Pumunta sa nilalaman

Brachyura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga alimasag, alimango, o talangka
Liocarcinus vernalis
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Subpilo: Crustacea
Hati: Malacostraca
Orden: Decapoda
Suborden: Pleocyemata
Infraorden: Brachyura
Linnaeus, 1758
Mga super-pamilya

Ang mga alimasag, alimango, o talangka (Ingles: mga crab) ay mga krustasyanong dekapoda ng inpra-ordeng Brachyura, na karaniwang mayroong napakaikling "buntot" (Griyego: βραχύ / brachy = maiksi, ουρά/οura = buntot), o kung saan ang pinaliit na tiyan ay nakakubli ng buo sa ilalim ng toraks. Pangkaraniwan silang natatakpan ng isang makapal na eksoskeleton, at may panandatang isang pares ng mga sipit (chelae). 6,793 mga uri ang nakikilala.[1] Matatagpuan ang mga alimasag sa lahat ng mga karagatan ng mundo. Bilang karagdagab, marami ring mga alimasag sa tubig-tabang at sa lupa, partikular na sa mga rehiyong tropikal. Sari-sari ang sukat at laki ng mga alimasag, mula sa talangkang gisantes, na iilang mga milimentro lamang ang lapad, hanggang sa Hapones na gagambang alimasag, na may haba ng hitang umaabot sa 4 m.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Walters, Martin & Johnson, Jinny. The World of Animals. Bath, Somerset: Parragon, 2007.
  2. "Biggest, Smallest, Fastest, Deepest: Marine Animal Records". OceanLink. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-10-01. Nakuha noong 2006-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.