AP 10 Q2 Week 3 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

1|P age

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nagiisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2|P age
Aralin Globalisasyon at Isyu sa Paggawa

I. ALAMIN NATIN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi


at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang
mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng


pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakakaapekto sa kanilang
pamumuhay.

Most Essential Learning Competencies:


Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa
bansa.

PAKSA:
GLOBALISASYON AT ISYU SA PAGGAWA

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga umusunod:


1. Nakikilala ang mga suliranin at kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.
2. Nabigyang-halaga ang pagpapaunlad ng mga kakayahan at kasanayan ng
manggagawang Pilipino.
3. Natutukoy ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon ng suliranin ng
mga manggagawa.

II. SUBUKIN NATIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot
1. Tumutukoy sa ibang tao o grupo ng mga tao na gumagawa ng gawain sa isang
takdang panahon.

A. Mamumuhunan B. Manggagawa
3|P age
C. Jeepney Driver D. Kontraktor

2. Ano ang dahilan ng job mismatch?


A. Dumadami ang mga manggagawang naghahanap ng trabaho.
B. Sa pagbukas ng bansa sa globalisasyon ay nagbago ang mga kasanyan
na kakailanganin ng mga dayuhang kompanya.
C. Maraming kompanya ang nagbukas ng trabaho.
D. Maraming manggagawa ang hindi tapos ng kolehiyo.

3. Ito ay sektor ng paggawa na may pinakamalaking bahagdan ng manggagawa.


Tinuturing sila na tagapaghatid ng serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan

A. Agrikultura C. Serbisyo
B. Industriya D. DOLE

4. Inilalarawan ang underemployment sa sitwasyon kung saan:


A. Ang manggagawa ay sustenableng trabaho.
B. Ang manggagawa ay may trabaho ngunit hindi tugma o mas mababa ang
kaniyang sahod sa kaniyang kakayahan.
C. Ang manggagawa ay naghihintay ng mapapasukang trabaho.
D. Ang manggagawa ay may kakayahang gampanan ang tungkuling iniatas
sa kaniya.

5. Ang manggagawa ay itinuturing unemployed kapag:


A. May sustenableng trabaho.
B. May kakayahang gampanan ang kaniyang tungkulin.
C. Naghihintay na may mapapasukang trabaho.
D. may trabaho ngunit mas mababa ang kaniyang sahod sa kaniyang
kakayahan.

6. Ayon sa DOLE 2016 isa sa mga haligi sa disente at marangal na paggawa ay


tumutukoy sa paglikha ng collective bargaining agreement kung saan laging bukas
ang pag-uusap sa pagitan ng manggagawa, pamahalaan at kompanya.
A. Social Dialogue Pillar
B. Employment Pillar
C. Social Proteksyon Pillar
D. Workers Right’s Pillar

7. Ang World Trade Organization (WTO) ay nagtakda ng mga kakayahang


kakailanganin ng mga namumuhunang kompanya alin ang hindi kabilang?
A. Communication Skills
B. Learning and Innovative Skills
C. Practical Knowledge and Skills of Work
D. Media and Technology Skills

8. Ang iskemang subcontracting ay nagdudulot sa isang manggagawa ng mga


sumusunod na mga suliranin maliban sa isa.
A. Mababang sahod
B. Flexible Labor
C. Seguridad sa trabaho

4|P age
D. Underemployed

9. Samut-saring suliranin ang dinaranas ng mga manggagawa sa sektor ng


agrikultura. Alin ang hindi kabilang.
A. Pagkonbert ng lupang sakahan upang patayuan ng subdivision.
B. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
C. Ang mga lokal na high class product ay nakalaan lamang sa ibang
bansa.
D. Sobra-sobra ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga
magsasaka.

10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sektor ng Industriya?


A. edukasyon, pangkalusugan, libangan
B. kontruksyon, enerhiya, pabrika
C. kagubatan, sakahan, palaisdaan
D. pagmamanupaktura, paghahayupan, komunikasyon

III. BALIKAN NATIN

Batay sa pagtalakay sa nakaraang paksa, magbigay ng sariling pakahulugan


sa mga sumusunod na salita.
1. Globalisasyon
2. Globalisasyong Pang-ekonomiko
3. Multinational Companies (MNC’s)
4. Offshoring
5. Nearshoringg

IV. TUKLASIN NATIN

WHAT I KNOW…..
Panuto: Isulat kung ano ang pagkaunawa sa mga sumusunod na konsepto.

