masining, makabago
datos, may abilidad
o may likas na
sa mga numero, nais
galing sa mga
ay mga bagay na
gawaing ginagamit
detalyado at
ang imahinasyon o
nakalatag ang mga
pagkamalikhain
direksiyon

ENTERPRISING SOCIAL
Grupo ng mga taong Grupo ng mga taong
nais gumawa nais gumawa
kasama ang iba 􀂱 kasama ang iba
magpaliwanag, mang-impluwensiya,
magbigay-alam, manghikayat,
tumulong, makialam, manguna o maging
gumamot o anumang lider ng isang
kasanayan gamit ang organisasyon na
salita may iisang tunguhin

Hango mula sa The Quick Job-Hunting Map: The Party ni Richard N. Bolle

28

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Paggawa ng Aking Heksagon ng mga Hilig

Gawain 4: Buong Pahayag


Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipang ipinahahayag sa bawat aytem.
1. Gusto kong maging mabuting tao upang ako ay maging huwaran ng kapwa ko.
2. Gusto kong matuto kung paano humarap sa maraming tao upang makapagturo balang
araw.
3. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral upang ako ay maging isang biyaya sa aking
pamilya at kapwa tao.
Gawain 5: Realisasyon
Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba.“Every decision you make, makes you. Never let other
people choose who you’re going to be.”
Gamitin ang rubrik para sa pagbibigay ng marka sa mga tanong

Inihanda ni:
MARICON M. SEVILLA
May-akdaE

29

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan – MELC 5-6
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
EsP9PK-IVc-14.1
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
EsP9PK-IVc-14.2

30

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Panimula (Susing Konsepto)


Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam ang tamang daan ng
iyong pupuntahan? Paano kaya kung ikaw ay magkamali? Paano kung ikaw ay maligaw? Ano
kaya ang maaaring mangyari sa yo?

Mahalaga sa isang taong magkaroon siya ng pamantayan na magiging gabay niya sa kanyang
ginagawang pagkilos at pagpapasya. Nararapat na maging malinaw ang nais mong mangyari sa iyong
buhay.

Tamang gabay ang kailangan upang magkaroon ng tamang direksiyon sa kurso o


karera na iyong pipiliin. Sa pamamagitan nito, makikita mo ang kahalagahan nito sa iyong
buhay at mula dito ay masasagot mo ang mahalagang tanong na:
Bakit mahalagang makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


• Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
EsP9PK-IVc-14.1
• Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
EsP9PK-IVc-14.2
Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat ihinandang gawain.

31

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 1: Mission Possible
Sa webstrand sa ibaba, isulat ang iyong naisip na sagot sa core question na nasa gitna. Isulat
ang iyong sagot sa bawat kahon sa paligid nito.

Ano ang iyong


misyon sa
buhay?

Mga Tanong:
1. Batay sa sagot mo sa sa semantic web, ano ang iyong misyon sa buhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Kanino nakatuon ang iyong misyon? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Bakit kailangang matupad ang iyong misyon?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Ano ang tinatawag na misyon sa buhay?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
32

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 2: Pinagpasyahan
1. Punan ang kolumn sa ibaba.
2. Magbigay ng limang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagsagawa ka ng
pagpapasya.
3. Isulat sa mga sumusunod na kolum kung paano mo ito isinagawa, ano
mabuting naidulot nito at hindi mabuting naidulot nito sa iyo?
Sitwasyon sa Aking Paano isinagawa Mabuting Naidulot Hindi Mabuting
Buhay ang pagpapasya? Naidulot
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 3: Poster
Kumatha ng poster sa isang bondpaper tungkol sa “Iyong ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay”. Ilakip ang iyong gawa kung isusumite ang work sheet na ito.

33

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 4: Pagsasabuhay
Ngayon naman ay isulat mo ang iyong mithiin sa buhay sa loob ng biloghaba. Ilagay mo kung
ito ba ay pangmadalian o pangmatagalan.

Ang aking mga mithiin sa buhay


1. 3.

2. 4.

5.

