Lingua


Pinapalakas ng Prokeytong Lingua ang boses ng mga kwentong tampok sa Pandaigdigang Tinig sa tulong ng mga nagkukusang nagsasalin-wika. Binubuksan nito ang daluyan ng usapan para sa mga blogger at mambababasa ng Pandaigdigang Tinig na hindi marunong ng Ingles sa pamamagitan ng pagsasalin ng nilalaman nito sa iba't ibang wika.

Gamitin ang application form na ito upang makipag-ugnayan at maging bahagi ng proyekto.

Isang Mabilis na Paggunita sa Nakaraan

Matapos ang isang workshop para sa Pandaigdigang Tinig at Wika noong Global Voices 2006 Summit sa Delhi, Indiya, nilapitan ng isang pangkat ng mga blogger sa wikang Pranses ang mga nagtatag ng Pandaigdigang Tinig na sila Ethan Zuckerman [en], Rebecca MacKinnon at isang kontributor na Taiwanese na si Portnoy [en] tungkol sa paglikha ng pahina sa Pandaigdigang Tinig para sa wikang Pranses gaya ng ginawa ni Portnoy sa wikang Intsik. Nagpahayag din ng interes ang ibang komunidad mula sa ibang lenggwahe, at doon nagsimula ang Lingua.

Saan Galing ang mga Nagsasalin-Wika ng Lingua?

Lahat ng dako.

Tingnan ang Pandaigdigang Tinig – Mapa ng mga Nagsasalin-Wika ng Lingua Sa Bawat Sulok ng Mundo sa mas malaking mapa

Maging Bahagi

Pinipili ang mga lenggwaheng kabilang sa proyekto ayon sa pagdagsa at pagdami ng mga gumagamit ng wika. Isinasama sa Lingua ang mga karagdagang wika na may sapat na pagdagsa at pagdami. Binibigyan naman ng karampatang pagkilala ang mga nagkukusang tagasalin-wika sa Lingua sa pamamagitan ng paglagay ng kanilang pangalan sa may itaas ng bawat pahina na kanilang isinalin, bilang dagdag karanasan o bilang dagdag sa portfolio sa kanilang paghahanap-buhay. Higit sa lahat, nagsisilbing tulay ang mga nagsasalin-wika ng Lingua at pinapalakas nila ang boses ng proyekto.

Kung nais mong sumali, maari lamang na kumpletuhin ang application form na ito, o di kaya'y ipagbigay-alam sa mga site manager ng indibidwal na wika sa may pinaka-itaas ng pahinang ito, o maaring gamitin ang contact form sa ibaba upang magpadala ng email sa mga nag-aayos ng site na ito.

    Iyong Pangalan (kailangan)

    Iyong Email (kailangan)

    Paksa

    Iyong Mensahe

    <![endif]-->