Pumunta sa nilalaman

Ubad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aussteuerschrank – isang aparador pang-ubad, kasalukuyang nasa museong Alemano sa Hauenstein.

Ang ubad, dote, o bigay-kaya ay paglilipat ng pagmamay-ari, regalo, o pera ng magulang sa kasal ng isang iha (nobya o ikakasal).[1] Naiiba ang ubad sa mga kaugnay na mga konsepto ng presyo ng nobya at kaloob. Habang ang presyo ng nobya o serbisyong pangnobya ay pagbabayad ng nobyo o kanyang pamilya sa mga magulang ng nobya, ang ubad ay kayamanan na inilipat mula sa pamilya ng nobya tungo sa nobyo o kanyang pamilya, tila para sa nobya. Gayundin, ang kaloob ay ipinasyang pagmamay-ari sa nobya mismo, ng nobya noong panahon ng pagpapakasal, at nananatiling sa ilalim ng pagmamay-ari ng nobya.[2]

Sinaunang kaugalian ang ubad, at malamang na umiral na ito bago magkaroon ng talaan nito. Ang mga ubad ay patuloy na pinag-aasahan at pinaghihingi bilang kondisyon upang tanggapin ang pagpapakasal sa mga ilang bahagi ng mundo, pangunahin sa mga bahagi ng Asya, Hilagang Aprika at Balkan. Sa mga ilang bahagi ng mundo, ang mga alitang kaugnay ng ubad ay paminsan-minsang nagreresulta sa mga karahasan laban sa kababaihan, na kinabibilangan ng pagpatay at paninira ng asido.[3][4][5] Pinakakaraniwan ang kaugalian ng ubad sa mga kulturang tumutunton sa angkan ng ama at inaasahan ang kababaihan na makipamuhay sa o malapit sa pamilya ng kani-kanilang asawa (patrilokalidad).[6] Mahaba ang kasaysayan ng mga ubad sa Europa, Timog Asya, Aprika at mga ibang bahagi ng mundo.[6]

Ang ubad ay paglilipat ng pagmamay-ari ng magulang sa iha sa kanyang kasal (yaon ay, 'inter vivos') sa halip ng pagkamatay ng may-ari (mortis causa).[1] Itinatatag ng ubad ang isang uri ng pondong pangmag-asawa, kung saan nag-iiba-iba ang katangian nito. Itong pondo ay maaaring magbigay ng elemento ng pinansiyal na kasiguruhan sa pagkabalo o kontra sa asawang mapagpabaya, at maaaring ipaglaanan sa kanyang mga anak.[1] Maaari ring ilaan ang ubad sa pagtatayo ng sambahayan ng mag-asawa, at kung gayon ay maaaring kabilang dito ang mga kagamitan tulad ng lino at muwebles.

Sa mga ibang lugar, ang ubad ay tinatawag na दहेज (dahej) sa Hindi, வரதட்சணை (varadhachanai) sa Tamil, ਦਾਜ ("daaj") sa Punjabi, جہیز / جهاز (jehaz) sa Urdu at Arabe, যৌতুক (joutuk) sa Bengali, 嫁妆 (jiazhuang) sa Mandarin, çeyiz sa Turko, dot sa Pranses, दाइजो (daijo) sa Nepali,[7] miraz sa Serbiyo at Kroato at sa mga iba't ibang bahagi ng Aprika bilang serotwana,[8] idana, saduquat, o mugtaf.[9][10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Goody, Jack (1976). Production and Reproduction: A Comparative Study of the Domestic Domain. Cambridge: Cambridge University Press. p. 6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Goody, Jack (1976). Production and Reproduction: A Comparative Study of the Domestic Domain. Cambridge: Cambridge University Press. p. 8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "BBC NEWS – Programmes – Crossing Continents – India's dowry deaths". Hulyo 16, 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 7, 2016. Nakuha noong Abril 20, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Understanding and addressing violence against women" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2016-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Combating Acid Violence in Bangladesh, India, and Cambodia" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2012-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "dowry | marriage custom". Encyclopædia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-16. Nakuha noong 2015-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Stevan Harrell and Sara A. Dickey, "Dowry Systems in Complex Societies", Ethnology, Vol. 24, No. 2 (Abril 1985), pp. 105–120. Padron:JSTOR.
  8. John L. Comaroff (1981), Rules and Processes, University of Chicago Press, ISBN 0-226-11424-4; Chapter 6
  9. Anderson, S (2007). ""The economics of dowry and brideprice" in the". Journal of Economic Perspectives. 21 (4): 151–174. doi:10.1257/jep.21.4.151.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Charles Mwalimu (2007), The Nigerian Legal System: Public Law, Volume 1 (ISBN 978-0-8204-7125-9), pp. 546–551.
  11. Bride price: an insult to women, a burden to men? Naka-arkibo 2013-10-02 sa Wayback Machine., BBC News, Agosto 30, 2004.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.