3
Gawain 5: Pagbubuod

1. Mula sa gawain 1-4, ano ang masasabi mo sa iyong sarili?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na suriin ang mga sumusunod:


a. Mga pagpapahalaga mo sa buhay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b. Mga naging kontribusyon mo sa iyong pamilya, paaralan, pamayanan at
simbahan
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
b. Mga mithiin sa buhay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyong pagpapasya? Ipaliwanag.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong


5 points – Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi . Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points – Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 point – May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points – Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point – Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot.

34

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Rubrik para sa Gawain ng Pagkakatuto
4 3 2 1

May malinaw na Ang dokumentaryo Karamihan ng mga Ang paksa sa hindi


layunin o tema. Ang ay tumutugon sa bahagi ng malinaw sa kabuuan
lahat ng bahagi ng paksa ngunit hindi dokumentaryo ay ng dokyumentaryo
dokumentaryo ay malinaw ang layunin may sinasabing
may sinasabing o tema makabuluhan
makabuluhan tungkol sa paksa Mas malaking
tungkol sa layunin o bahaging
tema dokumentaryo ang
hindi ayon sa paksa

Nalakipan ng Nalakipan ng May tangka na Hindi nalakipan ng


angkop at angkop na kaalaman maglakip ng angkop sapat na
makabuluhang mula sa at makabuluhang impormasyon upang
kaalaman mula sa pagsasaliksik sa kaalaman mula sa suportahan at
pagsasaliksik na sumusuporta at pagsasaliksik upang ipaliwanag ang
sumusuporta at nagpapaliwanag sa suportahan at pangunahing ideya
nagpapaliwanag sa pangunahing ideya ipaliwanag ang
pangunahing ideya pangunahing ideya
ngunit hindi sapat
upang suportahan o
maipaliwanag ang
pangunahing ideya

Mayroong hindi Mayroong ilang Mayroong ilang Walang hindi


pangkaraniwang hindi hindi pangkaraniwang
nilalaman na pangkaraniwang pangkaraniwang nilalaman na
nakapupukaw ng nilalaman na nilalaman ngunit nakapupukaw ng
interes ng mga nakapupukaw ng hindi napupukaw interes ng mga
manonood at interes ng mga ang interes ng mga manonood at hindi
nakadaragdag sa manonood at manonood at hindi kaugnay ng paksa
kabuluhan ng nakaugnay sa paksa nakaugnay sa paksa
dokumentaryo

Ang dokumentaryo Ang dokumentaryo Ang dokumentaryo Ang dokumentaryo


ay: ay: ay walang malinaw ay walang maayos
= nagsimula sa = nagsimula sa na panimula o na panimula,
pagpapakilala ng pagpapakilala sa patapos at ang mga panapos at kaayusan
paksa sa pamaraang paksa impormasyon ay
kawili-wili hindi lohikal na
=nagbubuo sa naayos
= lohikal na impormasyon
nakaayos upang
maayos na mabuo ng

35

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


manonood ang paksa =nagtatapos sa isang
o konsepto pangwakas na
= nagwawakas sa salaysay
pamamaraang nag-
iiwan sa mga
manood ng kawili-
wiling ideya ukol sa
paksa na napanatili
ang kanilang isip

Kraytirya sa paggawa ng Poster


Mensahe ______________________________ 10 puntos
Organisasyon __________________________ 5 puntos
Pagkamalikhain _________________________ 5 puntos
Total__________________________________ 20 puntos

Pagbubulay (Repleksiyon):
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa mga napag-aralan sa araling ito at mga
gawaing inihanda at natapos mong sagutin.
Sa araling ito natutuhan ko na _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________.
Bilang isang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 115-119
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet)
Mga Sanggunian:
Rick Warren, The Purpose of Driven Life
Carol Adrienne, The Purpose of Your Experiential Guide
Stephen Covey, Seven Habits of Highly Effective People
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Material
Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga / Module 10: Ang Misyon ko sa Buhay

36

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


MGA WEBSITE
http://www.e-turo.org/?q=node/1129
http://www.wikihow.com/Write-a-Personal-Mission-Statement
https://www.stephencovey.com/mission-statements.php
www.wikihow.com/write-aPersonalMissionsatatement
www./evoleague.com/articles/career-advice/personal-mission-statement-three-
easy-stepsdefining-creating
Susi ng Pagwawasto:
Gawain 1: Mission Possible
(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)
Gawain 2: Pinagpasyahan
(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)
Gawain 3: Poster
(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng marka para sa poster)
Gawain 4: Pagsasabuhay
Ngayon naman ay isulat mo ang iyong mithiin sa buhay sa loob ng biloghaba. Ilagay mo kung ito ba
ay pangmadalian o pangmatagalan.

