Muslim

tagasunod sa relihiyon ng Islam
(Idinirekta mula sa Mga Muslim)

Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: مسلم) ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na kahulugan ng salita, ang Muslim ay sinumang tao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang Arabo).[1][2].

Ang artikulong ito ay bahagi ng serye hinggil sa
Islam


Kasaysayan ng Islam
Mga Paniniwala
Kaisahan ng Diyos
Pananampalataya
Panalangin · Pag-aayuno
Banal na Paglalakbay · Kawanggawa
Major figures

Muhammad · Ali · Abu Bakr
Mga kasama ni Muhammad
Ahl Al-Bayt · Fatimah
Mga propeta ng Islam · Mahdi

Kasulatan, Iskriptura & Batas
Qur'an · Hadith · Sira
Fiqh · Sharia
Mga Dibisyon
Sunni · Shi'a · Sufism
Mga kahatian ng Islam
Aspetong Pangsosyopolitika
Lungsod · Arkitektura
Sining · Kalendaryo
Mga Islamikong pinuno
Mga Kababaihan sa Islam
Pampolitika na Islam · Jihad
Tingnan Din
Bokabularyo ng Islam
Talatuntunan ng mga artikulo ukol sa Islam

Muslim

Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga Muslim, dahil, bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.

Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya.[1][2] Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.[1]

Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.[1]

Katungkulan

baguhin

Kabilang sa mga pananagutan o obligasyon ng mga Muslim sa kanilang pananampalataya ang pagsasakatuparan ng pananampalataya sa iisang Diyos. Kailangan silang sumamba sa Diyos ng limang ulit sa isang araw, na nakaharap sa kinaroroonan ng Mecca. Dapat silang magbigay ng limos sa mga mahihirap. Nararapat silang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan. At kung maaari, kailangan nilang mapuntahan ang Mecca kahit na isang pagkakataon lamang sa kanilang buhay.[2]

Sa Pilipinas

baguhin

Sila ay maaaring matagpuan sa isang distrikto sa Quiapo, Maynila at sa ilang mga bahagi ng Mindanao tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao, at Lanao del Sur. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan. Malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan at kanilang pagiging matapat. Mayroon silang sari-sarili at katutubong kultura ngunit pareho ang kanilang paniniwala sa relihiyong Islam at ang pagsamba nila sa kanilang diyos na si Allah.

Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Maguindanao, Maranao, Samal, Tausug, Yakan, at Badjao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Islam". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 414-416.
  2. 2.0 2.1 2.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Muhammad". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 359.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.