Umaga
Ang umaga ay panahon mula sikatan ng araw hanggang tanghali. Walang eksaktong oras para sa simula ng umaga (totoo rin para sa gabi) dahil nagkakaiba-iba ito ayon sa istilo ng pamumuhay ng isang tao at sa oras ng liwanag ng araw sa bawat oras ng isang taon.[1] Gayunman, nagwawakas ang umaga sa tanghali, kung kailan nagsisimula ang hapon. Maaaring ipaliwanag ang umaga bilang nagsisimula sa hatinggabi hanggang tanghali.
Nauuna ang umaga sa hapon at gabi sa isang araw.
Kahalagahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagbati
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ilang mga wika na gumagamit ng oras ng maghapon sa pagbabati ay may natatanging pagbati para sa umaga, tulad ng magandang umaga sa Tagalog. Nakadepende sa kultura o konsepto ng tagapagsalita sa umaga ang naaangkop na oras sa paggamit ng gayong mga pagbati, gaya kung magagamit ito sa pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway.[2] Hindi tiyak ang paggamit ng 'magandang umaga', kadalasang dumidepende kung kailan gumigising ang tao. Bilang pangkalahatang tuntunin, ginagamit ang ganitong pagbabati mula 3:00n.u. hanggang tanghali.
Mga aktibidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang kabilang sa mga gawain sa umaga ang pagliligo, pag-aalmusal at posibleng pagmemerienda, pagbibihis, at, para sa ilang tao pagpaplano ng iskedyul ng araw o pagbabasa ng pahayagan.
Kultural na paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Para sa ilan, maaaring tumukoy ang salitang umaga sa panahon karaka-raka matapos gumising anuman ang kasalukuyang oras ng maghapon. Itong makabagong diwa ng umaga ay dahil sa pandaigdigang paglaganap ng kuryente, at pagsasarili buhat sa mga likas na pinagmumulan ng liwanag.[3]
Talaangkanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang umaga ay maaaring maging panahon ng pinahusay o nabawasang enerhiya at produktibidad. Nakakaimpluwensiya sa kakayahan ng tao na gumising sa umaga ang hene na tinatawag na "PER3". May dalawang anyo itong hene, isang "mahaba" at isang "maikling" baryante. Waring nakakaapekto ito sa kagustuhan ng tao sa mga gumaga o gabi. Labis na kinakatawan ang mga taong nagtataglay ng mahabang baryante bilang mga taong mahilig sa umaga, habang kinakatawan naman ang mga taong nagtataglay ng maikling baryante bilang mga taong mahilig sa gabi.[4]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ang look ng Sorrento tuwing umaga
-
Hamog sa umaga
-
Lambak ng Yosemite sa umaga
-
Ang unang apurahang oras ng araw ay tuwing umaga, Londres, Abril 2012
-
Punong maple na may pulang dahon sa hamog ng umaga. Kanlurang Estonia
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Learner's Dictionary
- ↑ "Definition of good morning | Dictionary.com" [Kahulugan ng magandang umaga | Dictionary.com]. www.dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 31, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why some of us are early risers" [Bakit maagang nagbabangon ang ilan sa atin]. BBC News (sa wikang Ingles). London. Hunyo 17, 2003. Nakuha noong Enero 30, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gene determines sleep patterns" [Hene, nagpapasiya ng huwaran sa pagtulog]. BBC News (sa wikang Ingles). Marso 8, 2007. Nakuha noong Setyembre 9, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)