Irving Langmuir
Irving Langmuir | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Enero 1881
|
Kamatayan | 16 Agosto 1957
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Unibersidad ng Göttingen |
Trabaho | pisiko, kimiko, akademiko, meteorologo |
Si Irving Langmuir (31 Enero 1881 – 16 Agosto 1957) ay isang Amerikanong kimiko at pisiko. Ang kaniyang pinaka kilalang lathalain ay ang bantog na artikulo noong 1919 na "The Arrangement of Electrons in Atoms and Molecules" (Ang Pagkakaayos ng mga Elektron sa loob ng mga Atomo at ng mga Molekula), kung saan, habang bumabatay sa teoriya ng atomong kubikal ni Gilbert N. Lewis at sa teoriya ng pagsasanib na kimikal (chemical bonding) ni Walther Kossel, ibinalangkas niya ang kaniyang teoriyang konsentriko ng kayariang atomiko".[1] Nasangkot si Langmuir sa isang pangunahing pakikipagtalo kay Lewis hinggil sa kaniyang gawain; ang kasanayan ni Langmuir sa paglalarawan ay naging malaking dahilan para sa pagpapatanyag ng teoriya, bagaman ang kredito o pag-aangkin sa teoriya mismo ay talagang karamihan para kay Lewis.[2] Habang nasa kompanyang General Electric, mula 1909 hanggang 1950, pinasulong ni Langmuir ang ilang mga basikong mga larangan ng pisika at kimika, inimbento niya ang lamparang inkandesente na puno ng gas, ang tekniko ng pagwewelding na ginagamitan ng hidroheno, at nagantimpalaan siya ng Gantimpalang Nobel sa Kimika noong 1932 dahil sa kaniyang gawain sa surface chemistry (kimikang pang-ibabaw). Ang Langmuir Laboratory for Atmospheric Research (Laboratoryong Langmuir para sa Pananaliksik na Atmosperiko) na malapit sa Socorro, New Mexico, ay ipinangalan para sa kaniyang karangalan, pati na ang diyaryo o journal ng American Chemical Society para sa Surface Science, na tinawag na Langmuir.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Langmuir, I. (1919). "The Arrangement of Electrons in Atoms and Molecules", Journal of the American Chemical Society. Bol. 41, Blg. 6, 868.
- ↑ Patrick Coffey, Cathedrals of Science: The Personalities and Rivalries That Made Modern Chemistry, Oxford University Press, 2008: 134-146
- ↑ doi:10.1098/rsbm.1958.0015
This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand