Pumunta sa nilalaman

Mga wikang Uraliko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Uralic languages)
Uraliko
Distribusyong
heograpiko:
Gitnang, Silangang, at Hilagang Europa, Hilagang Asya
Klasipikasyong lingguwistiko:Isa sa mga pangunahing pamilya ng wika sa mundo
Proto-wika:Proto-Uraliko
Mga subdibisyon:
ISO 639-5:urj

Herograpikal na distribusyon ng mga wikang Uraliko
Mga wikang Uraliko (pinagdedebatihan ang Meänkieli, Kven at Ludiko)

Ang mga wikang Uraliko ay isang pamilya ng wika na may 38[1] wika na sinasalita ng halos 25 milyong katao, nakararami sa Hilagang Eurasya. Ang mga wikang Uraliko na may pinakamaraming katutubong nagsasalita ay Unggaro, Pinlandes at Estonyo, habang kabilang sa mga iba pang makabuluhang wika ang Erzya, Moksha, Mari, Udmurt, Sami at Komi, na sinasalita sa mga hilagang rehiyon ng Eskandinabiya at Pederasyon ng Rusya.

Nanggagaling ang pangalang "Uraliko" mula sa orihinal na lupang tinubuan ng pamilya (Urheimat) na karaniwang hinihipotisang nasa may Bulubundukin ng Ural.

Paminsan-minsan, ginagamit ang Pino-Ugriko bilang singkahulugan ng Uraliko, ngunit malaganap na nauunawaan na hindi isinasama ang mga wikang Samoyedo sa Pino-Ugriko.[2] Maaaring tratuhin ang dalawang salita bilang magkasingkahulugan ng mga iskolar kung hindi nila tinatanggap ang tradisyonal na pagkaunawa na naghiwalay muna ang Samoyedo mula pamilyang Uraliko.

Lupang tinubuan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga iminungkahing lupang tinubuan ng wikang Proto-Uraliko ang:

  • Sa kapaligiran ng Ilog Volga, kanluran ng mga Ural, malapit sa Urheimat ng mga wikang Indo-Europeo, o sa may silangan at timog-silangan ng mga Ural. Ayon kay Gyula László, isang mananalaysay, nagmula ito sa kagubatan sa gitna ng Ilog Oka at gitnang Polonya. Ayon naman kina E. N. Setälä at M. Zsirai, ito ay nasa gitna ng Ilog Volga at Ilog Kama. Ayon kay E. Itkonen, umabot hanggang sa Dagat Baltiko ang lugar ng mga ninuno. Nakikilala ni Jaakko Häkkinen ang Proto-Uraliko sa pamamagitan ng Eneolitikong kultura ng Garino-Bor (Turbin) noong 3,000-2,500 YBP sa may Basin ng Mababang Kama.[3]
  • Iminumungkahi ni P.  Hajdu na ang lupang tinubuan ay nasa may kanlurang at hilagang-kanlurang Siberia.[4]
  • Iminumungkahi ni Juha Janhunen na ang lupang tinubuan sa gitna ng mga lagusan ng Ob at Yenisei sa Gitnang Siberia.[5]

Katibayan sa henetika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang likas na palatandaang henetiko ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko ay haplogrupong N1c-Tat (Y-DNA). Nakahihigit ang N1b-P43 kaysa sa N1c sa mga taong Samoyedo.[6] Nagmula ang haplogrupong N sa hilagang bahagi ng Tsina noong 20,000–25,000 years BP[7] at kumalat sa hilagang Eurasia, mula Siberia patungo sa Hilagang Europa. Madalas nakikita ang subgrupong N1c1 sa mga taong di-Samoyedo, N1c2 naman sa mga taong Samoyedo. Bilang karagdagan, ang haplogrupong Z (mtDNA), na natatagpuan na may mababang dalas sa mga Saami, Pinlandes, at Siberyano, ay may kaugnayan sa pandarayuhan ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko.

