Biak Na Bato Constitution
Biak Na Bato Constitution
Biak Na Bato Constitution
Emilio Aguinaldo’s memoirs, Mga Gunita ng Himagsikan (1964), refer to two letters from
Andres Bonifacio dated 22 and 24 August. They pinpoint the date and place of the crucial Cry
meeting when the decision to attack Manila was made:
Noong ika-22 ng Agosto, 1896, ang Sangguniang Magdalo ay tumanggap ng isang lihim na
sulat mula sa Supremo Andres Bonifacio, sa Balintawak , na nagsasaad na isamng mahalagang
pulong ang kanilang idinaos sa ika-24 ng nasabing buwan, at lubhang kailangan na kame ay
mapadala roon ng dalawang kinatawan o delegado sa ngalan ng Sanggunian. Ang pulong
aniya’y itataon sa kaarawan ng kapistahan ng San Bartolome sa Malabon, Tambobong.
kapagkarakang matanggap ang nasabing paanyaya, an gaming Pangulo na si G. Baldomero
Aguinaldo, ay tumawag ng pulong sa tribunal ng Cavite el Viejo… Nagkaroon kami ng pag-
aalinlangan sa pagpapadala roon ng aming kinatawan dahil sa kaselanang pagdararanang mga
pook at totoong mahigpit at abot-abot ang panghuli ng mag Guardia Civil at Veterana sa mga
naglalakad lalung-lalo na sa mag pinaghihinalaang mga mason at Katipunan. Gayon pa man ay
aming hinirang at pinagkaisahang ipadalang tanging Sugo ang matapang na kapatid naming
si G. Domingo Orcullo… Ang aming Sugo ay nakarating ng maluwalhati sa kanyang paroonan
at nagbalik din na wala naming sakuna, na taglay ang sulat ng Supremo na may petsang 24
ng Agosto. Doon ay wala naming sinasabing kautusan, maliban sa patalastas na kagugulat-
gulat na kanilang lulusubin ang Maynila, sa Sabado ng gabi, ika-29 ng Agosto, at ang hudyat
ay ang pagpatay ng ilaw sa Luneta. Saka idinugtong pa na marami diumano ang nahuli at
napatay ng Guardia Civil at Veterana sa kanyang mga kasamahan sa lugar ng Gulod …