Pumunta sa nilalaman

Ispageti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Spaghetti)
Lutong ispageti na wala pang pampalasa.
Ispageti

Ang ispageti o espageti ay mahaba, manipis at silindrikong pasta na nagmula sa Italya.[1] Ito ay gawa sa harina at tubig. Ang Italian Dried ispageti ay gawa sa durum wheat, ngunit sa ibang bansa, ibang uri ng harina ang ginagamit sa paggawa nito. Noong una, 50 cm (o 20 ins) ang haba ng ispageti, ngunit umikli ito sa huling kalahati ng ika-20 siglo. Ngayon, ang ispageti ay karaniwang 25–30 cm (o 10–12 in) na lang. Nakabase sa haba ang magiging luto nito, mula sa ispageti na may keso at paminta o bawang at mantika hanggang sa ispageti na may kamatis, karne at iba pang sarsa.

Ang ispageti (spaghettti) ay halaw sa plural ng salitang Italyano na spaghetto (o maliit na spago), na ang ibig sabihin ay "manipis na tali".[1]

Ispageti

Sa kanluran, partikular sa katimugang bahagi ng Italy, unang ginawa ang mahaba at manipis na ispageti noong ika-12 siglo.[2] Nagsimulang sumikat ito sa buong Italy noong ika-19 siglo kung kailan itinatag ang mga pabrikang pagawaan nito, na nagbigay-daan sa pagkakaroon ng malawakang produksiyon nito sa merkado.[3] Sa Estados Unidos, ang ispageti ay nabili sa mga restawran bilang ispageti Italienne (noodles na babad na babad sa tubig at sinabawan ng tomato sauce) noong katapusan ng ika-19 siglo. Ilang dekada pagkatapos, ito ay inihanda na na may bawang at paminta.[4] Kalaunan, ang mga delatang ispageti, kasangkapan sa paggawa ng ispageti at ispageti na may meatballs ay naging tanyag sa U.S. kaya naging pikolete ang ispageti doon.[4]

Pinakukuluang ispageti

Sa isang palayok ng kumukulong tubig (5 litro para sa 2 katao) iniluluto ang pasta. Isa o dalawang minuto pagkatapos ilagay ito sa palayok, hinahaluan ito ng isa o dalawang kutsarang asin. Pagkatapos ng 10-15 minuto (depende sa nakatatak sa pakete nito), sinasala ang ispageti gamit ang salaan (o scolapasta sa Italian).


Klasikong ispageting Carbonara.

Isang simbolo ng Italian cuisine ang ispageti na madalas may tomato sauce at iba't-ibang mga herba katulad ng oregano at Balanoy, Olive Oil, karne, o gulay. Maaari itong ihanda na may Bolognese Sauce, Alfredo at Carbonara at nilalahugan ng ginadgad na keso, tulad ng Pecorino Romano, Parmesan at Asiago.

Ang tala para sa pinakamalaking mangkok ng ispageti ay nakamit noong Marso 2009 at nareset noong Marso 2010 nang pinuno ang isang palanguyan o swimming pool ng humigit 13,780 pounds (o 6,251 kg) ng ispageti sa isang restawran sa Garden Grove, Buca di Beppo, sa labas ng Los Angeles.[5]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 spaghetti. Dictionary.com. Dictionary.com Unabridged (v 1.1). Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/spaghetti (accessed: June 03, 2008).
  2. http://www.theatlantic.com/doc/198607/pasta
  3. Kate Whiteman, Jeni Wright and Angela Boggiano, The Italian Kitchen Bible, Hermes House, p.12-13
  4. 4.0 4.1 Levenstein, Harvey; in Carole M. Counihan (ed.) (2002). Food in the USA: A Reader. Routledge. pp. 77–89. ISBN 0-415-93232-7. {{cite book}}: |author2= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. KTLA News (12 Marso 2010). "Restaurant Sets World Record with Pool of Spaghetti". KTLA. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Marso 2012. Nakuha noong 22 Hunyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Padron:Pasta