Carmona, Kabite
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Nobyembre 2010) |
Carmona Bayan ng Carmona | |
---|---|
Mapa ng Cavite na nagpapakita sa lokasyon ng Carmona. | |
Mga koordinado: 14°19′N 121°03′E / 14.32°N 121.05°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Kabite |
Distrito | Panglimang Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 14 (alamin) |
Pagkatatag | 20 Pebrero 1857 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Roy Loyola |
• Pangalawang Punong-bayan | Cesar N. Ines |
• Manghalalal | 58,691 botante (2023) |
Lawak | |
• Kabuuan | 29.68 km2 (11.46 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 106,256 |
• Kapal | 3,600/km2 (9,300/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 28,154 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 10.86% (2021)[2] |
• Kita | ₱1,133,964,014.92 (2022) |
• Aset | ₱6,522,557,712.86 (2022) |
• Pananagutan | ₱537,494,173.54 (2022) |
• Paggasta | ₱849,251,756.47 (2022) |
Kodigong Pangsulat | 4116 |
PSGC | 042104000 |
Kodigong pantawag | 46 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | carmonagov.net |
Ang Lungsod ng Carmona ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Cavite, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 106,256 sa may 28,154 na kabahayan. Mayroon itong kabuuang lawak na 40.24 km2 (15.5 sq mi).
Naging lungsod ang Carmona noong ika-8 ng Hulyo 2023. Ito'y ang pinakabagong lungsod ng Pilipinas at ika-149 na lungsod sa buong Pilipinas
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang bayan ng Carmona sa timog silangang bahagi ng lalawigan ng Cavite. Tinatayang nasa 36 na kilometro ang layo ng Carmona sa Maynila. Ito ay ang pangunahing pasukan at labasan mula lalawigan ng Laguna at ng Kalakhang Maynila gamit ang South Luzon Expressway. Naghahanggan ang bayan ng Carmona sa Biñan sa hilaga at silangan, sa Gen. Mariano Alvarez sa hilagang kanluran at sa bayan ng Silang sa katimugang bahagi nito.
May kabuuang sukat na 3,092 ektarya o 30.92 kilometro kwadrado ang bayan ng Carmona, 2.17% ng kabuuang sukat ng lalawigan. Ang ito ay binubuo sa kasalukuyan ng 14 na mga barangay kung saan 8 ay tinatayang mga barangay ng Poblacion at ang 6 ay karaniwang barangay. Pinakamalaking barangay ng bayan ang Barangay Lantic, samantalang Barangay Milagrosa ang pinakamaliit.[3][4]
|
|
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 2,606 | — |
1918 | 2,818 | +0.52% |
1939 | 5,394 | +3.14% |
1948 | 5,597 | +0.41% |
1960 | 8,212 | +3.25% |
1970 | 20,123 | +9.36% |
1975 | 51,004 | +20.50% |
1980 | 65,014 | +4.97% |
1990 | 28,247 | −8.00% |
1995 | 35,686 | +4.48% |
2000 | 47,856 | +6.49% |
2007 | 68,135 | +4.99% |
2010 | 74,986 | +3.55% |
2015 | 97,557 | +5.14% |
2020 | 106,256 | +1.69% |
Sanggunian: PSA[5][6][7][8] |
Densidad ng Populasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dami ng tao bawat ektarya sa Carmona ay nasa 17.35. Ang bilang na ito ay higit na mataas kung ihahambing sa noong 1995 na 11.54 katao bawat ektarya. Pinakamadaming tao bawat ektarya sa Poblacion o sa bayan (barangay 1-8).
