Hunyango
Hunyango Chameleon | |
---|---|
Chamaeleonidae | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Reptilia |
Orden: | Squamata |
Suborden: | Iguania |
Klado: | Acrodonta |
Pamilya: | Chamaeleonidae Rafinesque, 1815 |
Genera | |
Native range of Chamaeleonidae |
Ang hunyango o hinyango[1] (Ingles: chameleon) ay isa sa mga higit na kilalang mga uri ng maliliit na mga butiking kabilang sa pamilyang Chamaeleonidae (mga iskwamata) na may kakayahang magbago ng kulay.[2] Sa katawagan nito sa Ingles, nanggaling ang salitang chameleon mula sa isina-Latinong (Latinisado) anyo ng Sinaunang Griyegong χαμαιλέων (khamaileon), mula sa χαμαί (khamai) "nasa lupa, nasa ibabaw ng lupa" at λέων (leon) "liyon", at bilang pagsasalin ng Akkadian na nēš qaqqari, "liyong panglupa" o "liyong-lupa".[3] Mayroon silang mga madirikit na mga dila na napapahaba hanggang sa dalawang ulit ng haba ng kanilang mga katawan, at ginagamit sa panghuli ng mga pagkain nilang mga kulisap. Napapagalaw nila sa magkaibang direksiyon ang bawat isa sa kanilang mga mata.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Hunyango, hinyango, chameleon". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ "Chameleon". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 44.
- ↑ "Chameleon", mula sa Dictionary.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.