Pumunta sa nilalaman

Vulgata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Codex Amiatinus na pinakamaagang umiiral na manuskrito ng halos kumpletong Bibliya ng berisyong Latinong Vulgata ni Jeronimo. Ito ay itinuturing na pinakatumpak na kopya ng teksto ni Jeronimo. Ito ay walang Aklat ni Baruch. Ito ay nilikha sa Kahariang Anglo-Saxon noong ca. ika-8 siglo CE.

Ang Vulgata o Vulgate ay isang salin ng Bibliya sa wikang Latin noong bandang huli ng ika-4 siglo CE. Ito ay malaking ginawa ni Jeronimo na kinomisyon ni Papa Damaso I noong 382 na gumawa ng isang rebisyon ng ng mga lumang saling Latin ng Bibliya. Noong ika-13 siglo CE, ang rebisyon ni Jeronimo ay nakilalang versio vulgata na "karaniwang ginagamit na salin" at sa huli ay naging depinitibo at opisyal na prinomulgang bersiyong Latin ng Bibliya sa Simbahang Katoliko Romano.[1]

Ang Vulgata ay isang halong teksto na hindi buong gawa ni Jeronimo. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod na bahagi:[2]

Si Jeronimo ay kinomisyon ng Obispo ng Roma na si Papa Damaso I noong 382 na baguhin ang tekstong Lumang Latin ng apat na ebanghelyo mula sa mga pinakamahusay na tekstong Griyego. Noong 385 CE, si Jeronimo ay pinatalsik sa Roma at kalaunang tumira sa Belen kung saan nagawa niyang gamitin ang isang umiiral na manuskrito ng Hexapla na malamang ay mula sa kalapit na Aklatang Teolohikal ng Caesarea Maritima na isang paghahambing sa kolumna sa mga bersiyon ng Lumang Tipan na isinagawa ng 150 taong bago nito ni Origen. Unang nagsagawa ng isang rebisyon si Jeronimo ng Mga Awit na isinalin mula sa binagong kolumnang Griyegong Septuagint ng Hexapla na kalaunang nakilala bilang bersiyong Galikano. Kanya ring isinagawa ang karagdagang bagong mga salin sa wikang Latin mula sa kolumnang Hexaplar na Septuagint para sa ibang mga aklat. Gayunpaman, mula 390 hanggang 405, nagsagawa ng bagong pagsasalin si Jeronimo mula sa Hebreo ng lahat ng 39 aklat ng Tanakh kabilang ang isang karagdagang bersiyon ng Mga Awit. Ang bagong saling ito ng mga Awit ay kanyang tinawag na iuxta Hebraeos(malapit sa mga Hebreo) at karaniwang matatagpuan sa Vulgata hanggang ito ay palitan ng bersiyong Galikano ng Mga Awit noong ika-9 siglo CE. Ang Vulgata ay karaniwang itinuturing na ang unang saling Latin na direktang mula sa Hebreong Lumang Tipan sa halip na sa Griyegong Septuagint. Gayunpaman, ang ektensibong paggamit ni Jeronimo ng mga materyal na eksehetikal na isinulat sa Griyego gayundin din ang paggamit sa mga kolumna ng Hexapla nina Aquila at Theodotion at ang medyo stilo paraprasis ng pagsasalin ay gumagawang mahirap na tukuyin kung gaanong kadirekta ang pagsasalin niya ng Hebreo sa Latin.[4][5][6] Bago ang pagsasalin ni Jeronimo ng berisyong Latin na Vulgata, ang lahat ng mga nakaraang saling Latin ng Bibliya ng Lumang Tipan ay bumase sa Griyegong Septuagint sa halip na sa Hebreo. Ang kanyang desisyon na direktang gumamit ng Hebreo sa halip na Septuagint ay sumalungat sa payo ng ibang karamihan ng mga Kristiyano kabilang si Augustino ng Hippo na naniwalang ang Septuagint ay kinasihan ng diyos. Gayunpaman, ang modernong skolarship ay nagdududa sa aktuwal na kalidad ng kaalamang Hebreo ni Jeronimo. Maraming mga modernong skolar ay naniniwalang ang Griyegong Hexapla ang pangunahing pinagkunan ni Jeronimo ng saling iuxta Hebreo ng Lumang Tipan. Habang kinukumpleto ni Jeronimo ang kanyang mga salin ng bawt aklat ng Bibliya, kanyang itinala ang kanyang mga obserbasyon at komento sa isang ekstensibong pagsagot sa ibang mga Kristiyano. Ang mga sulat na ito ay kalaunang tinipon at idinagdag bilang mga prologo sa Vulgata. Sa mga liham na ito, inilarawan ni Jeronimo ang mga aklat(deuterokanoniko) sa Septuagint na hindi matatagpuan sa kanon ng Hebreong Tanakh bilang apokripa.[7] Gayunpaman, ang mga pananaw ni Jeronimo ay hindi nanaig. Ang lahat ng mga kumpletong manuskrito at edisyon ng Vulgata ay kinabibilangan ng ilan o lahat ng mga aklat na ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. On the etymology of the noun (originally an adjective) vulgata
  2. Grammar of the Vulgate, W.E. Plater and H.J. White, Oxford at the Clarendon Press, 1926
  3. The Latin Versions of First Esdras, Harry Clinton York, The American Journal of Semitic Languages and Literatures, Vol. 26, No. 4 (Jul., 1910), pp. 253–302
  4. Some, following P. Nautin (1986) and perhaps E. Burstein (1971), suggest that Jerome may have been almost wholly dependent on Greek material for his interpretation of the Hebrew. A. Kamesar (1993), on the other hand, sees evidence that in some cases Jerome's knowledge of Hebrew exceeds that of his exegetes, implying a direct understanding of the Hebrew text.
  5. Pierre Nautin, article Hieronymus, in: Theologische Realenzyklopädie, Vol. 15, Walter de Gruyter, Berlin - New York 1986, p. 304-315, here p. 309-310.
  6. Jerome, Greek Scholarship, and the Hebrew Bible: A Study of the Quaestiones Hebraicae in Genesim by Adam Kamesar, Clarendon Press, Oxford, 1993, page 97. This work cites E. Burstein, La compétence en hébreu de saint Jérôme (Diss.), Poitiers 1971
  7. Prologues of Saint Jerome, Latin text