Demograpiko sa bawat barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Barangay | Populasyon | Bilang ng Sambahayan | Bilang ng mga Pamilya |
---|---|---|---|
Poblacion 1- San Pablo | 2,696 | 608 HHs | 648 |
Poblacion 2- San Jose | 461 | 114 HHs | 458 |
Poblacion 3- San Jose | 525 | 129 HHs | 519 |
Poblacion 4- JM Loyola | 542 | 140 HHs | 135 |
Poblacion 5- JM Loyola | 581 | 168 HHs | 167 |
Poblacion 6- Magallanes | 593 | 136 HHs | 140 |
Poblacion 7- Magallanes | 575 | 129 HHs | 134 |
Poblacion 8- Rosario | 2,640 | 633 HHs | 646 |
Maduya | 7,961 | 1,804 HHs | 1,866 |
Cabilang Baybay | 6,079 | 1,425 HHs | 1,470 |
Mabuhay | 8,772 | 1,941 HHs | 2,294 |
Milagrosa | 20,454 | 4,475 HHs | 4,681 |
Lantic | 4,066 | 969 HHs | 3,492 |
Bancal | 8,570 | 2,214 HHs | 3,696 |
Total | 64,508 | 14,885 | 20,346 |
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing sinasalita ang wikang Tagalog. Itinuturing na pangalawang wika ang Ingles dahil ito ang ginagamit sa negosyo at mga paaralan.
Relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Katoliko Romano ang pinakamalaking relihiyon sa bayan ng Carmona. Sinundan ito ng iba pang mga relihiyon gaya ng Kasapi ng Church of God International(MCGI), Iglesia ni Cristo, Saksi Ni Jehovah, Protestante, Islam atbp.
Relihiyon | Bahagdan ( % ) |
---|---|
Katoliko Romano | 90.81% |
Protestante | 1.23% |
Kasapi ng Church of God International | 3.72% |
Aglipay | 0.11% |
Islam | 0.11% |
Iglesia ni Cristo | 1.00% |
Iba pa | 2.84% |
Walang binanggit na relihiyon | 0.17 |
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dating tinatawag na Latag ang bayan ng Carmona. (Salitang Tagalog na ang ibig ay patag), dati rin bahagi ng malaking bayan ng Silang. Dahil sa layo ng sentro ng bayan, ang mga principales at ang nakaupong Cabeza de barangay ay nagpetisyon na ang Latag ay maging hiwalay na bayan noong 20 Pebrero 1857. Ang bagong bayan ay tinawag na Carmona, na isinunod sa bayan ng Carmona sa lalawigan ng Siville, Espanya. [1]
Ang Pagiging Bayan ng Carmona
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago pa maging bayan ang Silang noong 1595, (ref. Memoria of Silang now on file at the National Library - Manila), and Carmona ng mga panahong iyon ay isa lamang sityo ng Silang na kung tagurian ay Latag, Labac o Kalatagan na may ilang mamamayan. Bagamat walang makapagsabi kung bakit tinawag na Latag, nahuhula na dahil marahil sa ang mga naunang mamamayan dito sa Carmona ay nagbuhat sa matataas na lugar tulad ng bulubundukin ng Silang na ang bawat lugar na mababa at pantay sa bunduking ito ay tinatawag na Labac, ito marahil ang dahilan kung bakit nakilala ang Carmona sa tawag na Latag dahil ito ay mababa at palanas na kapatagan. Noon ang Latag ay magubat at mandi'y wala pang nakikilalang nagmamay-ari ng lupa dito. Sa paghahangad ng tahimik na pamumuhay ng ilang taga-Silang ang nagudyok sa kanila upang ang magubat na pook na ito ay hawanin at linisin at ituring na kanila. Ang kinagawiang ito ng mga taga-Latag ay nagpasalin salin hanggang sa pagitan ng mga taong 1600-1607.
May dumating na purong Kastilang Agustinian sa lupang Binan at nagsimulang magpalaganap ng relihiyong Katoliko. Habang lumalaganap ang relihiyong ito patuloy rin naman ang pagkakaroon ng mga pareng Kastila ng lupang kanilang tinatangkilik. Kaya't sa pagitan ng taong 1740-1746, nang magkaroon ng paglilinang sa lupa ng Binan at Silang, lumalabas ayon sa katibayan at pinanghahawakan ng mga pareng Kastila, ang mga taga Latag ay nasasakop ng Hacienda San Isidro, Binan. Dahil dito tumutol ang mga taga Latag pagkat simula pa'y alam nilang sila ay taga Silang at ang lupang kanilang tinatangkilik at pinakikinabangan mula sa pagkabata nang walang sinumang gumagambala ay bahagi at sakop ng bayan ng Silang.