1. Ang aking mithiin sa buhay ay


maging isang mabuting guro at
magulang sa magiging anak ko

Gawain 5: Pagbubuod
(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)

Inihanda ni:
MARICON M. SEVILLA
May-akda

37

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan – MELC 7-8
Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na
nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at
kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat(EsP9PK-IVd-14.3)
Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ngMisyon sa Buhay (EsP9PK-IVc-14.1)

38

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Panimula (Susing Konsepto)

Alam mo ba ang direksiyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo na ba sa iyong sarili


kung saan ka patungo? Sa iyong palagay, alam ba ng taong iyan ang tamang direksiyon na
kaniyang tatahakin? Paano kaya kung siya ay magkamali at maligaw sa ninanais niyang
puntahan? Ano kaya ang maaaring mangyari sa kaniya? Ano kaya ang maaari niyang
hantungan? Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na
makatutulong sa kaniyang na makamit ang kaniyang layunin sa buhay. Balikan natin ang iyong
napag-aralan noong ikaw ay nasa Baitang 7 pa lamang, tinalakay ninyo ang tungkol sa tamang
pagpapasya. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao.
Kaya sa tuwing nagpapasya, kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging
sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapuwa at sa lipunan. Sa
pagpapasya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos siyang
mahihirapan sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa kaniya. Ito ang nagsisilbing
kasangkapan niya upang marating niya ang kaniyang nais puntahan. Gayundin ang tao,
kailangan niya ng gabay sa pagpapasya upang hindi siya magkamali; nang sa gayon,
magkaroon ng tamang direksiyon sa pagkamit ng mga layunin. Bakit nga ba mahalaga na
magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao? Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon,
ikaw ay nasa kritikal na yugto ng buhay. Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa
iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyo
upang higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa kahalagahan ng pagbuo ng Personal na
Misyon sa Buhay, Tara na! Sasamahan kita upang maunawaan ang babasahin, pagnilayan ang
babasahin, gagawin na mga pagpapasya. Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa
iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo; halimbawa ng iyong magulang, kaibigan, o
ng media. Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong TUNGUHIN sapagkat kung
hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na lamang sumunod sa idinidikta ng iba sa mga
bagay na iyong gagawin.

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay. Marahil


tinatanong mo ang iyong sarili sa ngayon kung paano mo ito gagawin o sisimulan. Alam ko na
pamilyar ka na rito sapagkat natalakay na ito ng iyong guro sa ikaapat na bahagi ng iyong
39

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


modyul noong nasa Baitang 7 ka pa lamang. Naalala mo pa ba ng tawag dito? Ito ay ang
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal Mission Statement).
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? Ito ay katulad ng isang
personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang
iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.
Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang
iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa
pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa
buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at
pagbabalik-tanaw. Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of
Highly Effective People “Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay
malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa
iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong
katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa
hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang
bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang paggawa
ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng
pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay
magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat
mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya.
Ikaw, natukoy mo na ba ang iyong mga pinahahalagahan sa iyong buhay?
Ano-ano ang mga ito?
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon
sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong
katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong
ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na
pagpapasya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan
nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at
panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng
personal na misyon sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang
layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa
kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na
iyong tatahakin. Ang pagsulat ng personal na misyon sa buhay ay hindi madalian o nabubuo
lamang sa ilang oras. Ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na oras/panahon at
bigyan mo ng buong sarili sa iyong ginagawa. Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ang magiging
saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o
iisipin ay nakabatay na rito.
Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay, ito dapat ay nakatuon sa kung ano ang
nais mo na mangyari sa mga taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay
gamit ito. Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting personal na misyon sa
buhay, mabuti na ito ay magsimula na alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay.
40

