Naniniwala kami sa malayang pananalita: sa pagtatanggol sa karapatang makapagsalita – at sa karapatang makinig. Naniniwala kami sa malawakang pagkamit ng mga kasangkapang pangkomunikasyon.
Sa gayon, aming mamarapatin na ang lahat ng nais makapagsalita ay mabigyan ng paraang makapagsalita – at ang lahat na nagnanais na makarinig ng yaong payahag ay may pamaraan na mapakinggan ito.
Salamat sa mga makabagong kasangkapang pangkomunikasyon, ang pananalita ay hindi na kailangan pigilan ng mga taong nagmamay-ari ng kagamitang panlimbag at pamamahagi, o kaya ng pamahalaan na nais diktahan ang pag-iisip at komunikasyon. Ngayon, may sapat na kapangyarihang makapagpahayag kahit sinuman. Lahat ay Maaari nang magsalaysay sa buong mundo ng kani-kanilang kwento ang bawat isa.
Layunin naming magsilbing tulay sa mga dagat na naghihiwalay sa lipunan, upang sa gayon ay mas lalong maunawaan nila ang isa't-isa. Layunin namin na mas higit pang gawing mabisa ang sama-samang pagkilos, at kumilos ng may higit na lakas.
Naniniwala kami sa kapangyarihan ng ugnayang matuwid. Ang ugnayang nagbibigkis sa mga taong mula sa magkaibang panig ng mundo ay personal, pulitikal at makapangyarihan. Naniniwala kami na ang pakikipag-talastasan sa ibayong hangganan ay nararapat upang makamit ang isang malaya, pantay, masagana at sustenableng kinabukasan – para sa lahat ng mamamayan ng daigdig.
Habang pinagpapatuloy namin ang mga gawain at pagpapahayag bilang indibidwal, isinusulong din namin ang sama-samang pagtukoy at pagtaguyod ng magkakatulad na interes at layunin. Pinapangako namin na igagalang, tutulungan, tuturuan, matututo, at makikinig sa isa't-isa.
Kami ang Pandaigdigang Tinig.