Pumunta sa nilalaman

William T. G. Morton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si William T. G. Morton.

Si William Thomas Green Morton (Agosto 9, 1819 – Hulyo 15, 1868) ay isang Amerikanong dentista na unang nakapagpamalas sa madla ng paggamit na nilalanghap na ether bilang isang anestetikong pangsiruhiya noong 1846.

Ang pagtataguyod ng kaniyang pinagdududahan na pag-ako bilang tagapagtuklas ng anestisya (pampamanhid) ay naging obsesyon sa loob ng natitira pang panahon ng kaniyang buhay.[1] Hindi si Morton ang tagapagtuklas ng pampamanhid sapagkat natuklasan ni Humphry Davy ang gas na nakapagpapatawa o nitrous oxide noong 1800; natuklasan naman ni Samuel Guthrie ang kloroporma noong 1831; at ang nagmungkahi ng katagang anesthetic o anestetiko ay si Oliver Wendell Holmes. Samantala, ang unang naitalang paggamit ng anestetiko ay noong 1842; at ang unang gumamit ng ether upang makapagtanggal ng isang tumor sa leeg ay si Crawford Long noong 1842. Subalit nakapagpatente si Morton (kasama si Charles T. Jackson), ng isang walang hapding paraan upang makapagbunot ng ngipin, at naisagawa niya ang una niyang operasyon na gumagamit ng ether noong Setyembre 1846.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fenster, J. M. (2001). Ether Day: The Strange Tale of America's Greatest Medical Discovery and the Haunted Men Who Made It. New York, NY: HarperCollins. ISBN 978-0-06-019523-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO INTRODUCED THE USE OF ANESTHETICS?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), "(...) William Morton (1819-1868) (...)", pahina 102.

TaoMedisina Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.