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


“All of us are creators of our own destiny”Halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan, komunidad,
at iba pa. Ito ay dahil ang sentro ng buhay mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay,
karunungan at kapangyarihan. Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o
mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari
sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak
niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang kataga, “All of us are creators of
our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan.
Napakaganda, hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat
anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong
buhay. Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga
katanungang:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay
kung ito ay:
1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang
isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang
natatanging nilikha
3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba
pang dapat gampanan
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba
Kung ang isang tao ay mayroong personal na misyon sa buhay, mas malaki ang
posibilidad na magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang
panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo na ikaw
bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay. Anuman ito ay dapat mong
pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano mo ito sisimulan at gagawin. Mula rito,
kailangang maging malinaw sa iyo ang iyong pag-iral: ikaw ay mayroong misyon na dapat
gampanan. Ano nga ba ang misyon? Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na
magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o
tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay. At dahil iba-iba ang tao, iba-iba rin ang
kanilang misyon. Maaaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapuwa, paaralan, simbahan,
lipunan o sa trabaho o gawain na iyong ginagawa. Kung kaya’t mahalaga na
ngayon pa lamang ay makabuo ka ng iyong personal na misyon sa buhay upang mula rito ay
makita mo o masalamin kung saan ka patungo.
Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa
salitang Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat tao
ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin. Ito ay mahalaga sa
pagpili mo ng propesyong akademiko, teknikal-bokasyonal, isports at sining pagkatapos mo
ng Senior High School.
May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Mahalaga na ito ay iyong mabatid

41

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


sapagkat sa anumang propesyon na iyong tatahakin, kailangan na makita mo ang kaibahan nito
at kung paano mo ito iuugnay sa iyong buhay.
Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta
ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito. Ito ay
maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang pinagkukunan
niyang kaniyang ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang nakatuon ng kaniyang paggawa
hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.
Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon subalit nagiging mas kawili-wili ang
paggawa para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga
talento at hilig sa kaniyang ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot. Hindi
nagiging kumpleto ang araw sa kaniya kung hindi ito magagawa sapagkat ito ang
nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang buhay. Mula rito ay hindi na lamang simpleng
trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging isang bokasyon. Dito tunay na
nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at
kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.

Narito naman ang halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ng isang mag-aaral.
Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrumento sa pagpapahayag
ng pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga salita at karunungan sa
lahat, lalo na sa mga kabataan, maliliit na bata at mga tinedyer sa pamamagitan ng pag-
aaral ng mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos
sa lahat ng aking ginagawa.
Sa paggawa nito isaalang-alang ang kraytiryang SMART, ibig sabihin, Specific,
Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound. Ito ay mahalaga upang maging kongkreto sa
iyo ang iyong tatahakin sa iyong buhay.

Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isusulat mo rito ay ispisipiko . Kung kaya’t mahalaga
na ikaw ay magnilay upang makita mo ang nais mong tahakin. Hindi makatutulong sa iyo kung
pabago-bago ka ng iyong nais. Kailangan mong siguraduhin ang iyong gagawin.
Nasusukat (Measurable). Nasusukat mo ba ang iyong kakayahan? Kailangan na ang isusulat
mo sa iyong personal na pahayag ng misyon ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat mo
rin na pagnilayang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga kakayanan bilang isang tao
sapagkat kung hindi ay hindi mo rin ito mabibigyan ng katuparan.
Naaabot (Attainable). Kailangan na itanong mo sa iyong sarili na ang personal na pahayag ng
misyon ko ba sa buhay ay makatotohanan? Ito ba ay kaya kong abutin o kaya ko ba itong
gawin? Ito ba ay mapanghamon?
Angkop (Relevant). Ito ba ay angkop para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa?
Isa ito sa kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangan na ituon mo ang iyong isip
na ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba.
Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras
kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang magsasabi kung ang personal na
pahayag ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o hindi. Kailangan din na itakda ito kung
pangmatagalan o pangmadalian lamang upang maging gabay mo ito sa iyong mga pagpaplano
at pagpapasiyang gagawin.
42

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Kasanayang Pampagkatuto at Koda
• Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na
nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at
kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat(EsP9PK-IVd-14.3)

• Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ngMisyon sa Buhay (EsP9PK-IVc-14.1)

Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat ihinandang gawain.

