Pumunta sa nilalaman

Pag-ampon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Sa tarangkahan ng monasteryo (Aleman: Am Klostertor) ni Ferdinand Georg Waldmüller ay isang dibuhong nagpapakita ng pagpapa-ampon ng isang bata sa ilalim ng pagkalinga ng dalawang mongheng mga pari.

Ang pag-ampon, pag-aampon, pag-aring-anak, ariing anak, o adopsiyon ay isang gawain ng pagkupkop at pagturing bilang tunay na anak sa isang batang ulila.[1][2][3] Kaugnay ng kahulugang pambatas, isa itong legal na hakbang o pamamaraang pumuputol sa legal na pagkakaugnay ng isang tao sa kanyang totoo at biyolohikal na mga magulang o mga "magulang sa dugo at laman", at nagpapalit o nagbibigay ng bagong mga magulang.[4] Sa Aklat ng Henesis (Henesis 30:3) ng Lumang Tipan ng Bibliya, inilalarawan ang pag-aampon ng anak o bata bilang "panganganak sa tuhod".[5] Sa pinalawak nitong kahulugan, ito ang paggamit ng isang tao ng hiniram na ideya o patakaran ng ibang tao o pangkat ng mga tao.[3] Tumutukoy din ang pag-aampon sa pagbibigay at paglalaan ng proteksiyon, pagtatanggol, pagpapatuloy, pagkakanlong, at pagkandili sa isang taong nangangailangan nito.[1]

Tinatawag na ampon, batang-ampon, anak na ampon, o putok sa buho ang isang batang inampon o sumailalim sa proseso ng adopsiyon. Samantala, tinatawag namang ampunan, bahay-ampunan, at asilo ang lugar na ginagamit bilang alagaan at kupkupan ng mga ulilang batang hindi naaampon ng bagong mga magulang. Tinatawag na tagaampon, taga-ampon, o tagapag-ampon, tagapagpala ang tao o mga taong umampon sa batang nangangailangan at naghahanap ng pagkalinga at pagmamahal ng isang magulang.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Ampon, pag-ampon, pag-aampon, ariing anak, at iba pa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 48.
  2. Blake, Matthew (2008). "Adoption". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Adoption Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Adoption, adopsiyon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Dobelis, Inge N. atbp (1994). "Adoption". Reader's Digest Legal Problem Solver, A Quick-and-Easy Action Guide to the Law. Reader's Digest, Reader's Digest Association, Inc., New York/Montreal, ISBN 0895775506.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 16.
  5. Abriol, Jose C. (2000). "Paliwanag ukol sa pariralang Manganak sa aking tuhod, Ang Ibang mga Anak ni Jacob". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 50.