Pumunta sa nilalaman

Gitnang Luzon

Mga koordinado: 15°28′N 120°45′E / 15.47°N 120.75°E / 15.47; 120.75
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Central Luzon)
Gitnang Luzon

Rehiyong III
Look ng Baler
Simbahan ng Barasoain sa Bulacan
Bundok Pinatubo sa Zambales
Parte ng Sierra Madre sa Nueva Ecija =
Pamanang Distrito sa Pampanga
Paikot sa kanan mula sa itaas: Look ng Baler; Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan; bahagi ng Sierra Madre malapit sa Gabaldon, Nueva Ecija; Heritage District ng Angeles sa Pampanga; Bundok Pinatubo sa Zambales
Palayaw: 
Bangan ng Bigas ng Pilipinas[1]
Kinaroroonan sa Philippines
Kinaroroonan sa Philippines
Mga koordinado: 15°28′N 120°45′E / 15.47°N 120.75°E / 15.47; 120.75
Bansa Pilipinas
Pangkat ng puloLuzon
Regional centerSan Fernando (Pampanga)[2]
Lawak
 • Kabuuan22,014.63 km2 (8,499.90 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan12,422,172
 • Kapal560/km2 (1,500/milya kuwadrado)
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
 • HDI (2018)0.726[4]
high · Pang-apat
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng ISO 3166PH-03
Mga lalawigan
Malayang mga lungsod
Mga bayan116
Mga barangay3,102
Mga distritong oambatas20
Mga wika

Ang Gitnang Luzon (Kapampangan: Kalibudtarang Luzon, Pangasinan: Pegley na Luzon, Ilokano: Tengnga a Luzon, Ingles: Central Luzon), itinalagang Rehiyong III, ay isang administratibong rehiyon sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ibuo ang pitong mga lalawigan ng malawak na gitnang mga kapatagan ng pulo ng Luzon (ang pinakamalaking pulo), para sa layuning pampangasiwaan. Taglay ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary of the Philippines").[1] Ang mga lalawigang bumubuo rito ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.[5]

Ang kasalukuyang pangalan ng rehiyon tumutukoy sa lokasyon nito sa malaking pulo ng Luzon. Nagmula ang termino sa mga Amerikanong mananakop kasunod ng pagkatalo ng Unang Republika ng Pilipinas. May mga panukala para palitan sa "rehiyon ng Luzones" ang pangalan ng rehiyon. Ang ipinapanukalang pangalan ay isang pagtukoy sa dating pangalan ng pulo ng Luzon – Luções – na ginamit paglaon upang matukoy sa gitnang lugar ng pulo na umaabot mula Pagasinan sa hilaga hanggang Pampanga sa timog. Ang salitang Luções ay literal na nagngangahulugang Luzones.[6][7]

Matatagpuan ang rehiyon ng Gitnang Luzon sa hilaga ng Maynila, ang pambansang kabisera. Kahangga nito ay mga rehiyon ng Ilocos at Lambak ng Cagayan sa hilaga; Pambansang Punong Rehiyon, Calabarzon at mga katubigan ng Look ng Maynila sa timog; Dagat Timog Tsina (o Dagat Kanlurang Pilipinas) sa kanluran; at ang Dagat Pilipinas sa silangan.[8] Sa kasaysayan, kalinangan, at heograpiya, ang Pangasinan ay isang mahalagang bahagi ng rehiyon, ngunit ginawang pampolitika na bahagi ng rehiyon ng Ilocos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Hunyo 22, 1973.[9]

Ang Gitnang Luzon ay nag-aani ng pinakamaraming bigas sa buong bansa. Inihahatid at iniluluwas ang labis na bigas sa ibang mga rehiyon ng Pilipinas.

Ang lungsod ng San Fernando, na panlalawigang kabisera ng Pampanga, ay itinalagang sentro panrehiyon. Inilipat ang lalawigan ng Aurora sa rehiyon mula sa Rehiyong IV sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 noong Mayo 2002.[10]

Senso ng populasyon ng
Gitnang Luzon
TaonPop.±% p.a.
1990 6,338,590—    
2000 8,204,742+2.61%
2007 9,720,982+2.37%
2010 10,137,737+1.54%
2015 11,218,177+1.95%
Pinagmulan: PSA[11][12]

Ang katutubong mga wika ng Gitnang Luzon ay:

  • Kapampangan, sinasalita sa kabuoan ng Pampanga at katimugang Tarlac, gayon din sa timog-silangang Zambales, hilagang-silangang Bataan, kanlurang Bulacan, at timog-kanlurang Nueva Ecija.
  • Pangasinan, sinaslita sa hilagang Tarlac, hilagang-silangang Zambales, at hilagang-kanlurang Nueva Ecija.
  • Tagalog, sinasalita sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Bataan, and Zambales. Ito ang rehiyonal na lingua franca.
  • Iloko, sinasalita sa hilagang Nueva Ecija at sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales, at Aurora.
  • Sambal, ginagamit ng karamihan sa Zambales at sa ilang nakakalat na mga pook sa Bataan at Pampanga.