43

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 1: Panimulang Gawain
Isulat ang kasagutan sa graphic organizer sa ibaba.

lhjppp

Bakit mahalaga ang


pagbuo ng Personal
na Pahayag ng
Misyon sa Buhay?

Gawain 2: Ganito Ako Dapat


Halimbawa ay magdiriwang ka ng ika-50 kaarawan. Marami kang inimbitahang bisita. Sa
bahagi ng programa ay nasorpresa ka sapagkat ang mga kakilala, kapamilya at kaibigan mo na
naroon ay magbibigay pala sila sa iyo ng isang parangal. Isa-isang magsasalita tungkol sa iyo
• Ano kaya ang maaalala nila na ginawa mo?
• Ano kaya ang sasabihin nila tungkol sa iyo?
• Ano-ano kayang mga katangian ang maaalala nila sa iyo?
Punan ang kolum sa ibaba.
Mga Magsasalita Ano ang gusto mong sabihin nila sa iyo?
1. Pamilya
2. Kaibigan

3. Dating kamag-aaral

4. Kapitbahay

5. Dating kasama sa trabaho

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Batay sa isinagawang gawain, ano ang iyong naramdaman habang gumagawa nito?

44

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bilang isang anak, mag-aaral, kaibigan, ano-ano ang mga bagay na gusto mo pang
mangyari sa iyong buhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 3:Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Ito ay dapat nagtataglay ng S.M.A.R.T.
Punan ang kolum sa ibaba

Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/Panahon

1.Pananalig sa Diyos

2. Pag-aaral ng mabuti

3. Pagtulong sa Kapwa

4. Paglilingkod sa Paaralan

5. Pagtulong sa Pamayanan

45

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 4: The Journey
Pakinggan basahin o awitin at pagnilayan ang awiting “The Journey”
ni Lea Salonga. Maaaring sumabay o makinig habang nakapikit ang mga mata.

I have been to sorrow


I have been to bliss
THE JOURNEY Where I'll be tomorrow,
Half the world is sleeping, I can only guess
half the world's awake Through the darkest desert
half can hear their hearts beat Through the deepest snow,
half just hear them break Forward always forward, I go...
I am but a traveler, in most every way Refrain…
Ask me what you want...to know When they're shining on my life
Refrain… I can see a better day
What a journey it has been I won't let the darkness in,
And the end is not in sight what a journey it has been...
But the stars are out tonight Forward, always forward...
and they're bound to guide my way Onward, always up...
When they're shining on my life Catching every drop of hope
I can see a better day In my empty cup
I won't let the darkness in, Refrain…
what a journey it has been. When they're shining on my life
I can see a better day
I won't let the darkness in,
what a journey it has been...
What a journey it has been ...

1. Ano ang mensahe ng awitin?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ano ang inyong naramdaman habang pinakikinggan ang awitin?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 5: Panghuling Pagtataya


Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat
bilang.
Isulat ang mga sagot sa patlang bago ang bilang.

Paunang Pagtataya
1. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
a. Ito ang batayan ng tao sa kanyang pagpapasya.
b. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyarisa iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.

2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.


a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan
46

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema kung
ito ay babaguhin pa.

3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:
a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian.
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala niya ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa.

