Pumunta na sa main content

Mga aksyon sa content

Verification at pagpapatupad ng content

Layunin ng Booking.com na ipakita ang mga pinakabagong review mula sa aming travelers. Ito ang dahilan kung bakit mayroon kaming mabilis na turnaround sa pag-moderate ng aming content.

Ang mga sumusunod ang proseso ng pagsuri sa naipadalang reviews:

Ginagawa ng aming machine learning algorithms ang unang round ng pag-check — puwedeng accommodation reviews at photos ang mga ito na ibinahagi ng guests, mga reply na isinulat ng partners, o iba pang uri ng content. Mula sa sandaling makatanggap kami ng content, aabutin lang ng ilang segundo ang algorithm para ma-approve ang content. Kaya naman, ina-approve ng aming algorithms ang napakalaking bahagi ng content at pina-publish pagkaraan sa Booking.com.

Icon ng magnifying glass.

Idadaan sa aming team ng moderators ang content na hindi na-approve ng algorithms — kapag nakita ng aming algorithms ang posibleng paglabag ng content sa guidelines, ipapadala nito ang content sa aming moderators para ma-review pa lalo. Layon naming ma-review ang content sa loob ng limang business day at pagpasyahan sa loob ng time frame na iyon kung nababagay bang i-publish ito sa Booking.com.

Icon ng tanong ng traveler.

Pagkatapos i-publish ang review, puwede pa rin itong matanggal sa ibang date — nangyayari ito dahil araw-araw ang ginagawang pag-check ng algorithms ng machine learning.

Icon ng libreng cancellation.

Kapag na-approve, maa-access ang content gamit ang aming platform at apps. Kung makita ng aming moderators na lumalabag ang isa sa aming policies (kasama ang aming content standards at guidelines), hindi ito mapa-publish. Kapag tinanggal ang content, puwedeng iapela ang desisyon o puwedeng ipasa sa amin ang bagong version ng content.