Walumpu't porsyento ng populasyon ng Gitnang Luzon ay Katoliko. Ang iba pang mga relihiyon na kumakatawan ay mga Protestante (kasama ang mga Evangelical), Islam, Iglesia Ni Cristo, at katutubong mga relihiyon tulad ng Anitismo. Mayroon din ibang mga denominasyon tulad ng Jesus Is Lord, Pentecostal Missionary Church of Christ, Ang Dating Daan, Jesus Miracle Crusade, Nagkakaisang Metodistang Simbahan at iba pa.

Mga pagkakahating administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapang Pampolitika ng Gitnang Luzon

Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng 7 mga lalawigan, 2 mataas na urbanisadong mga lungsod, 12 nakapaloob na mga lungsod, 116 mga bayan, at 3,102 mga barangay.[13]

Lalawigan or HUC Kabisera Wika Populasyon (2015)[12] Sukat[14] Kapal ng
populasyon
Mga lungsod Muni. Barangay
km2 sq mi /km2 /sq mi
Aurora Baler Casiguranin/Tagalog/Iloko 1.9% 214,336 3,147.32 1,215.19 68 180 0 8 151
Bataan Balanga Sambal/Kapampangan/Tagalog 6.8% 760,650 1,372.98 530.11 550 1,400 1 11 237
Bulacan Malolos Bulakenyong Tagalog/Kapampangan 29.3% 3,292,071 2,796.10 1,079.58 1,200 3,100 3 21 569
Nueva Ecija Palayan Bulakenyong Tagalog/Iloko 19.2% 2,151,461 5,751.33 2,220.60 370 960 5 27 849
Pampanga San Fernando Kapampangan/Bulakenyong Tagalog 19.6% 2,198,110 2,002.20 773.05 1,100 2,800 2 19 505
Tarlac Lungsod ng Tarlac Kapampangan/Iloko 12.2% 1,366,027 3,053.60 1,179.00 450 1,200 1 17 511
Zambales Iba Sambal/Iloko/Tagalog 5.3% 590,848 3,645.83 1,407.66 160 410 0 13 230
Angeles Kapampangan/Ingles 3.7% 411,634 60.27 23.27 6,800 18,000 33
Olongapo Tagalog/Sambal 2.1% 233,040 185.00 71.43 1,300 3,400 17
Kabuoan 11,218,177 22,014.63 8,499.90 510 1,300 14 116 3,102

 †  Ang Angeles at Olongapo ay mga matataas na urbanisadong lungsod; hiwalay ang mga pigura sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales.

May labing-apat na mga lungsod ang rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang San Jose del Monte ay may pinakamaraming populasyon habang pinakamatao naman ang Angeles. Batay sa lawak ng lupa ang Lungsod ng Tarlac ay ang pinakamalaki sa rehiyon.

  •  †  Sentrong panrehiyon
 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate
Ranggo Lalawigan Pop.
San Jose del Monte
San Jose del Monte
Angeles
Angeles
1 San Jose del Monte Bulacan 651,813 Tarlac City
Tarlac City
San Fernando
San Fernando
2 Angeles Pampanga 462,928
3 Tarlac City Tarlac 385,398
4 San Fernando Pampanga 354,666
5 Cabanatuan Nueva Ecija 327,325
6 Mabalacat Pampanga 293,244
7 Malolos Bulacan 261,189
8 Olongapo Zambales 260,317
9 Meycauayan Bulacan 225,673
10 San Jose Nueva Ecija 150,917

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Edenhofer, Ottmar; Wallacher, Johannes; Lotze-Campen, Hermann; Reder, Michael; Knopf, Brigitte; Müller, Johannes (Hunyo 25, 2012). Climate Change, Justice and Sustainability: Linking Climate and Development Policy (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. p. 206. ISBN 9789400745407.
  2. "DILG Region 3 - Regional Management". Department of the Interior and Local Government. Nakuha noong Mayo 29, 2016.
  3. "Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population (Region 3)". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 9, 2019. Nakuha noong Mayo 29, 2016.
  4. "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org. Nakuha noong Marso 13, 2020.
  5. "Central Luzon, Region III, Philippines". flagspot.net.
  6. http://opinion.inquirer.net/95645/change-name-will-good-philippines
  7. http://news.abs-cbn.com/news/06/13/17/should-the-philippines-be-renamed-historian-weighs-in
  8. "Region III, Central Luzon, Geographical Location". evis.net.ph.
  9. "Presidential Decree № 224". Nakuha noong Nobyembre 5, 2016.
  10. "Executive Order No. 103; Dividing Region IV into Region IV-A and Region IV-B, Transferring the Province of Aurora to Region III and for Other Purposes". Philippine Statistics Authority. May 17, 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong May 18, 2016. Nakuha noong March 29, 2016. SECTION 4. The Province of Aurora is hereby transferred to and shall form part of Region III.
  11. "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). 2010 Census and Housing Population. Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong September 28, 2013. Nakuha noong August 9, 2013.
  12. 12.0 12.1 12.2 Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  13. "List of Regions". National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2008. Nakuha noong Enero 9, 2011.
  14. "PSGC Interactive; List of Provinces". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2013. Nakuha noong Marso 29, 2016.
  15. "PSGC Interactive; List of Cities". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 29, 2011. Nakuha noong Marso 29, 2016.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Gitnang Luzon mula sa Wikivoyage