1. ENDO 5. Underemployed
2. Mababang Sahod 6. DOLE
3. Kahirapan 7. Kontraktuwal
4. Unemployed

5|P age
Tunghayan ang larawan at sagutang pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1.Anu-ano ang mga suliranin ng mga manggagawa batay sa ipinapakita sa larawan?
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan tungkol sa kalagayan ng manggagawa sa
bansa?_____________________________________________________________
__________________________________________________________________.

V. TALAKAYIN NATIN

Kalagayan ng mga Manggagawa


sa Iba’t-Ibang Sektor

May kinalaman sa paggawa ng mga


A. Sektor ng Agrikultura pagkain at mga hilaw na mga
produkto na nagtutugon ng mga
pangangailangan ng mga tao.

6|P age
Agriculture,
Forestry
Hunting
Fishing

Pagproseso ng mga hilaw na


B. Sektor ng Industriya materyales upang gawing
isang panibagong
produkto

Mining and quarrying


Manufacturing
Electricity, gas, steam, and
airconditioning supply
Water supply, sewerage,
waste management,
and Remediation activities
Construction

Isang paglilingkod na dapat


gampanan upang maihatid ang
C. Sektor ng Serbisyo mga produkto sa bawat
mamamayan.

7|P age
Wholesale and retail trade; repair of motor
vehicle and motorcycles
Transportation and storage
Accommodation and food service activities
Information and communication
Financial and insurance activities
Real estate activities
Professional, scientific and technical
activities
Administrative and support service
activities
Public administration and defense;
compulsory social security
Education
Human health and social work activities
Arts, entertainment and recreation
Other service activities
Officials of government and special-interest
goods, corporate executives, managers,
managing proprietors, and supervisors
Professionals
Technicians and associate professionals
Clerks

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin mo mula sa mga larawan na ipinapakita sa tatlong sektor ng
manggagawa?
Agrikultura ______________________________________________________
_______________________________________________________________.
Industriya ______________________________________________________
_______________________________________________________________
Serbisyo _______________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Bakit mahalagang malaman ang kalagayan ng manggagawa sa iba’t- ibang sector
ng paggawa?

Panuto: Kumpletuhin ang mga letra sa kahon upang


mabuo ang mga salita.

sitwasyon kung saan ang


isang manggagawa ay
walang mapapasukang
trabaho o naghihintay ng
mapapasukang trabaho.
8|P age
ang isang manggagawa ay
maaring nagtatrabaho sa
pagawaan ng hindi tugma
sa antas ng kanyang
kasanayan at edukasyon.

Ang pagkontrata ng
kompanya (principal) ng isang
ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo
sa isang takdang panahon.

ang subcontractor ay walang


sapat na puhunan upang gawin
ang trabaho o serbisyo at ang
pinasok niyang manggagawa
ay may direktang kinalaman sa
mga gawain ng kompaya;

ang subcontrator ay may


sapat na puhunan para
maisagawa ang trabaho at
mga gawain ng mga
manggagawang ipinasok ng
subcontractor Wala silang
direktang kinalaman sa mga
.
gawain ng kompanya.

Ilan sa mga tugon ng pamahalaan


sa suliranin ng manggagawa sa
bansa

A. Patakaran ng
pamahalaan laban
sa pagpapakontrata

9|P age
B.
Globally
Standard
na
kakayahan
ng mga
manggaga
wa

Ang Haligi sa isang Disente at Marangal


na Paggawa
C.
(DOLE, 2016)

Ang apat na haligi sa isang disente at marangal na paggawa ay ang pagtitiyak na


mabigyan ng pantay na karapatan at maiangat ang kalagayan ng bawat
manggagawa. Maari mo bang ibigay ang iyong sariling pagkaunawa sa bawat
haliging isinasaad sa ibaba.

Employment ___________________________________
Pillar
___________________________________

10 | P a g e
Worker’s _______________________________________
Rights
Pillar _______________________________________

_________________________________
Social
_________________________________
Protection
Pillar

_______________________________________

_______________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Anu ano ang nagiging tugon ng mga ahensya ng pamahalaan sa paghahanap ng
solusyon sa suliranin ng manggagawa.
2. Bakit mahalaga ang pag-angkop ng mga kakayahan ng manggagawa sa ika- 21
na siglo (21st century skills)?
3. Paano mabigyan proteksyon ang mga manggagawa laban sa pang aabuso ng
kanilang pinagtatrabauhan?

VI. PAGYAMANIN NATIN

A. Punan ang Tsart


Sektor Suliranin Mungkahing Solusyon

Agrikultura

Industriya

11 | P a g e
Serbisyo

B. Gawain: Crossword Puzzle


1. 1.

2.

3.

2. 3.

