Pumunta sa nilalaman

Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonica

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Tesalonika ay ang pangalawang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na isinulat ni Apostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Tesalonica o mga Tesalonisense. Kasama ng Unang Sulat sa mga taga-Tesalonika, tinatawag ang mga aklat na ito bilang Mga Sulat sa mga taga-Tesalonika. Ayon sa mga dalubhasa sa Bibliya, ang mga ito ang pinakauna sa mga naisulat na liham ni San Pablo, na naturang "Apostol ng mga Hentil".[1]

Petsa ng Pagkakasulat

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Modelo ng Ikalawang Templo sa Herusalem bago ito wasakin ng mga Romano noong CE.

Ang 2 Tesalonica ay isinulat bago mawasak ang Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Ayon sa (2:1-4), " Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail[a] na itinakda sa kapahamakan.[b] 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos." Ito ay reaksiyon sa palpak na hula ni Apostol Pablo sa 1 Tesalonica na ang (4:15), " Ito ang itinuturo ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: tayong mga nabubuhay pa natitira pa hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa mga namatay na."

Ito ay isang pekeng liham na ipinangalan lang kay Apostol Pablo.

Kasama ng unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Tesalonika, ang pangalawang sulat na ito ay nakatuon sa mga paksa ng suliraning teolohikal at moral na naganap sa Tesalonika (bilang paghahambing, ganitong mga paksa rin ang naging tuon sa Una at Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto).[2]

Ang ikalawang sulat na ito ay binubuo ng sumusunod na mga bahagi:[1]

  • A. Tungkol sa Paghatol ng Diyos (1, 1-12)[1]
  • B. Mga Tanda sa Ikalawang Pagparito ni Kristo (2, 1-17)[1]
  • C. Mga Tagubilin (3, 1-18)[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Sulat sa mga Tesalonicense". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1726.
  2. ""Pauline Epistles"". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible, tomo ng titik B, pahina 161.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]