Pumunta sa nilalaman

Wikang Klingon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang wikang Klingon o tlhIngan Hol /ˈt͡ɬɪ.ŋɑn xol/ ay isang wikang guni-guning sinasambit ng mga katauhang Klingon sa mga siyensiyang piksiyon ng prangkisang Star Trek. Nilikha itong bagay ni Marc Okrand na Amerikanong dalubwikang ang espesyalidad ay mga wikang Amerindiyo. Tinagurian din itong wikang Klingonese nang bigkas na /klɪ.ŋɒ.ˈniz/ (o kung itagalog ay Klingones nang bigkas na /klɪ.ŋo.ˈnɛs/). Iba ito sa wikang Klingonaase na dinebelop ni John M. Ford.[1] Sinasabi ng mga dalubhasa sa kathang-isip na sansinukob ng Star Trek na may iba pang mga diyalekto ang mga karakter na Klingon.[2] Ang sulat ng Klingon ay pIqaD kung tawagin.

ISO 639-3 tlh

Ilang mga halimbawa ng mga salitang Klingon ang mga sumusunod:[2]

  • Qapla' - isang pagbati, na nangangahulugang "tagumpay" {kaya ang Qapla'! ay: Magtagumpay ka!, Sumaiyo nawa ang tagumpay! o Makamit mo sana ang tagumpay!} (ginagamit katulad ng paggamit natin ng Mabuhay! at Maligayang pagdating!)
  • Qo'noS - ang pinakapangunahing tahanang-planeta ng mga Klingon
  • bat'leth (o betleH) - isang sandatang may apat na tabas ng talim, na ginagamit sa pamamagitan ng dalawang kamay
  • bekk (o beq) - isang ranggong pansundalo sa hukbong pansandatahan ng mga Klingon
  • Gre'thor (o ghe-tor) - ang impiyerno, na nararating ng mga Klingon na hindi naging marangal sa pakikipag-digmaan
  • jIH - isang salitang nangangahulugan ng "ako ay"
  • jeghpu'wI - mga sinakop na mamamayang hindi Klingon, higit pa ang kahulugan nito kung ikukumpara mula sa salita nating alipin
  • petaQ (o pahtk) - isang salitang nakakainsulto
  • Sto-Vo-Kor (o Suto'vo'kor) - ang paraiso, ang kabilang-buhay para sa mga mararangal na sundalong Klingon
  • raktajino (o ra'taj) - ang "kape" ng mga Klingon

May kawikaan (proverb) ang mga Klingon na: "Isang hangal lamang ang nakikidigma sa loob ng isang nasusunog na."

Sulat sa pIqaD

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pIqaD
Lating transkripsiyon Sulat na Klingon IPA
a /ɑ/
b /b/
ch /t͡ʃ/
D /ɖ/
e /ɛ/
gh /ɣ/
H /x/
I /ɪ/
j /d͡ʒ/
l /l/
m /m/
n /n/
ng /ŋ/
o /o/
p /pʰ/
q /qʰ/
Q /q͡χ/
r /r/
S /ʂ/
t /tʰ/
tlh /t͡ɬ/
u /u/
v /v/
w /w/
y /j/
ʼ /ʔ/

/IPA/

  Labyal Dental o Albeyolar Retropleks Post-albeyolar
o Palatal
Belar Ubular Glotal
Sentral Lateral
Plosib walang boses p /pʰ/ t /tʰ/       q /qʰ/ ' /ʔ/
maboses b /b/   D /ɖ/        
Aprikeyt walang boses   tlh /t͡ɬ/ ch /t͡ʃ/ Q /q͡χ/
maboses       j /d͡ʒ/      
Prikatib walang boses     S /ʂ/   H /x/    
maboses v /v/         gh 
/ɣ/
   
Nasal m /m/ n /n/   ng
/ŋ/
   
Tril   r /r/
/ɹ/
       
Aproksimant w /w/ l /l/   y /j/      

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ford, John M. The Final Reflection (1984).
  2. 2.0 2.1 DeCandido, Keith R.A. Star Trek, Klingon Empire, A Burning House, Pocket Books, Simon & Schuster, Inc., CBS Studios, Inc., New York, (2008), dahon 16, 391 hanggang 398, at iba pang mga pahina, ISBN 978-1-4165-5647-3 at ISBN 1-4165-5647-8

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]