4.
4.

Pahalang
1. Lakas paggawa kung saan ang kompanya ay kumukontrata ng isang ahensya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho sa isang takdang
panahon.
2. Ito ay may kinalaman sa pagproseso sa mga hilaw na materyales upang maging
isang panibagong produkto.
3. Ito ay may kinalaman sa pagpapalago, paggamit at paglinang ng mga bagay sa
ating kalikasan.
4. Isang kontrata kung saan ang pinasok na manggagawa ay may direktang
kinalaman sa gawain ng kompanya at ang contractor ay walang sapat na puhunan
upang gawin ang trabaho.

12 | P a g e
Patayo
1. Isang sitwasyon kung saan ang kasanayan at kakayahan ay isang manggagawa
ay hindi tumutugma sa pinapasukang trabaho.
2. . Isang kontrata kung saan ang manggagawa ay walang direktang kinalaman sa
Gawain ng kompanya at ang subcontractor ay may sapat na puhunan sa pagsagawa
ng gawain.
3. Ito ay isang paglilingkod na dapat gampanan upang maihatid ang mga produkto
sa bawat mamamayan.
4. Isang sitwasyon kung saan ang isang manggagawa ay walang mapapasukang
trabaho o maging naghihintay na trabaho.

VII. TANDAAN NATIN

 Ang pagbukas ng bansa sa globalisasyon ay nagbigay ng pagkakataon sa


mga dayuhang mamumuhunan na magtayo ng kanilang negosyo sa ating
bansa.
 Sa pagdagsa ng dayuhang negosyo sa bansa ay nakapagbukas ng
maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
 Nagdulot ng samut-saring suliranin sa mga manggagawang Pilipino ang pag
empleyo ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
 Mahalaga ang pag-angkop ng kasanayan ng manggagawa sa ika-21 na siglo
upang makasabay sa hamon ng globalisasyon sa paggawa.
 Kasabay sa pag-angat ng kalagayan ng manggagawa ang pag-unlad ng
ekonomiya.

VIII. ISABUHAY NATIN

Gumawa ng Islogan tungkol sa paksang tinalakay.

Rubrics para sa paggawa ng Islogan

Kaugnayan sa paksa Pagkamalikhain Nilalaman

May malaking kaugnayan Maganda at malinaw ang Ang mensahe ay mabisang

13 | P a g e
sa paksa -5 pagkasulat ng mga titik naipakita

May kaugnayan sa paksa -4 Maganda ngunit di gaanong Di gaanong naipakita ang


malinaw ang pagkasulat ng mensahe
mga titik

Kaunti ang kaugnayan sa Di maganda at di gaanong Medyo magulo ang


paksa – 3 malinaw ang pagkasulat ng mensahe
mga titik.

IX. TAYAHIN NATIN

Tanong:
Anu-ano ang maganda at hindi magandang naidulot ng globalisasyon sa mga
manggagawa sa bansa? Ipaliwanag. (10 pts)

IX. GAWIN NATIN

Panuto: tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.


Ayon sa Philippine Statistics Authority(PSA,2016) ang manggagawa ng bansa
ay nasa 63.4 milyon. Napapaloob na rito ang 2.7 milyon na unemployed at 7.4
milyon ang underemployed. Alin sa mga sitwasyon ang tumutukoy sa
unemployment o underemployment? Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_______________1. Si Mang Carlo ay isang tricycle driver na napatigil sa
pagpasada dahil sa Enhance Community Quarantin (ECQ). Pagkatapos ng ECQ ay
minabuti nyang magtinda ng fishball, kekiam at kwek kwek upang matustusan ang
kanilang araw araw na gastusin.
_______________2. Ayon sa ulat ng Inter Agency Task Force (IATF) halos 48,000
na mga OFW ang umuwi ng bansa dahil sa pandemic ng Covid 19.
_______________3. Isa si Rose sa mga OFW na umaasang makabalik kanyang
trabaho sa bansang Australia pagkatapos ng pandemic.
_______________4. Sa kahirapan ng buhay kinakailangang huminto sa pag-aaral si
Jessica upang magtrabaho sa opisina na pinapasukan ng kanyang ina. Ito ay upang
makadagdag ng kita na gagamiting pampagamot sa kanyang ama.