Noong 2019, nasumpungan ng isang pagsusuri batay sa henetika, arkeolohiya, at lingguwistika na dumating ang mga nagsasalita ng Uraliko sa rehiyong Baltiko mula sa Silangan, lalo na mula sa Siberia, sa simula ng Panahon ng Bakal noong mga 2,500 taong nakalipas.[8]

Mga unang patotoo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang mapapaniwalang pagbanggit ng mga taong nagsasalita ng isang wikang Uraliko ay nasa Germania ni Tasito (s. 98 PK),[9] na nagbanggit sa mga Fenni (karaniwang binibigyang-kahulugan bilang tumutukoy sa mga Sami) at dalawa pang posible na tribong Uraliko na nakatira sa mga pinakamalayong bahagi ng Eskandinabiya. Marami pang mga posibleng naunang pagbanggit, kabilang dito ang Iyrcae (posibleng may kaugnayan sa Yugra) na inilarawan ni Herodoto na nakatira sa kung ano ngayon ang Europeong Rusya, at mga Budini, na inilarawan ni Herotodo bilang mga may mapulang-buhok (isang pagkakakilanlang katangian ng mga Udmurt) na nakatira sa hilagang Ukranya at/o mga katabing bahagi ng Rusya. Sa hulihan ng ika-15 dantaon, ibinigay-pansin ng mga Europeong iskolar ang pagkakahawig ng mga pangalang Hungaria at Yugria, ang mga pangalan ng mga pamayanan pasilangan ng Ural. Ipinalagay nila na may koneksyon ngunit hindi sila naghanap ng ebidensya sa lingguwistika.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Simons, Gary F.; Fenning, Charles F. "Uralic" [Uraliko]. Ethnologue (sa wikang Ingles). SIL International. Nakuha noong Pebrero 14, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tommola, Hannu (2010). "Finnish among the Finno-Ugrian languages" [Pinlandes sa mga wikang Pino-Ugriko]. Mood in the Languages of Europe [Panagano sa mga Wika ng Europa] (sa wikang Ingles). John Benjamins Publishing Company. p. 155. ISBN 978-90-272-0587-2. Finnish among the Finno-Ugrian languages{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dziebel, German. "On the Homeland of the Uralic Language Family" [Tungkol sa Lupang Tinubuan ng Pamilya ng Wikang Uraliko] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The Cambridge History of Early Inner Asia, p. 231.
  5. Janhunen, Juha (2009). "Proto-Uralic—what, where and when?" (PDF). Sa Jussi Ylikoski (pat.). The Quasquicentennial of the Finno-Ugrian Society [Ang Kuwaskisentenaryo ng Lipunang Pino-Ugriko]. Suomalais-Ugrilaisen Seuran Toimituksia 258 (sa wikang Ingles). Helsinki: Société Finno-Ougrienne. ISBN 978-952-5667-11-0. ISSN 0355-0230.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tambets, Kristiina; Rootsi, Siiri; Kivisild, Toomas; Help, Hela; Serk, Piia; Loogväli, Eva-Liis; Tolk, Helle-Viivi; atbp. (2004). "The Western and Eastern Roots of the Saami—the Story of Genetic 'Outliers' Told by Mitochondrial DNA and Y Chromosomes" [Ang Kanlurang at Silangang Ugat ng mga Saami—Ang Kuwento ng mga 'Outlier' sa Henetika na Isinasalaysay ng Mitokondriyal na DNA at mga Kromosomang Y]. The American Journal of Human Genetics (sa wikang Ingles). 74 (4): 661–682. doi:10.1086/383203. PMC 1181943. PMID 15024688.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Shi H, Qi X, Zhong H, Peng Y, Zhang X, atbp. (2013). "Genetic evidence of an East Asian origin and Paleolithic northward migration of Y-chromosome haplogroup N" [Ebidensya sa henetika ng isang pinagmulan sa Silangang Asya at Paleolitikong pahilagang paglipat ng kromosomang-Y haplogrupong N]. PLoS ONE (sa wikang Ingles). 8 (6): e66102. doi:10.1371/journal.pone.0066102. PMC 3688714. PMID 23840409.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Saag, Lehti; Laneman, Margot; Varul, Liivi; Lang, Valter; Metspal, Mait; Tambets, Kristiina (Mayo 2019). "The Arrival of Siberian Ancestry Connecting the Eastern Baltic to Uralic Speakers further East" [Ang Pagdating ng Lahing Siberyanong Kumokonekta ng mga Nagsasalita ng Silangang Baltiko sa mga Nagsasalita ng Uraliko sa dakong Silangan]. Current Biology (sa wikang Ingles). 29 (10): 1701–1711.e16. doi:10.1016/j.cub.2019.04.026. PMC 6544527. PMID 31080083.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Anderson, J.G.C. (ed.) (1938). Germania. Oxford: Clarendon Press. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Sebeok, Thomas A. (Agosto 15, 2002). Portrait Of Linguists [Larawan ng mga Dalubwika] (sa wikang Ingles). Bloomsbury Publishing. p. 58. ISBN 978-1-4411-5874-1. OCLC 956101732.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)