Awit ng Tatlong Kabataan
Ang Awit ng Tatlong Kabataan[2] o Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata[1] (Ang Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Banal na Kabataan sa literal na pagsasalin mula sa Ingles) ay isang aklat na deuterokanonikong[1] naidagdag sa Aklat ni Daniel sa Lumang Tipan ng Bibliya. Nagmula ito sa saling Griyego at Sirio, na kapwa tiyak na nagbuhat sa orihinal na Arameo.[1] Iniligay ito sa pagitan ng Daniel 3:23 at Daniel 3:24, ang pagkakataon pagkaraang ipatapon ni Haring Nabucodonosor ang tatlong kabataan sa nagniningas na pugon.[2] Pangkaraniwan sa panitikang Apokripa na maging pangdagdag sa mga kakulangan ng mga "aklat na mapanghahawakan" o "aklat na mapaniniwalaan." Sapagkat hindi sinasaad sa Aklat ni Daniel kung ano ang kinahinatnan ng tatlong kabataan matapos na itapon sila sa nagbabagang pugon o hurno, mayroong manunulat na umakda ng salaysay na ito.[3] Ayon sa paliwanag ni Jose C. Abriol, may mga dalubhasang tumuturing na huwad o apokripo ang mga talata sa Aklat ni Daniel na magmula ika-24 na taludtod ng Kabanata 3 (pinamagatang Itinapon ang mga Kasama ni Daniel sa Hurno) hanggang sa Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata (binubuo ng taludtod bilang 25 hanggang 90).[4]
Mga bahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang aklat na ito ng ganitong mga pangkat:[2]
- Dalangin ni Azarias
- Paglalarawan sa nagniningas na pugon
- Ang awit ng tatlong kabataan
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Dalawa pang aklat na idinagdag sa Aklat ni Daniel matapos maisalin mula sa Griyego:[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata, pahina 1326". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Awit ng Tatlong Kabataan". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata, paliwanag sa pahina 1326". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Awit ng Tatlong Kabataan, mula sa AngBiblia.net