Pumunta sa nilalaman

Pagdiin sa bangko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang lalaking nag-eehersisyo (nakahiga; nakalapat ang likod ng katawan sa bangko) na nagsasagawa ng ehersisyong pagdiriin sa bangko na may nagmamanmang taong "spotter".

Ang pagdiin sa (ibabaw ng) bangko, pagdiriin sa bangko, diin sa bangko, o pagdiin habang nakahiga sa bangko (Ingles: bench press, literal na "pagpiga [ng dibdib] sa bangko") ay isang uri ng ehersisyong pagsasanay na nagpapalakas. Habang nakahigang nakalapat ang likod ng katawan, ibinababa ng taong nagsasagawa ng pagdiriin sa bangko ang isang pabigat hanggang sa umabot sa antas ng dibdib, at pagkaraan ay itinutulak muling pabalik-paitaas ang pabigat hanggang sa tuwid na ang mga bisig at "nakakandado" o "nakaipit" na ang mga siko (o malapit na sa ganitong posisyon o puwesto). Tumutuon ang ehersisyong ito sa pagpapa-unlad ng masel na pectoralis major, pati na ang iba pang sumusuportang mga masel na katulad ng mga anteryor na deltoid, mga masel na serratus anterior, coracobrachialis, at mga tricep brachii. Isa ang pagdiriin sa bangko sa tatlong mga pag-aangat na kasama sa isport ng buhat-lakas at malawakang ginagamit sa pagsasanay na ginagamitan ng mga pabigat, paghuhubog ng katawan, at iba pang mga uri ng pagsasanay na pangkalusugan ng katawan upang mapaunlad ang dibdib.

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.