Aklat ni Rut

(Idinirekta mula sa Aklat ni Ruth)
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Ruth o Aklat ni Rut[1] ay ang ikawalong aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Naglalahad ito ng kasaysayan ni Rut, isang Moabitang babae na nasapi sa bayan ng mga Israelita, dahil ito sa kaniyang pagpapakasal kay Boaz, isang mayamang nagmula sa Belen. Nangyari ito noong kapanahunan ng mga hukom, kaya karugtong at kasunod ito ng Aklat ng Mga Hukom.[1]

May-akda

baguhin

Walang katiyakan kung sino ang sumulat ng Aklat ni Rut.[1]

Paglalarawan

baguhin

Ipinakikita sa Aklat ng mga Hukom ang mga halimbawang matutularan mula kay Rut, mga paksang ugo sa pag-ibig at pagsunod sa mga magulang, pagtitiis, at pagkakaroon ng malinis na budhi. Dahil sa mga katangiang ito ni Rut, pinagkalooban siya ng Diyos ng "biyaya ng tunay na pananampalataya". Naging ninuno si Rut nina David at Hesukristo. Naglalahad din ito ng "pagsakop ng Manunubos sa sangkatauhan na walang tinatanging kulay ng balat at lahi.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Rut". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.