Hasinto
Hasinto | |
---|---|
Hyacinthus orientalis, likas na tipo | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Orden: | Asparagales |
Pamilya: | Asparagaceae |
Subpamilya: | Scilloideae |
Sari: | Hyacinthus |
Species | |
Hyacinthus litwinowii |
Ang hasinto[1] (Kastila: jacinto; Ingles: hyacinth) ay anumang halamang nasa saring Hyacinthus, na mga mabulbong yerbang dating nakalagay sa pamilya ng mga liryo, ang Liliaceae, subalit kabilang ngayon sa tipong sari ng nakahiwalay na pamilyang Hyacinthaceae. Katutubo ang mga hasinto sa katimugang Mediteranyano rehiyon sa timog ng Iran at Turkmenistan. Minsan-minsang iniuugnay ang mga hasinto sa muling-pagsilang. Sa Persiya, ginagamit ito ng mga mamamayang Persa sa paghahain sa hapag-kainang mesa, kaugaliang tinatawag na haft sin (o haftseen) para sa pagdiriwang ng Norouz sa Bagong Taon na isinasagawa tuwing equinox sa panahon ng tagsibol.
Sa kasalukuyan, tatlo lamang ang kinikilalang mga nasa ilalim ng saring Hyacinthus. Ito ang mga sumusunod:
- Hyacinthus litwinowii
- Hyacinthus orientalis - karaniwan, Olandes o pangharding hasinto
- Hyacinthus transcaspicus
Mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Hardin ng mga hasintong madilaw, puti, at narangha
-
Hardin ng mga hasintong malarosas.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Hasinto". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)