Trutsa
Ang trutsa, truta, trauta, trawta, trawt, o traut (Ingles: trout, Spanish: trucha) ay ang pangalan para sa isang bilang ng mga espesye ng mga isdang pangtubig-tabang na nasa henera o saring Oncorhynchus, Salmo at Salvelinus, lahat ng subpamilyang Salmoninae ng pamilyang Salmonidae. Ang salitang trutsa, at iba pang mga anyo nito, ay ginagamit din bilang bahagi ng pangalan ng ilang isdang hindi salmonid na katulad ng Cynoscion nebulosus, ang batik-batik na trutsang-dagat (Ingles: spotted seatrout o speckled trout).
Ang trutsa ay malapit na may kaugnayan sa salmon at tsar (tsaro, charr o char sa Ingles): ang espesye na kinatagaan bilang salmon at tsar ay nagaganap sa magkatulad na sari, gayon din ang trutsa (Oncorhynchus - salmon ng Pasipiko at trutsa, Salmo - salmon ng Atlantiko at sari-saring mga trutsa, Salvelinus - tsar at trutsa).
Karamihan sa mga trutsang katulad ng trutsang panglawa ay naninirahan sa mga lawang tubig-tabang at/o mga ilog lamang, habang mayroong ibang katulad ng trutsang bahaghari na naglalagi ng dalawa o tatlong mga taon sa dagat bago magbalik sa tubig-tabang upang magbinhi o mangitlog, isang nakagawian na mas pangkaraniwan sa salmon.
Ang trutsa ay isang mahalagang napagkukunan ng pagkain para sa mga tao at mga hayop na nasa kalikasan, kabilang na ang mga osong kayumanggi, mga ibong maninilang tulad ng mga agila, at iba pang mga hayop. Inuuri ang mga trutsa bilang mga isdang malangis.[1]
Mga espesye
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalang trutsa ay karaniwang ginagamit para sa ilang mga espesye sa loob ng tatlo ng pitong henus o sari na nasa loob ng subpamilyang Salmoninae: Salmo, espesye sa Atlantiko; Oncorhynchus, espesye sa Pasipiko; at Salvelinus, na kinabibilangan ng isda na paminsan-minsang tinatawag na tsar o tsaro. Ang mga isda na tinutukoy bilang trutsa ay kinasasamahan ng mga sumusunod:
- Saring Salmo
- Trutsang Adriyatiko, Salmo obtusirostris
- S. o. oxyrhynchus
- S. o. salonitana
- S. o. krkensis
- S. o. zetensis
- Salmo trutta
- Trutsang kayumanggi, S. t. morpha fario at S. t. morpha lacustris
- Trutsang pandagat, S. t. morpha trutta
- Trutsang sapad ang ulo, Salmo platycephalus
- Trutsang marmol, trutsa ng Ilog Soca o trutsang Soča – Salmo marmoratus
- Trutsang Ohrid, Salmo letnica, S. balcanicus (hindi na umiiral), S. lumi, at S. aphelios
- Trutsang Sevan, Salmo ischchan
- Bakhtak ng tagniyebe, S. i. ischchan
- Bakhtak ng tag-araw, S. i. aestivalis
- Gegharkuni, S. i. gegarkuni
- Bojak, S. i. danilewskii
- Trutsang Adriyatiko, Salmo obtusirostris
- Saring Oncorhynchus
- Trutsang biwa, Oncorhynchus masou rhodurus
- Trutsang hiwa ang lalamunan, Oncorhynchus clarki
- Pangbaybaying trutsang hiwa ang lalamunan, O. c. clarki
- Trutsang crescenti, O. c. crescenti
- Trutsang Alvord na hiwa ang lalamunan O. c. alvordensis (hindi na umiiral)
- Trutsang Bonneville na hiwa ang lalamunan O. c. utah
- Trutsang Humboldt na hiwa ang lalamunan O. c. spp.
- Trutsang Lahontan na hiwa ang lalamunan O. c. henshawi
- Trutsang Paiute na hiwa ang lalamunan O. c. seleniris
- Trutsa ng Ilog Ahas na pino ang batik, O. c. behnkei
- Trutsa ng Kanlurang libis na hiwa ang lalamunan O. c. lewisi
- Trutsang dilaw ang palaypay na hiwa ang lalamunan O. c. macdonaldi (hindi na umiiral)
- Trutsa ng Yellowstone na hiwa ang lalamunan O. c. bouvieri
- Trutsa ng Ilog Colorado na hiwa ang lalamunan O. c. pleuriticus
- Trutsang lunti ang likod na hiwa ang lalamunan O. c. stomias
- Trutsa ng Rio Grande na hiwa ang lalamunan O. c. virginalis
- Pangbaybaying trutsang hiwa ang lalamunan, O. c. clarki
- Oncorhynchus gilae
- Trutsang gila, O. g. gilae
- Trutsang Apache, O. g. apache
- Trutsang bahaghari, Oncorhynchus mykiss
- Trutsang bahaghari na Kamchatkan, Oncorhynchus mykiss mykiss
- Trutsa ng Ilog Columbia na may pulang paha, Oncorhynchus mykiss gairdnerii
- Trutsang bahaghari na pangbaybayin/trutsang ulong-asero, Oncorhynchus mykiss irideus
- Trutsang Beardslee, Oncorhynchus mykiss irideus var. beardsleei
- Trutsang may pulang paha ng Malaking Lunas, Oncorhynchus mykiss newberrii
- Ginintuang trutsa, Oncorhynchus mykiss aguabonita
- Trutsang bahaghari ng Kamloops, Oncorhynchus mykiss kamloops
- Trutsang bahaghari ng Baja California, trutsa ni Nelson, o trutsa ng San Pedro Martir, Oncorhynchus mykiss nelsoni
- Trutsa ng Lawa ng Agila, Oncorhynchus mykiss aquilarum
- May pulang paha ng Ilog McCloud, Oncorhynchus mykiss stonei
- May pulang ng Sapa o Ilat ng Sheepheaven, Oncorhynchus mykiss spp.
- Mehikanong Ginintuang Trutsa, Oncorhynchus chrysogaster (kinabibilangan ng kasingdami ng walong ibang mga espesye o mga subespesye, hindi pa pormal na napapangalanan)
- Saring Salvelinus (Tsar)
- Trutsang pangsapa, Salvelinus fontinalis
- Trutsang Aurora, S. f. timagamiensis
- Trutsang toro, Salvelinus confluentus
- Salvelinus malma
- Trutsang Dolly Varden, S. m. malma
- Silanganing Dolly Varden, S. m. krascheninnikova
- S. m. miyabei
- Trutsang panglawa, Salvelinus namaycush
- Trutsang pilak, † Salvelinus agassizi (hindi na umiiral)
- Trutsang pangsapa, Salvelinus fontinalis
- Mga haybrid
- Trutsang tigre, Salmo trutta X Salvelinus fontinalis
- Isplaka, Salvelinus namaycush X Salvelinus fontinalis
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "What's an oily fish?". Food Standards Agency. 2004-06-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-10. Nakuha noong 2012-06-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.