4. Ito ay hangarin sa buhay ng isang tao na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan.


a. Misyon
b. Bokasyon
c. Propesyon
d. Tamang Direksyon

5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.


a. Bokasyon
b. Misyon
c. Tamang Direksyon
d. Propesyon

6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?


a. sarili, simbahan at lipunan
b. kapwa, lipunan, at paaralan
c. paaralan, kapwa at lipunan
d. sarili, kapwa at lipunan

7. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay


maliban sa:
a. Suriin ang iyong ugali at katangian
b. Sukatin ang mga kakayahan
c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
d. Tipunin ang mga impormasyon

8. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa Buhay, kinakailangang ito ay gamitan mo ng


SMART. Ano ang kahulugan nito?
a. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
9. Bakit mahalagang magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?
a. upang siya ay hindi maligaw
b. upang matanaw niya ang hinaharap
c. upang mayroon siyang gabay
d. upang magkaroon siya ng kasiyahan

10. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at
47

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


kapwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
a. kapayapaan
b. kaligtasan
c. kaligayahan
d. kabutihan

Pagbubulay (Repleksiyon):
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa mga napag-aralan sa araling ito at mga gawain
inihanda at natapos mong sagutan
Sa araling ito natutuhan ko na _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________.

Bilang isang mag-aaral,


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 115-119
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet)
Mga Sanggunian:
Rick Warren, The Purpose of Driven Life
Carol Adrienne, The Purpose of Your Experiential Guide
Stephen Covey, Seven Habits of Highly Effective People
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Material
Project EASE Edukasyon sa Pagpapahalaga / Module 10: Ang Misyon ko sa Buhay

MGA WEBSITE
http://www.e-turo.org/?q=node/1129
http://www.wikihow.com/Write-a-Personal-Mission-Statement
https://www.stephencovey.com/mission-statements.php
www.wikihow.com/write-aPersonalMissionsatatement
www./evoleague.com/articles/career-advice/personal-mission-statement-three-
easy-stepsdefining-creating

48

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Susi ng Pagwawasto
Gawain 1: Panimula
Isulat ang kasagutan sa graphic organizer sa ibaba.
magsisilbi
ng gabay
at
direksiyon
tungo sa
mabuting
bukas

Bakit mahalaga ang


pagbuo ng Personal
na Pahayag ng
Misyon sa Buhay?

(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)

Gawain 2: Ganito Ako Dapat


Halimbawa ay magdiriwang ng kanilang ika-50 kaarawan. Marami silang inimbitahang
bisita. Sa bahagi ng programa ay nasorpresa sila sapagkat ang mga kakilala, kapamilya at
kaibigan mo na naroon ay magbibigay pala sa sila sa iyo ng isang parangal. Isa-isang
magsasalita tungkol sa iyo
• Ano kaya ang maaalala nila na ginawa mo?
• Ano kaya ang sasabihin nila tungkol sa iyo?
• Ano-ano kayang mga katangian ang maaalala nila sa iyo?
Punan ang kolum sa ibaba.
Mga Magsasalita Ano ang gusto mong sabihin nila sa iyo?
1. Pamilya Napakabuting ina sa pamilya

2. Kaibigan Tunay na kaibigan

3. Dating kamag-aaral Matulungin na kamag-aral

4. Kapitbahay Madaling lapitan na kapitbahay

49

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


5. Dating kasama sa trabaho Masipag at mahal niya ang kanyang sa
trabaho

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)

Gawain 3: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Ito ay dapat nagtataglay ng S.M.A.R.T.
Punan ang kolum sa ibaba.
(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)
Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/Panahon

1.Pananalig sa Diyos Makibahagi sa mga gawain • araw-araw


• tuwing Linggo
• Sabado at Linggo

2. Pag-aaral ng mabuti

3.Pagtulong sa Kapwa

4.Paglilingkod sa Paaralan

5. Pagtulong sa Pamayanan

50

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.


Gawain 4:The Journey
Pakingga basahin o awitin at pagnilayan ang awiting “The Journey” ni Lea Salonga. Maaaring
sumabay o makinig habang nakapikit ang mga mata.

Sagutin ang mga tanong


1. Ano ang mensahe ng awitin?
2. Ano ang inyong naramdaman habang pinakikinggan ang awitin?
(Gagamitin ng guro ang Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong)

Gawain 5:Panghuling Pagtataya


Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang.
Isulat ang mga sagot sa patlang bago ang tambilang.

1. d 6.a
2. c 7.c
3. a 8.b
4. c 9.c
5. a 10.d

Inihanda ni:
MARICON M. SEVILLA
May-akda

51

Note: Practice Personal Hygiene and Health Protocols at all times.

You might also like