Aklat ng mga Kawikaan

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ng mga Kawikaan[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Ito ang pinakamagandang katipunan ng mga salawikain sa Lumang Tipan, na isinulat ng patula at naglalaman ng mga magagandang aral at mga banal na pagpapatotoo hinggil sa karunungan, kapangyarihan, lakas, kabutihan, at pagkalinga ng Diyos sa taong umaasa sa kaniya. Ibinatay ang buong pangaral ng aklat na ito sa paniniwalang "Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng Karunungan"[1] o "Upang magkaroon ng kaalaman, unahin ang paggalang sa Panginoon."[2]

Sa kabuoan, ipinahahatid ng Aklat ng mga Kawikaan ang diwa ng Karunungan, ngunit hindi lamang ang konsepto ng pagiging maalam sa maraming mga bagay-bagay o ang pagiging napakamatalino o maalam. Bagkus, pinakakahulugan nito ang pagkakaalam sa paggawa ng tamang bagay at ang paggawa o pagpapatupad sa tamang bagay na ito.[3]

Paglalarawan

baguhin

Isang katipunan ng mga pagtuturong pangmoralidad at pangpananampalataya ang Aklat ng mga Kawikaan, na tumatalakay sa mga praktikal at mga pang-araw-araw na bagay-bagay, at yung may kaugnay sa kabutihang-asal, sa pangangalakal, ugnayang pangmag-anak, pakikitungo sa kapwa tao, kagandahang-asal, pagpipigil ng sarili, pagpapakumbaba, katiyagaan, paglingap sa mga taong mahihirap, katapatan sa mga kaibigan, at sa mga karanasan.[2]

Pinagmulan

baguhin

Ito ay kinopya sa mas naunang panitikang pangkurungan na Katuruan ni Amenemope.

Kaugnayan sa Bagong Tipan

baguhin

Madalas na nagbabanggit ng mga kawikaan si Hesukristo at ang mga alagad, katulad ng mga nasa Ebanghelyo ni Juan 7, 38; sa Sulat sa mga Romano 12, 20; at sa nasa Sulat mula kay Santiago 4, 6.[1] Ipinakikita ng mga halimbawang paggamit na ito ng mga manunulat sa Bagong Tipan na iginagalang ng mga sinaunang Kristiyano ang mga kaisipang pangkarunungan ng mga sinaunang mga pantas o sambong - mga marurunong na mga tao - ng Israel.[1]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng limang mga bahagi ang Aklat ng mga Kawikaan.[1]

  • Pambungad na Salita (1,1-9,18)
  • Unang Katipunan ng mga Kawikaan ni Salomon (10,1-22,16)
  • Mga Kasabihan ng Marurunong (22,17-24,34)
  • Pangalawang Katipunan ng mga Kawikaan ni Salomon (25,1-29,27)
  • Mga Kasabihan ng Iba't Ibang Marurunong (30,1-31,31)

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Kawikaan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Mga Kawikaan, Ang Biblia, AngBiblia.net
  3. Reader's Digest (1995). "Proverbs". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin