Pumunta sa nilalaman

Parkour

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang parkour (dinadaglat na PK) ay isang paraan ng pagsasanay na nakatuon sa makatuwiran o rasyunal na pagkilos kapwa sa kapaligirang likas at urbano. Ang tuon ay gumalaw sa paligid ng mga balakid na may katulinan, mabisa, at kapakipakinabang. Nilikha at napaunlad ito sa Pransiya ni David Belle, na ang pangunahing layunin ng disiplinang ito ay ang turuan ang mga nakikilahok na kumilos sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pagbiling (vaulting sa Ingles), paggulong, pagtakbo, pag-akyat, at pagtalon. Ang mga nagsasagawa ng parkour ay tinatawag na mga traceur (binibigkas na /tra-sur/). Nagsasanay sila upang mapag-alaman nila at maggamit ang panghalili at mas kapakipakinabang na mga daanan. Maaaring isagawa ang parkour saan mang lugar, subalit ang mga pook na siksik o puno ng masisikip na mga obstakulo ay nakapag-aalok ng maraming mga pagkakataon ng pagsasanay.

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.