Noong taong 1746, (ref. Red Bk. Vol. # 1, Errecion delos Pueblos Cavite), hiniling ng mga taga Latag at Silang sa Kataas-taasang pamahalaang Kastila na kung maaari ay ipagkaloob sa kanila ang lupang tinatangkilik. Dahil sa kahilingang ito at ang mga pareng Kastila ay iginigiit ang kanilang karapatan sa pananangkilik, nagkaroon ng usapin at sa paglilitis, lumalabas pang ang mga taga Silang ang nanggugulo. Bagaman masasabing ang mga taga Latag at Silang ay hindi naging matagumpay sa kanilang usapin ng mga pareng Kastila, ang hari ng Espanya ay naging makatarungan at sa kanyang tagubilin na ipagkaloob sa mga "indio" o Pilipino ang mga biyaya na nauukol sa kanila.
Simula ng mapatakda ang hangganan ng Binan at Silang, ang mga taga Latag ay namuhay ng tahimik at sila ay nagpatuloy sa pamumuhay na kinagisnan. Sa pagbabago ng panahon, ang mga taga Latag ay unti-unti ring nagbabago at magsasabing sila ay nakiayon sa mabilis na pagusad ng kabihasnan. Dahil sa hirap ng pagyayao't parito sa poblacion ng Silang, kukuha lang sila ng sedula (ang walang sedula ng mga panahong iyon ay ipinapalagay ng mga Kastila na insurekto o rebeldo) ay yaong tuwing isang linggo. Kung sila naman ay maglilibing, kung minsan ay bumabaho ang dala nilang bangkay dahil hindi sila makatawid sa bahang ilog. Nagkaroon ng isang kilusan para sa pagsasarili. Bumuo ang isang grupo ng kalalakihan na kung tawagin ay "Maginoo" upang siyang magsakatuparan ng kanilang pangarap at layuning magkaroon ng kalayaan bilang isang bayan.
Sa pangunguna ni g. Tiburcio Purificacion, nagpatuloy ang mga taga Latag sa paghanap ng paraan kung paano sila magiging bayan. Dahil sa walang puknat na pagsisikap at batay sa isang makatuwirang kahilingan ang Latag sa wakas ay napahiwalay sa bayan ng Silang sa bisa ng isang dekreto na nilagdaan ni Gobernador-Heneral Fernando de Norzagaray noong 20 Pebrero 1857, at ganap na naging isang bayan.
Maikling Kasaysayan ng Anyo at Kulay ng Lahing Taga Carmona
[baguhin | baguhin ang wikitext]1500 - 1600. Simula ng kasaysayan ng Carmona ng may tatlong (3) magkakapatid na dumating dito sa lupa ng Carmona na noon panahong iyon ay tinawag nilang LABAC.
1595. Naging bayan ang Silang. ang dating Labac ay naging Barrio LATAG.
9 Marso 1746. Itinakda ang hangganan ng Silang at Binan sa utos ng isang dekreto na nilagdaan ni Alkalde Pedro Calderon Enriquez.
1838. Nagsimula ang kilusan ng mga taga Latag para maging bayan.
20 Pebrero 1857. Lumabas ang isang kautusan na ang Barrio Latag ay mapahiwalay sa bayan ng Silang at maging bayan na tatawaging CARMONA.
16 Abril 1857. Itinakda ang hangganang Silang at Carmona.
15 Setyembre 1859. Ibinalik sa mga taga Carmona ang pamamahala at pagmamay-ari ng mga lupang komunal.
1941. Nabalik sa mga taga Carmona ang pagtangkilik sa lupang "homestead"
Areang lipatan (resettlement area)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1959, ang bahagi ng San Gabriel, San jose na sakop ng Cabilang Baybay, Carmona ay binili ng pamahalaang nasyonal sa halagang 1.95 milyong piso upang paglipatan ng mga iskwater buhat sa kalakhang Maynila. Pagkatapos na ito ay maihanda ng Philippine Army Engineer noong taong 1963, lumipat ang mayroong 60,000 iskwater. Sa reperendum na ginanap noong 10 Enero 1981 nanalo ang "yes vote". Ito ay paghihiwalay ng dating San Gabriel at San Jose sa bayan ng Carmona at kinilala bilang bagong bayan ng Gen. Mariano Alvarez o GMA.
