Pumunta sa nilalaman

AutoCAD

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang AutoCAD ay isang aplikasyon na pangsopwer para sa computer-aided design (CAD) o pagdidisenyong may pagtulong ng paggamit ng kompyuter at drafting o pagguhit na teknikal. Kapwa sinusuportahan ng sopwer ang mga pormato ng grapiks na 2D at 3D. Ang sopwer ay nilikha, pinaunlad at ipinagbibili ng Autodesk, Inc.,[1] na unang inilabas noong Disyembre 19982 ng Autodesk noong taon na kasunod ng pagkakabili ng unang uri ng sopwer ng tagapagtatag ng Autodesk na si John Walker. Ang AutoCAD ay ang pangunahing produkto ng Autodesk at sa pagsapit ng Marso 1986 ay naging pinakamalaganap na mikrokompyuter na programang pangdisenyo sa buong mundo, na gumagamit ng mga tungkuling katulad ng "polilinya" at "paglalagay ng kurba".[2] Bago sumapit ang pagpapakilala ng AutoCAD, karamihan sa iba pang mga programang CAD ay tumatakbo sa mainframe computer o mga minikompyuter, na ang bawat isang operador o tagagamit ng CAD ay nagtatrabaho na nasa isang terminal na panggrapiks o estasyong trabahuhan.[kailangan ng sanggunian]

Ayon sa impormasyong pangkompanya ng Autodesk, ang sopwer ng AutoCAD ay ginagamit na sa ngayon sa loob ng isang kasaklawan ng mga industriya, na ginagamit ng mga arkitekto, mga tagapamahala ng proyekto, at mga inhinyero, sa piling ng iba pang mga prupesyon, at magmula noong 1994 ay mayroon nang 750 mga sentro ng pagsasanay na nailunsad sa buong mundo upang mabigyan ng edukasyon ang mga tagagamit hinggil sa pangunahing mga produkto ng kompanya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Autodesk, Inc". FundingUniverse. Lendio. 2012. Nakuha noong 29 Marso 2012.
  2. "Part 2 CAD/CAM/CAE", 25 Year retrospective, Computer Graphics World, 2011, nakuha noong 29 Marso 2012 {{citation}}: |first= missing |last= (tulong)


Kompyuter Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.