Pumunta sa nilalaman

William Crookes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si William Crookes.

Si Sir William Crookes, OM, FRS (17 Hunyo 1832 – 4 Abril 1919) ay isang Britanikong kimiko at pisiko na nag-aral sa Royal College of Chemistry, London, at nagtuon ng gawain hinggil sa ispektroskopiya. Siya ay isang tagapagsimula ng mga tubo ng bakyum (tubo ng higop), na humantong sa pagkakaimbento niya ng mga tubong Crookes. Siya ang imbentor ng radyometrong Crookes,[1] na sa ngayon ay ginagawa at ipinagbibili bilang isang bagay na kakaiba (novelty item sa Ingles).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. U.S. Patent 182,172, Improvement In Apparatus For Indicating The Intensity Of Radiation