Noong 1959, ang bahagi ng San Gabriel, San jose na sakop ng Cabilang Baybay, Carmona ay binili ng pamahalaang nasyonal sa halagang 1.95 milyong piso upang paglipatan ng mga iskwater buhat sa kalakhang Maynila. Pagkatapos na ito ay maihanda ng Philippine Army Engineer noong taong 1963, lumipat ang mayroong 60,000 iskwater. Sa reperendum na ginanap noong 10 Enero 1981 nanalo ang "yes vote". Ito ay paghihiwalay ng dating San Gabriel at San Jose sa bayan ng Carmona at kinilala bilang bagong bayan ng Gen. Mariano Alvarez o GMA.
Noong 1959, ang bahagi ng San Gabriel, San jose na sakop ng Cabilang Baybay, Carmona ay binili ng pamahalaang nasyonal sa halagang 1.95 milyong piso upang paglipatan ng mga iskwater buhat sa kalakhang Maynila. Pagkatapos na ito ay maihanda ng Philippine Army Engineer noong taong 1963, lumipat ang mayroong 60,000 iskwater. Sa reperendum na ginanap noong 10 Enero 1981 nanalo ang "yes vote". Ito ay paghihiwalay ng dating San Gabriel at San Jose sa bayan ng Carmona at kinilala bilang bagong bayan ng Gen. Mariano Alvarez o GMA.
Makasaysayang Pook, Gusali at Mga Lahi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katulad ng ibang mga bayan, ang Carmona ay mayroon ding mga makasaysayang pook at gusali, at mga lahi ng digmaan. Iilan lamang ang napatala sa kasaysayan sa panahon ng Kastila. Karamihan sa makasaysayang pangyayari na napatala ay sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Fuente (Big Irrigation Dam) - Patubig 1900 - Pulungan ng Kastilang Cacedores.
Simbahang Kastila - Abril 1800 '- Itinayo ng sambayang Carmona noon panahon ng Kastila at naging sentro ng sona noon panahon ng Hapon.
Bahay ni Estanislao Paular - 1941-1945 - tanggapan ng mga opisyal Niponggo (Hapones) noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Bahay ni Alkalde Juan Zamora - 1940-1945 - tanggapan ng pinunong Hapones.
Carmona Elementary School (Gabaldon Type) - 1941-1945 - pansamantalang pagamutan para sa mamamayan.
Glorietta - 1942 - nawasak noon panahon ng Hapon.
Carmona Cemetery - libingan bayan - 1941-1945 - ang mga pinaslang at makapili ay dito inilibing noon panahon ng Hapon.
Carmona Elementary School (Gonzales Type) - 1941-1945 - nagsilbing ospital ng mga gerilya at mga residente ng Carmona.
Kasaysayan ng Ilang Sityo ng Carmona
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bahagyang kaalaman lamang ang mababanggit tungkol sa mga sityo ng Carmona, subalit sa matiyagang pagsasaliksik nakakuha ng ilang impormasyon gaya ng sumusunod: Kay Impierno, Paligawang Matanda, Paligawang Bata, Pinagdabilan, Pasong Buhangin, Agiit, Pasong ___, Pasog Kabayo, Pasong Emang, Pasong Saging, Pasong Pari at Ulong Tubig.
Kay Impierno - ito ay kilalang "Paligawang Bayan" dahil halos lahat ng mga hayop sa kabayanan at kalapit baryo at dito nagpapastol.
Paligawang Matanda at Bata - ito rin ay nagsilbing pastulan subalit hindi kasing lawak ng Kay Impierno.
