Ramadan

pag-aayuno ng isang buwan sa Islam

Ang Ramadan (Arabe: رَمَضَان‎, romanisado: Ramaḍān [ra.ma.dˤaːn]) ay isang kaganapang panrelihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung kailan naihayag ang Qur'an.[5] Ito ang panahon ng pag-aayuno (sawm), pagdarasal, pagnilay, at pamayanan.[6] Isang paggunita ng unang paghayag ni Muhammad,[7] itinuturing bilang isa sa mga Limang Haligi ng Islam ang taunang pagtalima sa Ramadan[8] at tumatagal ng dalawampu't siyam hanggang tatlumpung araw, mula isang pagkakita ng gasuklay na buwan hanggang sa susunod na pagkakita nito.[9][10]

Ramadan
رَمَضَان
Mula sa itaas, kaliwa pakanan: Isang gasuklay na buwan sa Sarıçam, Turkiya na nagmamarka ng simula ng buwan ng Ramadan sa Islam; pagbabasa ng Quran noong Ramadan sa Bandar Torkaman, Iran; Iftar (kainan ng komunidad) sa Dubai, Nagkakaisang Arabong Emirato; pagdasal ng Tarawah sa isang moske sa Kanlurang Sumatra, Indonesya; mga pagkaing inihahain sa tradisyonal na kainang Iftar; mga dekorasyong pang-Ramadan sa Herusalem; mga kahon ng donasyon (pang-Zakat) sa Taipei, Taiwan.
Ipinagdiriwang ngMga Muslim
UriPanrelihiyon
Mga pagdiriwangMga iftar at pagdarasal ng komunidad
Mga pamimitagan
  • Sawm (pag-aayuno)
  • Zakat at sadaqah (limos)
  • Paggunita ng Gabi ng Qadr
  • Pagbabasa ng Quran
  • Pag-iiwas sa lahat ng masasamang gawa at pagpapakumbaba
  • Pagdasal ng Taraweeh (mga Sunni na Muslim)
NagsisimulaSa huling gabi ng buwan ng Sha'ban[1]
NagtataposSa huling gabi ng buwan ng Ramadan[1]
PetsaPaiba-iba (sumusunod sa kalendaryong lunar ng Islam)[2][3]
2023 date22 Marso – 21 Abril[4]
DalasTaunan (kalendaryong lunar)
Kaugnay saEid al-Fitr, Gabi ng Qadr

Obligado na umiwas sa pagkain at inumin mula pagsikat ng araw at paglubog ng araw ang lahat ng mga adultong Muslim na walang sakit (matindi man o malala), hindi naglalakbay, nakatatanda, nagpapasuso, diyabetiko, o nagreregla.[11] Suhur ang tawag sa kainan bago ang pagsikat ng araw, at iftar naman ang tawag sa hapunang matapos ang ayuno.[12][13] Kahit nailabas ang mga fatwa na nagdedeklara na dapat sundin ng mga Muslim na naninira sa mga rehiyon na may araw sa hatinggabi o gabi sa polo ang talaorasan ng Mecca,[14] isang karaniwang kaugalian na sundin ang talaorasan ng pinakamalapit na bansa kung saan malinaw ang kaibahan ng araw at gabi.[15][16][17]

