Euclides
Euclides | |
---|---|
Kapanganakan | Hindi alam |
Kamatayan | Hindi alam |
Kilala sa | Heometriyang Euclidiano Mga Elemento ni Euclides |
Karera sa agham | |
Larangan | Matematika |
Si Euclides, Euclid, o Eukleides – mula sa Griyegong Ευκλείδης o "Eukleides" – (ipinanganak noong mga 330 BK) ang Griyegong pilosopong Ama ng Heometriya. Siya ay aktibo sa Alexandria, Ehipto sa paghahari ni Ptolemy I. Ang kanyang aklat ng heometriya na pinamagatang Mga Elemento ay naglalaman ng maraming mga aksiyoma, proposiyon at pagpapatunay ng mga proposiyon sa heometriya. Kanyang ihinuha ang mga prinsipyo ng tinatawag ngayong heometriyang Euclidean mula sa isang hanay ng mga aksiyoma. Ang aklat na ito ang isa sa pinakamaimpluwensiya (most influential) na akda sa kasaysayan ng matematika na nagsisilbi bilang aklat pampaaraalan para sa pagtuturo ng matematika lalo na sa heometriya mula sa paglilimbag nito hanggang sa huling ika-19 at simulang ika-20 siglo.[1][2][3] Kaunti ang nalalaman hinggil sa buhay ni Euclid. Ang ilang mga historikal na reperensiya kay Euclides ay isinulat nina Proclus at Pappus of Alexandria mga siglo pagkatapos niyang mabuhay. Ipinakilala ni Proclus si Euclides bilang ang may akda ng Mga Elemento sa kanyang ika-5 siglong komentaryo nito. Binanggit naman ni Pappus noong ika-4 siglo na si Apollonius ay "gumugol ng isang napakahabang panahong kasama ng mga estudyante ni Euclides sa Alexandria at kaya ay nagkamit ito ng isang gayong siyentipikong kasanayan ng pag-iisip. Karagdagan ring pininiwalaan na si Euclides ay maaaring nag-aral sa Akademya ni Plato sa Athens.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.