Ulong Tubig - nangangahulugang pinagmumulan ng tubig. Ang sityong ito ay nasa paanan ng bundok. Isang malaking bukal ang nagdudulot ng saganang tubig sa patubig sa mga palayan. Ang bukal na ito ay inayos at nagsilbing "Swimming pool" na pinagdarayo ng mga eskursyonista. (Sa ngayon ang ulong tubig ay wala na).
Pinagdabilan - noong nakaraang mga panahon ang dakong ito ay tanyag sa mga pandarambong ng mga tulisan. Isang pangyayari ang naganap dito na siyang pinagmulan ng pangalan ng sityong ito. Isang gabi noon, ang isang matandang lalaki ay nagdala ng gitarang tinatawag na "ravel" sa kanyang panghaharana sa kabila ng bundok, nasalubong niya ang isang pangkat ng tulisan. nakita nila ang kanyang gitarang "ravel". Isa sa mga tulisan ang kumuha nito, pinatugtog at inutusan ang matanda na sumayaw. Nang mapagod ang matanda ibinigay ang gitara sa matanda at pinatugtog at sila naman ang nagsayaw. walang anu-ano'y dumating ang mga kasamahan ng matanda. Nang makita ng mga tulisan na nakahihigit sa dami ang mga ito, sila'y dali-daling lumayo't iniwan ang matanda. Mula noon tinawag ang pook na itong "Pinagravelan" at kalauna'y tinawag na Pinagdabilan.
Ang Pagbawi ng Lupang Yaptinchay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong matapos ang himagsikan at matatag ang pamahalaang Amerikano noon taong 1900 ang unang naging Presidente dito sa Carmona ay si G. Martin Reyes, sumusunod si G. Marcelo Reyes, Prudencio Torres, Juan Alumia, Estanislao Paular at Marciano Mapanoo. Noong 1938, sa panahon ni Presidente Marciano Mapanoo, tinangka ng mga taga Carmona na mailipat sa kanila ang mga lupang tinatangkilik ng mga Yaptinchay. Sa pagtatangkang ito, nagkaroon ng usapin ang mga taga Carmona laban sa mga Yaptinchay hanggang ito ay umabot sa Pangulong Manuel L. Quezon sa Malakanyang. Ang nasabing usapin ay inilipat sa Hukumang Unang Dulugan ng Cavite sa ilalim ng Kaso Blg. 318 at dito ay nagkaroon ng pagpapasiya na tila ang taga Carmona ay nabigo. Dahil dito ang kaso ay isinampa sa Hukuman ng Paghahabol na kung saan ay naghintay ng kaukulang desisyon. Kung natalo o nanalo ang alin mang panig sa nasabing usapin, ang lupon ay wala pang maliwanag na dokumentong natatagpuan sa bagay na ito. Isang bagay lamang ang maliwanag, ang mga taga Carmona ngayon ang siyang nagtatangkilik ng nasabing mga lupa sa ilalim ng pangangasiwa ng Agrarian Reform.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangkalahatang pang-agrikultural ang ekonomiya ng Carmona. Halos kalahati ng lupaing sakop nito ay nakalaan sa pagsasaka.
Subalit dahil sa pagpapatupad ng pagpapaunlad sa CALABARZON, unti-unting nagiging isang industriyal na bayan ng Cavite ang Carmona. Nagsimulang magkaroon ng mga pagawaan ng damit (garments), electronics, at iba pang malalaking mga pagawaan.
Pananalapi at Pag-iimpok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong labinlimang institusyong pambangko at hindi paimpukan. Mayroong 4 na kompanyang nagpapahiram, walong sanglaan, at anim na utangan at iba't ibang uri ng kooperatiba. [2] Naka-arkibo 2008-02-14 sa Wayback Machine.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang sistema ng edukasyon ng Carmona ng 8 Pampubliko at 2 Pampribadong mababang paaaralan, isang mataas na paaralan, ang Mataas na Paaralan ng Carmona, isang pribadong kolehiyo, ang STI College Southwoods, at ng isang pampublikong pamantasan, ang sangay ng CavSU sa Carmona, ang Cavite State University - Carmona Campus.
Pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Panimula ng Sorteo ng Lupang Komunal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkalipas ng maraming taong pagtatanggol sa karapatan ng mga taga Latag bilang may-ari ng lupang sadya naman sa kanila ay nagkaroon din ng katarungan pagkat sa bisa ng decreto noong Noyembre 15, 1859, ang pamamahala, kapangyarihan, at pagmamay-ari ng lahat ng sakop ng lupang Carmona ay ibinalik sa mamamayang taga Carmona. Ang decretong ito ay maliwanag na nag-aalis ng lahat ng kondisyon at kautusang itinadhana sa Decreto noong 9 Marso 1946, tungkol sa ginawang pagkakaloob ng lupang komunal sa mga taga Latag at ang dekretong ito sa masasabing ipinagkaloob ng lupang komunal sa mga taga Latag at ang kapangyarihang magpasya kung ano ang mabuti sa nasabing lupang komunal bilang may-ari.
Dahil sa kakaibang kalagayan ng lupang komunal ng Carmona, maraming hindi taga Carmona ang nagkaroon ng interes na makasali sa Sorteo. Marami ay lumipat dito pansamantala at pagkatapos ma makasali at magkaroon ng suwerte, madali itong ipagbibili at aalis na. Dahil dito, noong 15 Disyembre 1868, naghain ng reklamo ang mga taga Carmona sa Direktor Heneral ng Pamahalaang Kastila at tuloy hiniling nila na ipamahagi na sa mamamayang taga Carmona ang lupang komunal upang maiwasan na ang pagsasamantala ng mga hindi taga Carmona.
Bilang sagot sa nasabing reklamo at kahilingan ng mga taga Carmona, sinabi ng Director Heneral sa kanyang liham noon 17 Nobyembre 1883 na hinding hindi maaaring makasali ang mga hindi taga Carmona kung walang namagitan kondisyon sa likod nito. At sinabi pa niya, ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mamamayan ay nagugulo ay sapagkat ang pagkakaparte ng mga loteng komunal ay hindi naging pareho. Kayat upang maiwasan ang gulo at inggitan, itinagubilin ng Direktor Herenal na dapat partihan ang loteng komunal na sinosorteo ng parehong-pareho upang maiwasan na ang anumang kaguluhan at tuloy marami ang makinabang.
Bukod sa mga suliraning nabanggit, ang mga taga Carmona nang mga panahong iyon ay napaharap sa mahabang tag-init na ikinatuyo ng kanilang halaman, gayon din ng iba pang kalamidad na lubhang nagpahirap sa kanila. Dahil dito noong taong 1869, ang mga taga Carmona sa pangunguna ng kanilang Gobernadorcillo na si G. Marciano Mapanoo at ng kanyang mga kasamang Cabeza de Barangay na sina G. Gaspar Espiritu, Jose De Guzman, Martin Sarmiento, Mariano Paular at Fabian Tenedero ay sumulat sa Diretor Heneral at kanilang hiniling na kung maaari ay huwag muna silang magbayad ng buwis. Sa kahilingang nabanggit, ang buwis ng kanilang halamn ay pinagbigyan subalit ang kaukulang upa sa lupa na kanilang tinatangkilik ay hindi.
Noon pa mang una, ang sorteo o subasta sa bukid ay masasabing ginagawa na, katunayan noong 7 Abril 1872, ang bukid ng byan ay sinusubasta at sa subastang ito, tila ang simbahang kinakatawan ni Padre Mamerto Lizasoain ay nagkaroon ng tinatangkilik. Dahil dito may mamamayang taga Carmona ang nagreklamo at dahil sa reklamong ito ang karapatan ng simbahan na magtangkilik ng lupa ay inalis. Subalit ang usaping ito ay hindi agad natapos pagkat noong 21 Hunyo 1885, si Padre Lizasoain ay lumiham sa Direktor Heneral ng pamahalaang Kastila na kung maaari ay pawalang bisa ang utos sapagkat ang kanyang ginawang cementerio de officio ay upang matulungan ang mahihirap na taga Carmona na doo'y kanilang sinabi na samantalang tahimik naman ang pagsasama ng simbahan at bayan sa loob ng 20 taon, ang bayan na kanyang kinakatawan ay hindi naman tumututol sa pananangkilik ng simbahan sa lupang pag-aari nito. Kung ibinalik o hindi ang karapatan ng simbahan sa mga lupang tinatangkilik nito ang lupon ay walang dokumentong natagpuan para dito.