14 | P a g e
_______________5. Maituturing si Aling Juana na isa sa mga dakilang ina dahil sa
pag-asikaso nyang ng kanyang tatlong (3) anak na kung saan ang panganay
makapagtapos nang abogasya sa isang unibersidad sa Maynila. Madaling araw pa
lang ay kailangan nyang gumising upang maglinis ng bahay, makapapamalengke at
magluto ng almusal habang may nakasalang na labahin sa washing machine.
Kailangan din nyang turuan ang kanilang bunsong anak na nasa elementarya pa
lamang.
Ang job mismatch, Iskemang Subkontracting, at mura at flexible labor ay ilan
lamang sa suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa dulot ng
globalisasyon kung saan malayang pumasok sa bansa ang mga dayuhang
negosyo. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang inilalarawan ng mga
suliraning ito. Isulat ang JM kung ito ay job mismatch, IS kung ito ay iskemang
subcontracting at FL kung ito ay Flexible labor. Isulat ito sa patlang.

_______________6. Isa si Joanne sa nakapagtapos ng BS computer science sa


isang kolehiyo sa Cavite. Pagkatapos ng graduation ninais nito na maghanap ng
trabaho sa Maynila ngunit halos hindi sya pumasa sa mga interview. Kaya laking
tuwa nya ng pumasa sya sa isang interview at natanggap bilang isang call center
agent.
_______________7. Masaya si Melinda sa kanyang trabaho na kung saan isa sya
sa ngangasiwa ng mga manggagawa sa pagawaan ng barko sa Cebu. Abalang
abala sya tuwing araw ng sahod at pag aasikaso ng mga benepisyo ng kanyang
manggagawa. Madalas din syang nakikipag uganayan sa isang hapones na may ari
ng kompanya ng barko.
______________8. Batay sa pagtalakay ng kongreso sa usapin ng manggagawa ng
ABS CBN napag alaman na karamihan sa isinusulong ng mga tauhan nito ay ang
maging regular sa trabaho upang makamit ang mataas na sahod.
Sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) ang Social
Protection Pillar at Social Dialogue Pillar ay ilan lamang sa haligi ng disente at
marangal na paggawa. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan nito:
Isulat ang SPP kung ito ay Social Protection Pillar at SDP kung ito ay Social
Dialogue Pillar
______________9. Dumulog si Maria sa tanggapan ng department of labor and
employment (DOLE) dahil sa biglaang pangtanggal sa kanya sa pinapasukang
trabaho.
______________10. Laking tuwa ni Mario ng malaman nya na naging regular na sya
sa kanyang trabaho dahil magkakaroon din sya ng dagdag na benepisyo gaya ng
SSS, Philhealth at Pag-ibig.

15 | P a g e
SANGGUNIAN

Modyul ng pagkatuto Grade 10 pahina 187-219

Para sa mga larawan

 https://fineart.ha.com/itm/paintings/james-flora-american-1914-1998-globalization-fortune-magazine-cartoongouache-
and-ink-on-board22-x-1875/a/5245-71286.sand-ink-on-board22-x-1875/a/5245-71286.s
 https://www.google.com/search?q=mataas+na+sahod&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiyzKaou7rqAhXSBogKHfg
3DwEQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1517&bih=694#imgrc=9qOZ5q7yDefNUM
 https://www.google.com/search?q=influence+of+the+family&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjxu7KjvLrqAhWHyY
sBHSl2DXcQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1517&bih=694#imgrc=KVNp1EUSj0iL3M
 https://www.google.com/search?q=war&tbm=isch&ved=2ahUKEwiBgbOZvLrqAhXSx4sBHaOlBMQQ2cCegQIABAA&oq=war&gs
_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCx
AzIICAAQsQMQgwE6AggAOgQIABBDOgcIABCxAxBDUMnMDViO0A1gp9wNaABwAHgAgAHbAYgB3AOSAQUxLjEuMZgBAKABAao
BC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=ZRAEX8G6DtKPr7wPo8uSoAw&bih=694&biw=1517#imgrc=RUr7Pwxi6o5ZmM
 https://www.google.com/search?q=education&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjhfnCvrrqAhWSHHAKHQkDB8oQ
_AUoAXoECBkQAw&biw=1517&bih=694#imgrc=VjIZz24tAdYhBM
 www.canva.com

Development Team of the Module

Writers: GERMALYN T. CABICO


MARINA B. BIÑAS
Editor:
Content Evaluators: JOSEPH R. SOGUILON
FRENCEL T. PASCUA

Reviewers: JOSEPH R. SOGUILON


FRENCEL T. PASCUA
JENIFFER C. VERSOZA
ADELYNE T. PALAS
GINA D. BORJA
JENNIFER A. MANALO
MYRNA G. ALONZO
NELSON AGNAS

Layout Artist: ROBERT MARQUEZ VALERA


Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, OIC-SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, Asst. SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS- AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

16 | P a g e

You might also like