Pinaniniwalaang mas marami ang mga espirituwal na gantimpala (thawab) ng pag-aayuno tuwing Ramadan.[18] Kaayon nito, hindi lang iniiwasan ng mga Muslim ang pagkain at inumin tuwing mga oras ng pag-aayuno, kundi produktong tabako, seksuwal na relasyon, at makasalanang pag-uugali.[19][20] Sa halip, inilalaan ang kanilang sarili sa salat (pagdasal) at pag-aaral ng Qur'an.[21][22]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Clark, Malcolm (2003). Islam For Dummies (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. ISBN 978-0764555039.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Umm al-Qura Calendar of Saudi Arabia" [Ang Kalendaryong Umm al-Qura ng Saudi Arabia] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2011. Nakuha noong 7 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ramadan to start May 27 or May 28" [Ramadan, magsisimula sa Mayo 27 o Mayo 28]. aljazeera.com/ (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2017. Nakuha noong 27 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Islamic Hijri Calendar 2023" [Kalendaryong Hijri ng Islam ng 2023]. islamicfinder.org.
  5. BBC – Religions Naka-arkibo 07-28-2012 sa Wayback Machine. Nakuha noong 25 Hulyo 2012
  6. "Ramadan: Fasting and Traditions" [Ramadan: Pag-aayuno at mga Tradisyon] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2019. Nakuha noong 6 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Ramadan 2020: Date, importance, wishes, quotes, messages, and pictures". India Today.
  8. "Schools – Religions". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bukhari-Ibn-Ismail, AbdAllah-Muhammad. "Sahih Bukhari – Book 031 (The Book of Fasting), Hadith 124". hadithcollection.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hunyo 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Muslim-Ibn-Habaj, Abul-Hussain. "Sahih Muslim – Book 006 (The Book of Fasting), Hadith 2378". hadithcollection.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 25 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Fasting (Al Siyam) – الصيام – pa. 18, el Bahay el Kholi, 1998
  12. Islam, Andrew Egan – 2002 – pa. 24
  13. Dubai – pa. 189, Andrea Schulte-Peevers – 2010
  14. "Ramadan in the Farthest North" [Ramadan sa Pinakahilaga]. Saudi Aramco World (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2015. Nakuha noong 16 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Tingnan ang artikulong "How Long Muslims Fast For Ramadan Around The World" [Gaano Katagal Nag-aayuno ang mga Muslim para sa Ramadan sa Mundo] (sa wikang Ingles) -Huffpost.com /31 Hulyo 2014 at artikulong "Fasting Hours of Ramadan 2014" [Oras ng Pag-aayuno ng Ramadan ng 2014] (sa wikang Ingles) -Onislam.net / 29 Hunyo 2014 at artikulong "The true spirit of Ramadan" [Ang tunay na diwa ng Ramadan] (sa wikang Ingles) -Gulfnews.com /31 Hulyo 2014
  16. Tingnan ang artikulo ni Imam Mohamad Jebara "The fasting of Ramadan is not meant to punish" [Hindi pamparusa ang pag-aayuno sa Ramadan] (sa wikang Ingles) https://ottawacitizen.com/opinion/columnists/jebara-the-fasting-of-ramadan-is-not-meant-to-punish Naka-arkibo 05-07-2019 sa Wayback Machine.
  17. Kassam, Ashifa (3 Hulyo 2016). "Arctic Ramadan: fasting in land of midnight sun comes with a challenge" [Ramadan sa Artiko: may hamon sa pag-aayuno sa lupain ng araw sa hating-gabi]. The Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2016. Nakuha noong 6 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Bukhari-Ibn-Ismail, AbdAllah-Muhammad. "Sahih Bukhari – Book 031 (The Book of Fasting), Hadith 125". hadithcollection.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 25 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Smith, Jane I. (2010). Islam in America [Islam sa Amerika] (sa wikang Ingles). Columbia University Press. p. 15. ISBN 978-0231147101. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Hotaling, Edward (2003). Islam Without Illusions: Its Past, Its Present, and Its Challenge for the Future [Islam Nang Walang Ilusyon: Ang Nakaraan Nito, Ang Kasalukuyan Nito, at Ang Hamon Nito para sa Kinabukasan] (sa wikang Ingles). Syracuse University Press. p. 57. ISBN 978-0815607663. Nakuha noong 30 Mayo 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Abu Dawud-Ibn-Ash'ath-AsSijisstani, Sulayman. "Sunan Abu-Dawud – (The Book of Prayer) – Detailed Injunctions about Ramadan, Hadith 1370" [Sunan Abu-Dawud – (Ang Aklat ng Pagdasal) – Mga Detalyadong Utos tungkol sa Ramadan, Hadith 1370]. Center for Muslim-Jewish Engagement of The University of Southern California (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2012. Nakuha noong 25 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bukhari-Ibn-Ismail, AbdAllah-Muhammad. "Sahih Bukhari – Book 031 (The Book of Fasting), Hadith 199" [Sahih Bukhari – Aklat 031 (Ang Aklat ng Pag-aayuno), Hadith 199.]. hadithcollection.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 25 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)