Ayon sa ilang liham na natagpuan ng lupon, ang mga ito ay nagpapahiwatig na ang paghahangad ng ilang mamamayang hindi naman anak ng Carmona para makasali sa sorteo ay nagpatuloy, pagkat sa liham ng mga namumuno dito sa Carmona noong 17 Nobyembre 1885, sila ay minsan pang nagharap ng kahilingan sa pamahalaang Kastila na ipamahagi na ang lupang komunal sa mamamayang taga Carmona, katulad noong una, ang kahilingang ito ay hindi pinagbigyan. Noong taong 1886, nagharap naman ng kahilingan ang mga taga Carmona para maipamahagi na sa kanila ang lupang komunal subalit ang ikatlong kahilingan ay hindi rin pinaunlakan.
Noon 13 Pebrero 1894, lumabas ang isang Royal Decree na nag-uutos sa lahat ng mamamayan na patituluhan na ang mga lupang kanilang tinatangkilik sa loob ng anim na buwan. Dala marahil na marami ang hindi makapagpatitulo ng panahong iyon, ang nabanggit na dekreto ay nagbigay pa ng palugit na anim na buwan. Pagkatapos ng palugit na ito, nangangahulugan na lahta ng lupang hindi napatituluhan ay walang nagmamay-ari samakatuwid ay maaari pang ariin ng pamahalaan maging ito man ay Kastila, Amerikano o Pilipino.
Noong sumiklab ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Kastila noon 1896, batay sa mga pinanghahawakang dokumento, ang Gobernadorcillong siyang namumuno dito sa bayan pagkatapos nina G. Tiburcio Purificacion, Marciano Mapanoo at Fabian Tenedero, ay si Kapitang Damin Ermitano at C. Prudencio Torres na pawang nasa kanilang kasiglahan ng mga panahong iyon ay balitang balita sa pagtatanggol ng ating bayan. Ang mga taong ito ang siyang puspusang tumulong kay Don Paciano Rizal nang ito ay pansamantalang humimpil dito sa Carmona na dala ang isang batalyong Kastilang kanyang nabihag sa labanang naganap sa Sta. Cruz, Laguna.
Sorteo Ng Bukid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bawat ikatlong na taon ng Pebrero 16-22, ang buong bayang ng Carmona ay naghahanda sa pagdiriwang ng pinakamalaking pista ng bayan ang "Sorteo Festival". Ang pista ay nagsimula pa noong panahon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pistang bayang ito ay kinapalolooban ng pag-bunot ng pangalan ng mga naninirahan sa bayan sa isang malaking tambiyolo at gagantimpalaan ng lupang maaaring sakahin. Kung ang nabunot naman ay hindi nais na sakahin ang lupa, maaari naman niyang ipagbili ang lupa upang ang mga nais magsaka dito ay magamit ang lupa.
Kasabay ng pagdiriwang ay ang pagpaparada ng mga kabataan na nagsusuot ng iba't ibang mga kasuotan, karakol, patimpalak sa pagandahan at pag-awit at pagandahan ng gayak ng mga bahay dito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Cavite". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Land Area". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-25. Nakuha noong 2013-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About the Municipality | Carmona Cavite, Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-25. Nakuha noong 2013-08-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Cavite". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
General Mariano Alvarez, Cavite | Binan City | Binan City | ||
General Mariano Alvarez, Cavite | Binan City | |||
Carmona, Cavite | ||||
Silang, Cavite | Silang, Cavite | Binan City |